Ellise Madelene
"Ellise, gusto mo sumama?" Nag aayang tanong ni Daniel.
"Oo nga Ellise sama ka sa amin. Tatambay kami sa field mamaya." Saba't naman ni Christine.
Hinanap ng aking mga mata si Jb. Nang makita ko sya ay agad syang ngumiti sa akin na para bang hindi sya tumututol at nag uudyok pa.
"Ano? Tara? Sama ka?? Ambagan tayo para sa foods." Sabi ni marriam.
"Sige sasama ako." Ang sagot ko naman.
"Uyy! Marriam, ambag ko nga pala para sa pizza." Ang sabi mo namang hindi tumitingin sa akin. Haay~ kailan mo kaya ako mapapansin noh?
"Para saan ba yan?" Tanong ko naman.
"Wala. Diba nga kasi mag babakasyon na tayo? Saka, parang bonding ba?" Sagot ni Daniel sa tanong ko.
"Ayy ganun? May one week pa ahh! Di naman kayo excited nyan noh?" Pasaring na sagot ko.
Napatingin ka nalang bigla sa akin at napatawa. Ang ganda talaga ng ngiti mo no? Lalo na pag nalabas yung dimples mo.
Sinagot naman kita ng isang matamis na ngiti. Lumapit ka sa akin at biglang mong ginulo ang magulo kong bangs.
Nakakainis ka naman! Sa lahat ng guguluhin mo bangs ko pa! Di ka na nakuntentong ginulo mo yung isip ko! Teka? Isip lang ba? Sa pagkaka- alam ko di lang yon. Package eh. Isinama mo na rin yung puso at buong sistema ko.
Hinawi ko nalang yung kamay mo sabay irap sayo. Mas maganda nang iwasan kita kaysa mahalata nilang kinilig ako sa ginawa mo.
"Ohh. Basta kasama na kayo ah!!" Pahabol ni Daniel.
Haay ewan. Sasama nalang ako.
.
Natapos na ang klase namin. Palabas na kami papuntang field. Nakasanayan na ng grupo ko na tumambay dito. Madalas ay ginagabi pa nga kami.
Masaya ako habang nakatambay doon. Syempre kasama ka ehh. Tumatawa ka pa nga sa mga jokes ni Daniel ehh.
Grabe ka talaga. Kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa mo nahuhulog lalo ako.
Masaya tayong lahat. Nagku-kwentuhan. Pero kinabahan ako bigla nang dumating ang topic natin sa crush, like, infatuation and love.
Di lang yon. Mas lalo akong kinabahan nang tanungin tayong lahat ni Daniel kung sino ang ating crush.Una akong tinawag ni Daniel. Pinag papawisan na ako. Di dahil sa kaba kundi dahil sa takot, takot na maaring iwasan mo ako sa malalaman mo.
"Ellise, ano? Sino crush mo?" Tanong ni Daniel. Agad akong napatingin sayo. Pero agad ko din itong binawi sapagkat nag tama ang ating mga mata.
Magsasalita na sana ako nang..
"Si Eros ang crush nyan ni Ellise." Halos hindi ako makahinga sa narinig ko. Agad akong napatingin sayo at nakita kitang nakatingin sa malayo. Pero may mga ngiti sa labi mo.
"Uyy! Hahaha! Kilig na 'yan!" Pang aasar pa nila Christine sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko nakakatakot.
"Hahaha! Ikaw ahh! Si Eros pala ahh! Bakit di ko alam yan!? Ganyan ka naman ehh?" Di ko alam ang isasagot kaya natawa nalang ako.
Pagkatapos ng araw na yon, at sa mga sumunod na araw, ay di mo manlang ako tinitingnan. Ewan ko? Di manlang dumapo yung mga tingin mo sa akin. Siguro dahil alam mo nang may gusto ako sayo.
Alam mo bang naiinis ako sayo? Sinasaktan mo na ako sa ginagawa mo.
Kaya naman, kahit natatakot ako, pinilit ko paring gawin. Nakapagdecide na akong kakausapin kita.
.
Tayong dalawa nalang ang naiwan dito sa room. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin 'to. Hindi ko alam ang gagawin pero nakaisip ako ng paraan.
Dumaan ako sa tabi mo papuntang
Front door ng room natin. Nang akmang bubuksan ko na ay bigla mo akong tinawag."Ellise"
Pangalang sambit mo. Hindi naman ako agad nakagalaw. Nanlalamig ang mga kamay kong nakahawak sa door knob.
Di kita nilingon. Pero alam kong nakatitig ka sa akin. Nakatitig ka sa mga susunod kong gagawin.
Unti-unti kong nilingon ang ulo ko patungo sa direksyon mo. Nagtama ang mga mata natin ngunit agad ko ding iniwas ito. Humarap na ako sa may pinto.
"Gusto kita."
Dalawang salitang sabay nating sinambit. Nagulat nalang ako nang nasa harap na pala kita at kinulong mo na ako sa 'yong mainit na yakap. Di na ako umarte- arte pa. Sinuklian na din kita ng isang mahigpit na yakap.
~All right reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the author. PLAGARISM is a crime.
Any resemblance of person , things or events are purely coincidental.
This is a work of fiction.