Elaine's POV
That night was a pain, sumasakit ng todo ang ulo ko after ko matutunan ang itinuro niya sakin. I really hate numbers. Nakakatuliro ng brain cells. Hindi ako katalinuhan, pero nakakainis yung kailangan mo talagang matutunan ang lesson. To the point na nagawa kong makatulog sa mismong lamesa. The next morning, nagising nalang ako sa guests room, with a loud alarm clock. Bwesit na umaga 'yun naaalala ko pa kung gaano kasakit sa tenga yun. Dinaig pa ang bomba. Nakakabasag eardrums.
Lumipas na ang isang buwan at dalawang linggo, kakatapos lang ng mid-term examination week namin. And next week will be our road trip!!! My gosh, excited talaga ako. Imagine, nung huli kong sama sa school road trips namin, travel and round tours was in JHS pa lang! Kaya namiss ko din 'tong ganito.
Saturday din ngayon, at wala kaming pasok. Kasalukoyan akong nagka kape dito sa hardin, nang matanaw ko mula dito ang kumikinang na katawan ng lalaking naglilinis ngayon ng kanyang sasakyan. Napailing-iling ako at kinurap-kurap ang mga mata sa nakita.
At dahil kaharap lang ng garden namin ang may garahe nila ay, hindi ko talaga maiiwasan na makita siya. Ang muscles nito ay gumagalaw at lumalaki sa tuwing kumikilos siya. Yung sunkissed yet tanned skin niya ay nag stand out pa lalo. Lalo na't medyo basa siya at nasinagan ng umagang araw ng alas sais ng umaga. Tama lang na hindi ako kumuha ng tinapay, dahil sa nakikita ko now ay pandesal na eh!
"Miss Elaine, ito na po pala yung ensaymada na pandesal na pinapakuha mo po," napapikit ako ng mariin sa sariling hiya. Nagpakuha nga pala ako ng pandesal. Nagawa ko pang nakalimutan dahil sa ibang pandesal na nakita ko, kani-kanina lang.
"Pakilagay nalang po dito manang, salamat po!" Napabusangot ako ng wala sa oras. Epal talaga si manang eh!
Nasa ganoong mood ako nang bigla nalang bumaling sa direksyon ko si Hanz. Kumaway pa ako at masaya siyang binati ng, "Good morning, Pork and beans!!!" Pero poker face lang iginanti niya, sabay smirk. Edi siya na ang tinaguriang, deadmatology! As usual, hindi ako nahiya noh, makailang beses ko na kaya nakita ang muscles niya.
"Mag suklay ka, at mag bra ka naman! Nagmukha kang manang!" Halos mabitawan ko na ang kape at nalaglag pa ang pandesal na nginuya ko ngayon dahil sa pagkalaglag ng panga ko sa sinabi niya. Napaamaang sa ka-harshness niyang mang insult. Aba't ang lokong 'to!
"Ang sama mo! I hate you!" sigaw ko pabalik at nagmartsa na lang papunta sa loob bahay. Panget na ng morning ko, ang ogag na 'yun! Arghhh! Sarap niyang ipahalik sa putik! Para naman maalibadbaran ng bibig niyang walang kasingtamis!
Sumapit ang alas siyete, at nagiisa na naman akong kumakain sa napakalaking dining namin. Napahinga ako ng malalim bago nagsimulang kumain. Hanggang kailan pa ba ako magiisa? Well, hindi naman sa lahat ng panahon nag sstay ang lahat. Kagaya nalanh nila ate ko, they grow up and get married after getting a profession. Kung baga dati, this empty dining was filled with joy and laughter from us. Pero now... Wala na. Tahimik pa sa sementeryo.
"Ang tabang naman ng kanin ko," kahit itong kinakain ko, natabang na din sa panlasa ko. Sad life...
"Stop sulking, sasaluhan na kita sa pagkain. Para naman hindi ka na mag drama diyan," pinaikot ko ang mata ko, nang mapansin siyang naghugot ng silya sa gilid ko.
"No one told you to come here nor ask you to join me, ano naman ang pake mo kung mag drama ako?" Kay umagang tapat, heto na naman siya sa pangaasar niya.
"Dapat masaya ka, kaysa mag emo ka diyan. Parehas lang tayong nagiisa sa mga bahay natin." dagdag niya, completely discarded my sarcasms.
"Eh, diba naglilinis ka ng car mo?" tanong ko tiyaka nagsandok ng kanin ko sa plato at iniumang sa bibig ko. Kinain din after.
BINABASA MO ANG
SINFUL AFFINITY (completed)
RomanceThey said, love is a gift. What if, you fell in love to the person you aren't supposed to be in love because it's wrong to love them? Ano ang gagawin mo sa bagay na yan, kung hulog na hulog ka na sa taong mali kung ibigin? ******** Si Hanz at si...