chapter 4

2 1 0
                                    


Chapter 4

Hindi rin ako sigurado sa aking nakikita dahil normal din naman ang amoy niya at hindi ko maipagkakaila na tao ang kanyang existence pero may mga bagay lang talaga na bigla bigla kona lang napapansin sa lalo’t na sa isang vampira.

“Emposible ang mga pinagsasabi mo, Zudar,”

“Hindi rin naman ako sigurado, e.”

“Na prapraning kalang,” tawa pa niya at nagpokus nalang sa taong nagsasalita sa’ming harapan, hindi naman natin masasabi agad agad na vampira ang isang ’to.

Nakinig nalang ako at kumain nang may ibigay sa ’kin si Shuee.

“Kain ka muna,”

Tumango ako at kinagat ang isang masarap na tinapay, masarap ito at napapatango ako dahil sa mapangbanyagang lasa nito. Aambang kakagat pa ’ko nang bigla akong matigilan dahil sa mga babaeng nagsisitipon at magsisimula na ’to sa kanilang gagawin.

“Mga ginoo! Inyong tunghayan ang ating mga dalagita na kanikanilang magpapakitang dilas sa sayaw ng bayan, Salsa.”

Nagsipakpakan ang lahat at todo ngiti naman itong nasa tabi ko, natuon ang aking tingin sa babaeng nasa gitna ng grupong nagsasayaw. She’s Shuee’s lover Gailey.

“Ang ganda mo!” pasigaw na wika ni Shuee, kulang nalang ipagsigawan sa buong mundo ang pangalan ng kanyang minamahal, makikita mo ang kaligayan sa kanilang muka, todo titig din ang babaeng si Gailey sa kanyang nobyo na nasa tabi ko.

Habang sumasayaw makikita mo ang kanilang pag-iibigan dahil parang walang mga tao sa kanilang paligid at sila lang ang nasa mundong ito. How pathetic love is. Gusto kong umliling sa kanilang mga itchura, but at the same time I feel happy for them.

“Zudar!” sumigaw naman si Martha sa’kin habang pumapalakpak sa pagsasayaw, umikot sila at naglikha ng isang simbolo na parang rosas, makikita mo ’yon base sa kanilang kasuotan, bahagya naman akong natawa at aambang iiling dahil nahihiya ako lalo’t natuon sa’kin ang tingin ng mga tao sa paligid at sa hindi alam na kadahilanan, pati ang anak ng Governador na si Shio ay napatingin sa gawi naming dalawa ni Shuee.

“Ang gwapo niya!”

“Sino siya?” bulong ng karamihan sa paligid, natawa naman si Shuee at tinapik ang balikat ko, mas lalong lumakas ang musika at nagsisitayo na ang mga taong naka-upo lamang kanina, nag sisiwagayway sila ng kanilang mga kamay, at sama samang tatawa.

“Zudar ang guwapo mo!”

“She shouted your name, Zudar.” si Shuee naman sabay palakpak dahil nakangiting nag flying kiss ang kanyang nobya.

Tumango nalamang ako sa babaeng sumigaw sa pangalan ko, she’s cheerful and honest but I felt sorry for her, coz I’m not interested at all.

Nang matapos ang sayawan sumunod naman ang sayaw ng mga kalalakihan, tumutugtog ng di pangkaraniwang instrumento at ’yung iba naman ay kumakanta gamit ang kanilang magagandang tono, nag sipalak pakan ang mga tao sa paligid, makikita na sobrang saya nila at kontento sa kanilang mga ginagawa.

At ang ngiting magpapatunay ng kasiyahan na ’yon ay ang ngiti ng aking matalik na kaibigan.

“Maraming salamat mga kaibigan,” wika ng taong nagsasalita sa aming harapan.
Sometimes it’s really weird to feel this way, I can’t tell and how to describe this kind of feelings and I don’t know how, it’s disgusting. Sa tuwing nakakaramdam ako ng kasiyahan feeling ko pinipigilan ko ito sa kakaibang paraan bigla bigla nalang nag-iiba ang mood ko at para sa’kin ang pagiiging masaya ay parang sumpa na pumapatay sa katapangan at kapangyarihan na meron ako.

His CureWhere stories live. Discover now