Kabanata 8 : Relasyon
KInabukasan"Ano ba naman? Lagi na lang?" inis na sabi ni Kim ng harangan siya ng kung sino sa dadaanan niya pero kahit hindi niya nakikita ang mukha ng taong humarang sa kanya sigurado si Kim na si Ion iyon.
Nakasuot ng jacket ang lalaki na may hood at nakasuot iyon sa ulo nito kaya hindi makita ni Kim ang mukha ng binata bukod kasi sa hood na tumatabing sa mukha nito nakasuot din ng shades ang binata. Pero kahit balot ang binata alam ni Kim na si Ion ang humarang sa daraanan niya.
"Mag usap tayo." sabi ni Ion kay Kim.
"Tungkol saan?" sabi ni Kim habang inaaninagan ang mukha ng Ion.
Napalingon si Ion sa paligid, nasa labas ng Valiente Empire si Kim ng mga oras na iyon ng makita niya ito habang nagjojogging.
"Will you marry me?" sabi ni Ion kay Kim na ikinanlaki ng mga mata ni Kim.
Napatitig si Kim sa binata at hindi siya nakasagot dahil ang akala niya biruan lang ang lahat kay Ion kapag lagi nitong sinasabi na pakakasalan siya nito.
"Magpakasal na tayo." sabi ni Ion kay Kim ng hindi nagsalita ang dalagang nasa harapan niya.
Napalingon si Kim sa paligid, maaga pa kaya wala pang masyadong tao. Malapit lang ang lokasyon ng pinagtatakbuhan niya para sa exercise routine niya sa Emperio. Isama pa na linggo ang araw na iyon.
"May problema ba?" tanong ni Kim kay Ion na hindi maapuhap ang itatanong at sasabihin dahil tila na mental block siya sa sinabi nito.
"Seryoso naman ako sayo at saka may anak naman tayo." sabi ni Ion kay Kim.
"Sapat ba na dahilan na may anak tayo kaya tayo magpapakasal?" tanong ni Kim kay Ion
"Oo. Siguro. Tutal may anak naman tayo at siguro naman mas okay naman na magkaroon ng kompletong pamilya si Uno." sabi ni Ion.
"Ikakasal na si Dark, at hindi ba masama iyon? Sukob." sabi ni Kim kay Ion ng maisip ang pamahiin ng matigil na si Ion sa sinasabi nito at pinipilit.
"Hindi naman, kasi pinsan ko lang naman siya. At hindi ako naniniwala sa pamahiin." sabi ni Ion.
"Alam ba ng pamilya mo?" tanong ni Kim.
"Hindi" sabi ni Ion
"Ayos ha. Pakakasalan mo ako ng hindi alam ng pamilya mo?" sabi ni Kim.
"Para quits, huwag mo rin sabihin sa pamilya mo." sabi ni Ion
Napatitig si Kim sa binata nakaharang sa sinag ng araw si Ion, isama pa na nasa lilim sila ng puno kaya hindi niya makita ang mukha nito.
"Ako ba niloloko mo? Isa ba itong joke?" sabi ni Kim.
"Hindi." sabi ni Ion.
"Alam mo kasi Ion..." udlot na sabi ni Kim ng biglang hubarin ni Ion ang suot nitong shades at inalis nito ng hood na suot nito
"Please, magpakasal na tayo kasi baka sa susunod na makikita mo ako ay sa lamay ko na." sabi ni Ion kay Kim na nagulat ng makita ang itsura niya.
Napalunok si Kim, namamaga ang mukha ng lalaking kaharap. Putok pa ang labi at ang kilay nito ay may hiwa. May pasa din ito sa gilid ng mga mata.
"A----a----anong nangyari sayo?" sabi ni Kim kay Ion.
"Nagsuntukan kami ni Autumn, lasing ako kaya napuruhan ako." sabi ni Ion.
Napatitig si Kim sa mukha ni Ion, lumapit ang dalaga at hinaplos nito ang mukha ng binata.
BINABASA MO ANG
H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)
RomansaPaano mo mapapanatiling kalmado ang pusong malikot ng lalaking sumama sa mundo mo, na puno ng tukso? Plagiarism is a CRIME Do NOT Copy All videos, images, songs, lyrics are credited to the owners. Date Started : January 23, 2022 Date Ended : Februa...