SHORT ONE SHOT

0 0 0
                                    

“Andrei let's break up” Nabura ang mga ngiti sa aking labi

“Huh? T-teka ba-kit?” Ng marinig ko mula sa iyong mga bibig.

“Nakakapagod na, nakakapangsawa kana” Ang mga salitang hindi ko inaasahan ng lubos.

“Pe-pero mahal wag naman ganto” Masakit sakin na marinig.

“Andrei naman eh! Please lang pakawalan mo na ako!” At makita kung paano mo gustong makipaghiwalay.

“I'm sorry.” Huling salitang aking narinig kasabay ng iyong pagtalikod.

Isang Hakbang pa lamang ngunit abot langit kong pinagdadasal na sana ay humarap ka at bawiin ang mga salitang iyong binitawan.

Pangalawang Hakbang nakita ko kung paano magsilabasan sa iyong mga mata ang mga luhang kanina mo pa pinipigilan.

Pangatlong Hakbang kinuyom ko ang aking mga kamao, at pilit na pinipigilan ang pagkawalan ng aking mga luha.

Pang Apat na Hakbang hindi kapa tuluyang nakakalayo ngunit ang pakiramdam ko ay sobrang layo mona.

Pang Limang Hakbang nagsimula ng magsilabasan ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

Pang Anim na Hakbang nakita ko kung paano ka tumingin sa langut at pumikit na para bang nagpipigil na bumalik.

Pang Pitong Hakbang hanggang ngayon ay patuloy parin akong nagdadasal.

Pang Walong Hakbang nakita ko kung paano mo punasan ang iyong mga luha kahit patuloy paring nagsisilabasan.

Pang Siyam na Hakbang saglit kang huminto at tumingin sa direksyon na kung saan ako'y naka puwesto, may bahid ng lungkot ang iyong mga mata ngunit nagawa mo paring ngumiti at sinabi ang katagang 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘪𝘵𝘢 pagkatapos ay nagsimula kana ulit humakbang.

Pang Sampung Hakbang na kung saan patuloy tuloy ka ng humahakbang at hindi na muling lumingon, samantalang ako ay wala ng nagawa kundi ang hayaan ka sa iyong kagustuhan kahit na ako ay mahihirapan.

Ngunit ito ang palagi mong tatandaan mahal na mahal kita kahit ayaw mona

┈┈┈┈┈


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sampung Hakbang [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon