ONE SHOT

7 2 0
                                    


"Laro tayo guyss!" excited na saad ng aming president

"Ano naman yan Pres?"

"Huwag na baka panget nanaman"

"Pres ang panget kaya ng mga palaro mo"

"Anong laro pres?"

Kanya kanya nilang komento kahit hindi pa sinasabi ang laro, nanatili akong tahimik sa may gilid dahil hangga't maaari ay ayaw kong mapansin

"Truth or Dare!" natigilan ako ng marinig na lumabas sa bibig ni Pres ang mga salitang yan

"Wala na bang iba Pres?" hindi kona napigilan ang sarili at tumayo upang tumutol, hindi nila pwede laruin ang larong iyon

"Mika ang KJ mo, ngayon na nga lang maganda yung suggest ni Pres eh!"

"Sali ako Pres!"

"Ako din Pres!"

"Sama mo na kami!"

Halos lahat sila nagsigawan upang makasali, habang ginagawa nila iyon napatingin ako sa KANYA sa may bandang likod. Ang mga mata niyang nasasayahan, ang mga labing may malaking ngiti

"Sasali ka ba Mika?" tanong sakin ni Janna na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya, agad ko siyang inilingan na nagpapakita na hindi ako sasali sa laro

"Janna pakiusap huwag kang sumali!"

"Hala! Sasali ako, kasali si Crush eh!" tukoy nito sa escort ng room. Hindi ko na siya napigilan ng bigla siya tumakbo papunta sa pwesto nila. May mga ngiti sa labi nila, lalo na sa kanya na mas malaki ang ngiti

"Mika! Julius hindi kayo sasali?" agad akong napatingin kay Pres ng sumigaw siya kaya agad akong umiling bilang pagtanggi na ginawa rin ni Julius "Sayang naman, Sige maglaro na tayo!"

Nagsimula na silang maglaro hanggang sa tumapat ang ulo ng bote kay Carla at ang puwetan ay kay Angelo, ang escort namin

"Truth or Dare?"

"DARE!" excited na saad ni Carla ang muse namin, na lalong ikina laki ng ngiti ni Angelo

Bago pa man magsalita si Angelo ay inaya nakong lumabas ni Julius, sya narin ang nagbitbit ng mga gamit ko at hinila palabas ng room

"Juli-.. I dare you to kill our classmates then Carla" naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Angelo, malamig iyon pero nakakatakot

Naging tahimik ang loob ng classroom ng biglang magsara ang pintuan nito at kasunod non ay ang mga sigawan ng mga kaklase ko na humihingi ng tulong

May mga nagtalsikan ding dugo sa mga nakasaradong bintana at ang iba ay kinakalampag pa ito. Hindi rin nagtagal ay biglang lumabas si Angelo na puno ng dugo ang damit niyo, habang may hawak na basag na boteng may tumutulo ng dugo

Bigla nitong sinaksak si Julius sa ulo kaya imbes na sumigaw napaupo na lang ako at napatakip sa bibig dahil sa panghihina at takot

Nang napansin ni Angelo na nakatingin ako sa bote ay agad niya itong tinapon at hinubad ang uniform nya at sinenyasan ako na sumunod sa kanya, pumunta kami sa locker room kung saan kumuha ng p.e uniform si Angelo at naligo

Hindi rin nagtagal ay lumabas ito habang pinupunasan ang basa nitong buhok at tumingin sakin ng matalim na para bang ako na ang susunod

"I'm sorry dahil nakita mo ako sa ganong antas, dapat lang silang mamatay dahil nagplano sila na ibully ka at hindi ko hahayaang mangyari yon" pagkatapos ay dahan dahan nya akong niyakap ng mahigpit, napaiyak na lang ako dahil mali ang iniisip ko sa kanya. Pinoprotektahan nya ako sa pamamagitan ng pagpatay sa mga taong nagbabalak sakin

"Ba-bakit" tuloy tuloy parin akong umiiyak habang nakayakap sa kanya, pero kumalas sya at maingat na hinawakan ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang tumutulo dito

"Dahil mahal kita, binago moko at handa akong bumalik sa pagiging mamamatay tao para lang maprotektahan ka. Kaya pakiusap, hayaan mokong manatili sa tabi mo at mahalin ka ng todo todo" ngumiti ako kahit na tumutulo parin ang mga luha ko at tumango, dahan dahan niyang nilapit ang muka nya hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking labi

┈┈┈┈┈

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth or Dare [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon