4 Months passed by so fast. Our relationship is still going strong. His movie was a hit. Sinama niya nga ako sa thanks giving party nila. I met his co-actors and leading lady. Tanggap na din ng mga fans niya na may isang KeyCee sa buhay ng idol nila. Everything is running smoothly in our relationship. And life doesnt get better than this..
Its already November and ilang linggo na lang birthday na ni CeeBee. Para na akong mababaliw kakaisip ano pwede ko iregalo sa kanya. I even asked his mom kung ano ba ang gusto ng anak nila. Sabi ng mom niya favorite daw ni CeeBee ang carrot cake. So kahit wala akong alam sa baking I challenged my self to bake the perfect carrot cake for his birthday. Gusto ko siya i surprise so I asked him kung pwedeng huwag na muna siyang matulog sa house pag off ko. Medyo nagtatampo nga siya but I told him we need time din naman away from each other. Kaya kahit ayaw niya wala siyang magawa. Wala e, batas ako.. Everyday after shift paghatid niya sa akin nag pa-practice ako mag bake ng cake. At yun, lagi din palpak. Pag off ko naman halos di na ako matulog para makapag luto lang. Oo nga pala, I forgot to mention na Liz my friend and Cholo, isa pang barkada nila CeeBee and Kross are in a relationship na din. Kaya pag off ko ginagawa ko silang taga tikim ng bine-bake ko. Alam kong lagi akong palpak, kasi kung hindi hilaw, sunog, o di kaya naman matabang or sobrang mushy ng gawa ko, kaya parang ayaw na nilang kainin yun ginagawa ko. Iwas na iwas sila pag nakita nilang may hawak akong spatula. Pero wala silang magawa..hahaha..
One week before ang birthday ni CeeBee I think medyo nag improve na ako. Nakaka tikim na din ako ng compliments from them. Pero kapalit ng compliments na yun ay ang mas lumalalim na pag tatampo sakin ni CeeBee. Alam kong hindi niya maintindihan kung bakit ayoko siyang matulog sa house namin nila Lia pag off ko samantalang dati naman pwede. At madalas din tinatanggihan ko yun mga invitations niya na mag dinner sa labas o di kaya gumimik. Di ko kasi mapaliwanag na kaya ako laging busy ng off ko kasi kelangan kong i perfect yun gift ko sa kanya. Kaya ayun, ramdam na ramdam ko sa mga tawag at texts niya yun hinanakit. Pero tinitiis ko na lang. Kasi gusto ko maging perfect ang lahat sa birthday niya. We rented his favorite coffee shop sa malate to celebrate his birthday. Dito siya madalas tumambay nuon pa pagkatapos ng shootings or after gumimik para magpababa ng tama. His photo and autograph hang sa isang part ng wall ng shop seperate sa mga pirma at photos ng iba pang artista who frequent the place. Friends na din kasi sila ng mayari ng shop na ito. Kaya naman nung sinabi ko na irerent namin yun lugar di na ako nagdalawang salita sa may ari.
The night before his birthday at sobrang anxious na ako. I was in the office at kasalukuyan nagka - countdown hanggang mag 12 to greet him. When the clock strikes 12 tinawagan ko kaagad siya pero parang nag cross line kasi biglang siya yun tumawag.
KeyCee : Andaya mo ako yun tumatawag pero naunahan mo ako.
CeeBee : Talaga tatawag ka? E parang nakalimutan mo na nga ako.
KeyCee : Grabe ka naman Baby. Di ka lang pinatulog sa house ng 2 weeks ganyan ka na mag isip.
CeeBee : Wala e. Ayaw mo na kasi sa akin. Pinagsawaan mo na kasi katawan ko.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Eto talagang boyfriend ko parang bata.
KeyCee : Asus. Wag ka na mag tampo. Babawi ako. Anyway, since panira ka ng trip ko, kasi ikaw pa tumawag, batiin na lang kita. Kasi gusto ko ako una mag greet sayo. Happy birthday Baby ko. I love you so so much.
Narinig ko naman na tumawa siya sa kabilang linya. Nawala na kaagad yun pag tatampo niya. Parang bata.
CeeBee : Break mo ba? Baka pwedeng mag half day ka na lang. God sobrang miss na kita baby.
KeyCee : Hinatid mo lang ako kanina miss mo agad ako?
CeeBee : Yun nga e. Hatid sundo lang tayo nagkikita. Ni hindi kita makasama ng matagal.

BINABASA MO ANG
Ang Ex- Boyfriend kong Artista (A short Story)
RomansaMatangkad, Guwapo, Malaki ang katawan, Magaling kumanta at sumayaw.. Isang gabi sa Gimikan.. Anim na buwang fairytale.. Isang maling desisyon.. Isang love story na walang happy ending. Isang istorya na too good to be true.. ..pero nangyari.. Paano k...