Chapter 1

92 3 6
                                    

Justin's POV

Naalala ko pa no'ng una ko siyang nakita. May event kasi sa St. Benilde. Kasama ko mga blockmates ko habang nanunuod ng nagpeperform sa stage. It was her turn, she have a short hair, naka-pearl hair clips at nakasuot ng off-white dress na abot hanggang tuhod niya. Hindi ko alam kung bakit nakatutok lang ang tingin ko sa kaniya. She seems like a modern Maria Clara to me. Mukha siyang hindi makabasag pinggan.

"Please welcome, our next superstar.. Carlye Alyssa Silverio." Grabe, pangalan pa lang agaw pansin na.

She's also playing the keyboard. Alam ko na agad ang kakantahin niya habang nagtitipa na siya ng keys. Enchanted by Taylor Swift. Her voice is heavenly, like an angel. Teka, hindi pa pala ako nakakarinig ng angel. Ano kaya 'yon, Jah?

All I can say is I was enchanted to meet you...

Bakit ko ba naiimagine na nakatingin siya sa'kin habang kinakanta 'yon? Eh tuwing titigan ko siya hindi naman tumatama pangingin namin. Hanggang sa matapos na siyang kumanta. Crush ko na ba siya? Ambilis naman no'n.

"Ano kayang course niya?" Wala sa sariling natanong ko sa mga kasama ko.

"Bakit, type mo?" Usyoso agad ng isa kong blockmate.

"Wala, curious lang." Dahilan ko.

"D'yan nagsisimula 'yan, Justin." Tukso niya.

Nagpatay malisya na lang ako. Siguro makikita ko pa naman siya ulit. Mukhang hindi naman kami nalalayo sa edad. Baka nga batch mates pa kami. Pero Third Year na 'ko ngayon as an AB Multimedia Arts student pero ngayon ko lang siya nakita. Freshman pa lang ba siya?

"Hoy, Jah! Nandito ka rin pala. Akala ko nasa library ka na naman." Tawag sa'kin ng kaibigan ko, si Cindy. Staffer siya ng school publication.

Tapos na rin ang event at nagkaniya-kaniya na kaming magblockmates para umuwi.

"Nayaya lang kanina. May ifefeature ka?"

"Ah oo, si Carlye. Magaling 'yon. Napanuod mo kanina?" What a coincidence. Siya lang yata naalala ko sa lahat ng nagperform. Haha!

"Oo, 'yong Enchanted." Sagot ko.

"Ba't may sumisilay na ngiti sa gwapong mukha ng Justin?" Panunukso niya.

"Huh?" Syempre, maang-maangan tayo.

"Magkakilala kami, actually. Gusto mo ilakad kita?" Sabi niya.

"May mga paa naman ako."

"Pilosopo. Kapag ikaw nangailangan sa'kin, baka i-who you na lang kita. Ikaw din." Tini-threaten pa ko ah.

Pero what if kailanganin ko nga?

Baka ano naman kapalit nito kapag tinopak.

"Sorry na. Anong year na ba siya? Ngayon ko lang nakitang magperform dito ah." Balik ko sa topic.

"AHA! Sabi ko na nga ba. Crush mo? Ngayon mo pa lang yata 'yon nakita, crush mo na." Panunukso ni Cindy.

Crush ko na siya no'n?

May point si Cindy, ngayon ko pa nga lang siya nakita.

Natahimik tuloy ako. Ayoko na. Masyado na akong naeexpose.

"AB Music Production student, sophomore, member ng Music Club, anak ng may ari ng isang Construction Company. Oh diba, reliable source ako, Jah!" Pagbibida ni Cindy.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now