CHAPTER TWENTY_FOUR: CITY LIGHTS

12 3 0
                                    


LANZ'S POV:

Pagkagising ko sa umaga namulatan kong nakahiga sa braso ko si Barbi, habang nakayakap sa akin nang mahigpit. Napangiti na lang ako at hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan siya sa pisngi. Alam kong nasaktan ko siya sa mga nasabi ko nung nakaraang gabi at sobrang na-guilty talaga ako nun pagkatapos.

Narinig ko rin ang lahat ng pinag-usapan nila ni King kagabi eh. Hindi niya kasi alam na nakatayo ako sa likod niya kagabi habang kausap niya si King.

Bad trip kasi itong si Attorney eh. Palagi niya kasi sinasabi na parang wala daw akong asawa kasi palagi na lang daw lukot ang damit ko. Naiinis lang talaga ako nun dahil hinuhusgahan nila si Barbi. Hindi raw kasi wife material ang napangasawa ko dahil hindi raw marunong magplantsa ng damit.

Napikon na lang siguro ako kaya si Barbi ang napagbuntungan ko ng init ng ulo nung nakaraang gabi. Ayoko lang kasi na makakarinig ako ng hindi maganda tungkol sa asawa ko. Parang naaapakan kasi ang ego ko.

Kung hindi ko lang talaga nilalakad ang kaso sa orphanage ay hindi ako makikipagkita palagi kay Attorney at Candace. Kailangan kasi ay nandun sila sa court hearing eh. Si Candace ay sinasamahan ang kanyang ama sa hearing. Kaya hindi maiwasan na makakausap rin namin siya ni Attorney. Kung hindi lang dahil sa mga sinabi nila ay hindi sana ako na triggered nang ganun. Nasigaw-sigawan ko tuloy si Barbi.

Sobrang naiinis talaga ako sa sarili ko. Tanggap ko naman si Barbi kung ano siya at kung ano lang ang kaya niya. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko nasabi sa kanya ang mga bagay na yun eh. Dapat pala hindi ko sinabi kay Barbi ang tungkol sa lumpia. Iniisip na tuloy niyang isa siyang lumpia.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o maaawa.

I found her cute when she's sulking about that lumpia thing but in the other hand, I felt guilty for it.

Tumingin ako sa kanya habang nakabalot siya sa kumot at mahimbing na natutulog. Nakaunan pa siya sa braso ko.

I smirked and combed her hair using my fingers. "I'm sorry. Hindi ko na uulitin," mahina kong sabi.

Hinawakan ko ang mga labi niya ng daliri ko habang nakapikit pa rin siya at mahimbing na natutulog. Hinding-hindi ako magsasawa sa kanya.

Nagulat ako nang bigla siyang dumilat kaya inalis ko rin kaagad ang tingin ko sa kanya at saka sumeryoso.

Tumikhim ako. "Anong oras na Barbi? Akala ko ba magluluto ka ng almusal ngayon?" palusot ko.

Bumangon siya at kinusot-kusot niya ang mga mata niya. "Sorry kung hindi ako nakapag-alarm," sabi niya at saka humikab bago siya nagtalukbong ulit ng kumot.

Saglit siyang napatulala at saka humiga ulit at natulog. Bigla akong natawa at napailing. "Puyat kasi nang puyat eh," sabi ko.











TAPOS NA KAMING magtupi ng damit ni Barbi. Tinulungan ko na siya dahil tila isang buong aparador na damit ang kailangan niyang tupiin. Isang buwan yata siya bago nakapaglaba ng mga damit namin.

Hindi na rin muna ako umalis ngayon. Naaawa na kasi ako sa kanya eh. Narinig ko kasi ang sinabi niya kay King kagabi eh. Sabi niya nalulungkot daw siya dahil palagi siyang mag-isa rito sa bahay.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon