All Day Long (oneshot ^^)

1.5K 45 31
                                    

ALL DAY LONG (oneshot story^^)

Karen POV

tinitingnan ko ang mga istudyante sa labas nang classroom, ang iba nakaupo lang sa ilalim ng puno at nakikinig ng music habang ang iba ay nagbabasa nang libro.. karamihan ay mga istudyanting masayang nagkukwentuhan, napatingin ako sa katabi ko nang bigla niya akong sikuhin

"aray" mahina kong sabi.. pagkaharap ko sa kanya sinenyasan niya ako na makinig naglelecture pa kasi si Ma'am Gomez nang boring niyang subject na College Algebra, hindi ko alam bakit ayaw ko talaga sa subject niya Naturingan pa naman akong Math Club

Pagkatapos nang subject ni Miss Gomez nanatili ako sa classroom at binalik ang tingin ko sa labas habang ang iba kong mga kaklase ay unti-unti nang lumalabas

"Hoy, Karen... may balak ka pa bang kumain?? nagugutom na ako" pag-aarting sabi ni Kara, kaibigan ko ang babaing yan simula elementary marami ngang nagsasabi na kambal tuko kami pero magkaiba talaga ang ugali namin

"oo nga.. para kang timang diyan" si Shayne, ang bookworm nang barkada. Actually lima kaming magkakaibigan Si Kara, Shayne, Rica, Hana at Ako

"Tayo na diyan.. naghihintay na si Rica at Hana sa canteen" at tumayo narin ako pagdating sa Canteen lumapit kami kila Hana at Rica na kumakaway pa sa amin

"Bat ang tagal niyo naman" riklamo ni Hana tapos bigla silang tumingin lahat sa akin "anu??" nasabi ko nalang

"hay nako.. hindi ka pa ba nakakamove-on sa fiance mo??" si Rica naman ang nagsalita. pinagdilatan ko nalang sila nang tingin

ang totoo niyan ayoko talagang maalala pa yun

~FLASHBACK~

Pinagkasundo kasi ako nang mga magulang ko kay Kris kababata ko at crush na crush ko rin pumayag ako sa kasal dahil sempre ikaw ba naman ipakasal ka sa taong lihim mong gusto Jackpot yun ^^

Pero nalaman ko nalang na may iba pala siyang gusto sinabi niya lahat yun sa akin bago ang engagement namin kahit masakit sa akin sinuportahan ko siya nakikita ko naman na mahal na mahal niya yung girl

 ~sa araw bago ang engagement ~

nabigla ako nang sabihin niyang may gusto din daw siya sa akin pero dati pinakilala pa niya yung... aysshhh.. wag ko na ngang isipin yun kahit naguguluhan sa disisyon niya wala man din akong magawa sinubukan ko siyang tanungin tungkol dun pero tanging ngiti lang niya ang sinasagot sa akin

sa tuwing ngumingiti siya nalulungkot ako alam kong napipilitan lang siya "hindi ako magpapakasal sayo kung hindi kita gusto" sabi niya nang mahalata niya siguro na nag-iba ang expresyon nang mukha ko. napangiti nalang ako

~Sa araw nang engagement~

lahat naghahanda nang mahalata kong nagkakagulo sa labas para kasing may hinahanap sila nakita ko si Ate Jane ang ate ni Kris na papalapit sa kwarto ko

"anung nangyayari Ate??" tanong ko "Don't worry Karen, wala lang yan" malungkot niyang sagot pumunta na ako sa Party para e-entertain ang mga bisita pero hindi ko mahagilap si Kris anu kaya ang nangyari??

napangiti ako nang bigla siyang dumating sinalubong siya nang mga magulang niya na galit na galit sinubukan kong kunin ang atensyon niya pero hindi niya ako napansin

All Day Long (oneshot ^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon