Chapter 2

59 4 2
                                    

Justin's POV

Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko sa kaniya. Baka isipin no'n na ang weird ko, o di kaya creepy. 'Wag naman sana.

Pumunta na ako sa ShowBT para sa training. Ako at si Stell pa lang ang nandito. May time pa naman para maghintay sa tatlo. Maya-maya dumating na rin si Sejun, tapos si Josh. Malamang huli talaga si Ken. Haha!

"Parang may iba sa bunso." Biglang sabi ni Stell. Ano na naman ang napapansin sa'kin?

"Ha?" React ko.

"Basta." Parang naguguluhan din si Stell.

"Baka in love." Sabi naman ni Ken out of nowhere. Sa kaniya pa talaga galing ha.

"Ako pa talaga pagtitripan n'yo ah. Magpractice na nga lang tayo." Sabi ko na lang.

Pagkatapos ng practice. Nagmerienda muna kami. Nakareceive naman ako ng text mula kay Cindy. Nireremind ako sa birthday niya. Bawal daw akong umabsent. Wala namang sched sa araw na 'yon kaya aattend ako. Debut daw niya eh. Akala ko sa 21st birthday pa siya magdedebut, total mukha naman siyang lalaki. Ay joke lang.

Dumating na ang araw ng birthday ni Cindy. Sa isang hotel ang venue kaya nagpahatid ako kay Diko. Susunduin din ako mamaya pagkatapos ng celebration. Nakasuot ako ng suit dahil part ako ng 18 roses.

Nang makapasok ako sa function room, hinanap ko mga iba naming kaibigan pero sa ibang school sila nag-aaral. Kaya may kasama na ako sa paghihitay na magstart ang program. Napalingon ako sa kabilang gawi ng table.

Nandito rin pala si Carlye. Malamang friends naman daw sila ni Cindy eh. As usual, maganda siya tsaka bagay na bagay sa kanya ang dress niya. Blue ang favorite color ni Cindy kaya 'yon ang color scheme ng mga attendees. Pansin kong hindi nakikisali sa usapan si Carlye kahit na may mga kasama siya sa table. Introvert din ba siya? Hindi halata no'ng nagpreform siya.

Tapos bigla ring nadivert ang tingin niya sa gawi namin. Instant eye contact. Anong gagawin ko? Tipid siyang ngumiti sa'kin, napakaway tuloy ako.

"Kilala mo 'yon, Jah?" Tanong ng isang kaibigan namin.

"Oo, taga St. Benilde din." Sagot ko.

"Ganda 'no? Pero mukhang strict ang parents. Haha. Ingat ka." Biglang sabi sa'kin. Anong ibig niyang sabihin? Kumaway lang naman ako.

Maya-maya nagsimula na ang program. Nagmukhang mahinhin si Cindy daldal ngayong gabi ah. Iba ang nagagawa ng gown. Di, joke!

Nagdinner na rin kami bago magproceed sa 18 candles. Isa si Carlye do'n. Ang hinhin niya magsalita at wala yata akong pinalampas na salita mula sa kaniya. Dinaig ko pa yata si Cindy sa pakikinig.

Tapos turn naman namin na 18 roses. Siyempre hindi mawawala ang pasimpleng bardagulan namin ni Cindy habang sumasayaw.

"Naks, dalaga 'yan? Akala ko after 3 years pa debut mo pare." Bungad ko.

"Wala ka talagang utang na loob sa'kin, Jah. Baka kung hindi ko pinilit si Carlye, hindi kayo friends sa Facebook." Pangungonsensya niya.

So, ginawan niya pala 'yon ng paraan? Akala ko nagkusa lang si Carlye eh.

"Edi sorry." Sabi ko na lang.

"Isayaw mo rin mamaya. Pwede 'yan. Siningit ko sa program." Sabi niya pa sa'kin.

Hindi na ako nakareact sa kaniya dahil ibang lalaki na sasayaw sa kaniya.

Napatingin tuloy ako kay Carlye nang makabalik sa table. Yayayain ko ba siya mamaya? Nakakahiya.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now