8 days na akong nandito sa Condo ni CeeBee. Hindi na din niya ako pinasama sa mga shoot at taping niya. Para daw makapag pahinga daw ako. Pero he makes it a point na lagi kami sabay mag dinner or breakfast or lunch. He promised na di siya tatanggap ng schedule for 2 days para naman daw ma-solo niya ako ng buong buo. We decided na mag grocery sa isang mall sa malate para mag stock ng pagkain sa bahay. Nakipag meet na din kami kina Lia at Kross. After 2 hours natapos na kami mag grocery. We decided na mag lunch na muna sa coffee shop na laging tinatambayan nila Kross. Palabas na kami ng mall ng may madaan kami na store na nagtitinda ng gym equipments at mga whey products para sa pagpapalaki ng katawan. Sabi nila Kross at CeeBee titingin muna sila ng energy and protein drinks. So nag tingin tingin muna kami ni Lia ng mga accessories. Medyo naiinip na ako dahil 10 minutes na silang bumibili kaya pumunta ako at pumasok dun sa store. Nakita ko sila dun sa dulo ng isle na may mga naka display na formulas kaya lumapit ako. Dun ako dumaan sa katabing isle. Nung malapit na ako napansin kong may babae silang kausap. Medyo tumaas ang kilay ko. Ngiting ngiti si Kross, samantalang si CeeBee naman parang may pinipirmahan. Di muna ako nagpakita at sumilip lang ako sa mga pagitan ng mga naglalakihang whey protein drinks. Nakita ko na hawak ni CeeBee yun cellphone nung babae. Tinignan ko yun babae mula ulo hanggang paa. Naka short shorts ito at spaghetti strap na damit. Naka sneakers din ito. Parang galing lang sa gym. Mahaba ang buhok at aaminin ko maganda siya. Mas lalong lumipad ang kilay ko pataas. Aba. Ano to nagpapalitan sila ng numbers? Maya maya lang umalis na din yun babae. Sinundan pa nila ng tingin pareho. Narinig ko silang dalawa naguusap nung wala na yun babae.Kross : Maganda siya no? San kaya siya nag gi-gym?
CeeBee : Pwede na. Pwede na din.
Kross : Sayang no?
Tapos nag apir at tawanan lang sila. Di ako nakapag pigil bigla akong lumabas sa gilid nila at nagsalita.
KeyCee : Sayang ba? E di habulin ninyo!
Kitang kita ko yun pagka gulat sa mukha nilang dalawa pero di ako nagpa tinag. Inirapan ko sila tapos nagmamadali na akong lumabas dun sa store.
Kross : Patay tayo diyan.
CeeBee : Baby wait. Let me explain.
Pero dirediretso lang ako. Sayang pala ha? At ano daw sabi ni CeeBee? Pwede na din yun babaeng yun? Sinasabi ko na nga ba. Pag wala ako kung sino sinong babae kinakalantare niya. How dare him! Tapos gusto niya nagpakasal kami? Pakasal niya mukha niya. Dire diretso ako papunta dun sa elevator. Nagtataka si Lia nung nilampasan ko siya. I have to get away from here. Sobrang sama ng loob ko. Mangiyak ngiyak na ako pero ayokong makita ako ni CeeBee na ganito ka apektado. Nakaka irita. Feeling ko niloloko lang ako ng lalaking yun. Masyado akong nagpadala sa mga pambobola niya. Yun pala matalikod lang ako kung kani kanino na nakikipag landian? Shit siya! Gigil na gigil na ako sa galit. Bumukas na yun elevator. Pasakay na sana ako nung may pumigil sa braso ko. Pag tingin ko si CeeBee. Agad ko naman tinanggal yun pagkakahawak niya sa akin.
KeyCee : Wag mo akong hawakan. Get away from me.
Tinitigan ko siya ng masama. Ayoko ng eskandalo kasi siyempre artista pa din siya. Kaya mahina pero madiin yun pagkakasabi ko. Pero hinawakan niya ulit ako tapos hinatak paalis dun sa elevator. Nag tinginan yun mga tao. Sino ba naman di makaka pansin sa isang CeeBee Sanders diba? Dinala niya ako dun kina Lia. Nasa may gilid sila ng grocery store. Medyo secluded yun lugar. Pagdating sa harap nila Kross tsaka niya ulit ako binitawan.
CeeBee : Kross ikaw nga magpaliwanag dito kay KeyCee. Please.
Kross : Fan lang yun KeyCee. Nagpa picture lang. Boys talk lang naman yun. Ako may kasalanan.
BINABASA MO ANG
Ang Ex- Boyfriend kong Artista (A short Story)
RomanceMatangkad, Guwapo, Malaki ang katawan, Magaling kumanta at sumayaw.. Isang gabi sa Gimikan.. Anim na buwang fairytale.. Isang maling desisyon.. Isang love story na walang happy ending. Isang istorya na too good to be true.. ..pero nangyari.. Paano k...