Dad: You can't come home yet, we have a situation at hand and we want you to stay where you are right now.
Ito ang reply ng daddy ni Yvienne sa kanyang chat nang sabihin niyang uuwi siya ng Pilipinas. Galit pa rin siya at gigil kay Makki tapos ay dumagdag pa ang pag-aalala niya sa mga magulang. Hindi sinabi ng kanyang ama kung ano ang nangyari pero mukhang may kinalaman sa kaligtasan ng mga ito at sa buong pamilya nila.
Nilapag niya ang cellphone sa kama at tumayo. Kagat ang dalaring nagpalakad-lakad sa loob ng silid nila ni Makki. Saan pa ba siya pwedeng kumuha ng impormasyon para malaman niya ang sitwasyon doon sa Yala? Nagchat na siya sa ibang mga kaibigan niya sa Pilipinas pero walang maibigay na balita ang mga ito. Kahit ang uncle niya ay ayaw siyang bigyan ng matinong sagot. Kung bati lang sana sila ng asawa niya pero hindi, pwede niyang magamit ang network nito para makibalita. Pero wala pa siya sa mood kibuin ito.
Bumaling siya sa pintuan nang pumasok si Makki, dala ang laptop. Ibinaba nito sa kama iyon at may isinaksak na micro flash drive. She looked away when he turned to her direction. She decided to really ignore him until she can go back to her home town. Balak niya sanang doon makikipagtutuos sa asawa sakaling hahabulin siya nito. Pero mapupurnada pa yata dahil hindi pa siya maaring umuwi.
"You wanna know what I've been doing these past nights? It's all in here if you'd like to watch, I leave the videos open," pahayag nito.
Didma pa rin siya at pinagtutuunan ng pansin ang mga kuko niyang gigil nang mangalmot ng mukha at mga paa niyang nangangating manipa.
"What do you like for lunch?" he asked patiently but to no avail.
Bumuntong-hininga ito at naglakad palabas ng pintuan. Napapikit siya sa ngingit na lumukob sa kanyang sistema. Kaninang madaling araw ay sumuko na itong makipagtalo pa sa kanya at hinayaan na lang siyang magtalak hanggang sa nagsawa siya. Pero hindi pa rin humupa ang sama ng loob niya kahit nailabas na niyang lahat.
Sinulyapan niya ang laptop. It displayed the video file, playing the raw and uncut footages. Humakbang siya para mapanood iyon ng malapitan. Mga kuha mula sa loob ng silid ni Amayya at ang mga kakatwang bagay na ginagawa ng babae. Nagwawala ito, inuuntog ang ulo sa dingding. Nananginginig. May footage rin na tinungga nito ang laman ng bote ng vitamin C.
Sa ibang footage ay kasama na nito si Makki sa loob ng fitness room. Tumatakbo sa treadmill ang mga ito, mayroong nasa heavy bag o kaya ay nakasampa sa hyper extension bench ang babae. Sa pagitan ng mga ginagawa nito ang maiksing pag-uusap ng dalawa. Napapakuyom siya ng mga kamao tuwing dumadaan ang video na karga ng asawa niya si Amayya. Yakap mula sa likod para alalayan o kaya ay hawak sa kamay at braso.
Selfish na kung selfish pero may karapatan siyang magdemand na siya lang dapat ang hinahawakan ni Makki ng ganoon. Kung kailangan talaga ni Amayya ng alalay, pwede naman siya. Pwedeng siya na lang sana ang sasama sa babae sa mga ganoong aktibidad tuwing susumpong ang anumang sakit na kinimkim nito.
Matapos niyang panoorin ang video ay nagkalkal siya ng ibang files na lamang ng flash drive. Nabuksan niya ang assessment ng kaso ni Amayya galing ng Infirmaria. Binasa niya iyon. Unang linya pa lang ng case study ay tumama na ang paningin niya sa suicidal tendency nito. Ninety percent. Anumang oras ay pwede nitong maisip na magpakamatay. Naintindihan naman niya ang lalim ng sugat na dinulot ng mga karanasan nito sa utak at emosyon ng babae. Hindi niya maaring hingiin dito na umastang normal dahil malaking bahagi ng pagkatao nito ang nasira at nilapastangan. Dapat ang naglagay ng limitasyon ay si Makki.
Napukaw na naman ang inis niya sa asawa. Mag-hunger strike kaya siya? Kaya lang baka may laman na ang sinapupunan niya, madadamay pa ang quadruplet nila. Nahaplos niya ang tiyan. Mahihinang katok mula sa pinto ang nagpaangat ng mga mata niya. Bumukas iyon. Umangat ang kaliwang kilay niya nang makita si Amayya na pumasok.