Chapter 19: Extra Activities

972 71 6
                                    


How to be an Extra?
| Chapter 19 | Extra Activities

Mezzi Claudine Stockholme

I have lots of wishful thinking. Some are repetitive—regrets. Kung sana naging mas maingat pa ako. I should have known by now that being so curious always gets tragic results.

Pero nawala lahat ng pangamba ko nang maramdaman kong may kumapit sa magkabilang braso ko.

"What are you doing?"

Upon hearing that voice, napalingon ako sa kanya na nagawa ko. Naguguluhan ako dahil nagawa ko nang gumalaw.

"Na-mamasyal lang ako. Nagpapahangin." I tried making an alibi.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang mga nangyari. We aren't on the level, we aren't on amicable stage either—the opposite I might say.

"Namamasyal? Hindi mo ba alam na kanina ka pa hinahanap ni mom. Magsisimula na ang piging." Tila naiinis ito pero nanatiling kalmado.

"I am sorry." I heaved a sigh.

It is partly my fault, so I apologize. Pero alam ko rin na may kasalanan sya kung bakit nangyari 'to. Kung hindi nya ako dinanas palabas ng bulwagan, hindi ako mapadpad sa lugar na 'to. Nonetheless, fortunately, he somewhat rescues me this time... again but unknowingly—ang rason kung bakit nakahinga ako ng maluwag.

"Let's go." Hindi ako naka-react nang biglang hawakan nya ang kamay ko.

Sa ikalawang pagkakataon, dinanas na naman nya ako. Hindi na ako nagpumiglas at nagpatianod sa kanya. But before we totally leave the place, I look back. Wala na ang pulang pares na mata.

"That was close." I murmured.

I really should be careful. Kailangan kong pigilan ang masyadong pagiging curious ko sa mga bagay-bagay. I should have learned by now dahil ilang ulit na akong napahamak. I should get together my actions. If I really want to survive and give Lady Sneddelline a life, I should think multiple times before doing a thing.

Nang makarating kami sa bulwagan ay nagsimulang magkumpulan ang mga naroon sa isang lugar. Kahit nakita ko na ang buong paligid kanina, namamangha pa rin ako.

"Whether we like or not, we need to stay close at each other—mom's order." Sabi nya habang nakadiretso ang tingin.

We also join the crowd. In front, there is Pinunong Aeragon and Headmistress Klaus, and two others.

"Muli ay maligayang pagdating sa Orægon Heights. Nagpapasalamat ako sa malugod nyong pagtulong sa amin. Sa Kaharian ng Feytoppia, Kaharian ng Ferrius, at Kaharian ng Boltiz—buong puso akong nagpapasalamat. Nawa maging maligaya kayo sa inihanda naming munting piging." Itinaas ni Pinunong Aeragon ang kopetang dala nito.

"Hindi kami magsasawang tumulong sa inyo, Pinunong Aeragon." Headmistress Klaus also raised her glass.

"Isang karangalan ang pagtulong sa inyo." An old man with a long mustache said. Itinaas rin nito ang kopetang dala.

Hindi rin nagpahuli ang isang lalaki na kasing edad ni Headmistress Klaus. "Taos-puso namin itong ginagawa."

"Maraming salamat, at magpakasaya tayong lahat." Huling sinabi ni Pinunong Aeragon bago nabuwag ang kumpol.

Sa ikatlong pagkakataon ay hinala na naman ako ng lalaking 'to sa kung saang direksyon. Nagpatianod na lamang ako dahil alam kong ligtas ako kung kasama ko sya. As much as possible, I need a companion if I want to be careful. But that thought seems off since this man is also a danger—yet nonetheless. Isa pa, utos ito ni Headmistress Klaus. I also have no options left.

How to be an Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon