Chapter 7

39 3 0
                                    

Sassy's POV

Seeing him perform in person, I'm so proud of him. Unti-unti na rin silang nakikilala ng mga tao. I'm sure dadami pa ang fans nila, that includes me already. Sayang lang dahil hindi ko na siya nasamahan all throughout his journey in reaching his dreams. We're almost reaching the things we once just dreaming, yo'n lang, we have to be in separate ways.

Nagkaharap pa kami ng malapitan. I did expect him to be aloof. After all, hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. It's been two years, I guess. Pagkatapos ng pag-aaral ko sa LA, hindi na ako nagstay do'n at umuwi agad since my parents passed away.

Yes, Mom and Dad are gone now. They died in a car accident habang nasa LA ako at ilang linggo pa lang ang lumipas after kong makapagtapos. I regret a lot of things and I'm really sad everytime I think about them. Nagkaayos naman kami a year after I left this country. They were reaching out to me para makabawi dahil pati messages nila ay iniiwasan ko noon. Pero hindi naman ako ganon katigas para tikisin pa ang mga magulang ko. Siguro kung hindi nangyari 'yon, nagalit na ako sa sarili ko ngayon.

I was devastated nang umuwi noon sa bahay. Ibang welcome party kasi ang nadatnan ko. Two coffins in our living area. Karamay ko naman sina Nanay Letty at Tatay Bert. Nanay at Tatay na ang tinawag ko sa kanila simula nang mawala sina Mommy. It's not that I'm replacing my parents, pero sila na rin kasi ang tumatayong pangalawa kong magulang.

Then I joined a competition which brought me to instant stardom bukod sa pagiging YouTuber ko. Naging regular na ako sa ASAP kaya nga nagkita kami ng SB19. Bukod sa dati kong connection kay Justin, bilib naman talaga ako sa kanilang lahat. They have the potential, especially promoting PPOP.

"Miss Sassy, trending sa twitter ang pictures niyo with SB19. May mga nagrerequest pa ng collab." Balita sa'kin ng personal assistant kong si Carmela.

"Really? Sana nga soon, makapagcollab kami."

Ayos lang kaya kay Justin na makatrabaho ako?

Siguro nakamove-on naman na siya.

"Sino naman po ang bias niyo sa SB19? Akin kasi si Sejun." Yeah, my PA is also an A'TIN kaya nagkakasundo kami eh.

"Uh, ewan. Kailangan ba talaga 'yon? Hindi pwedeng MAHALIMA na lang?" Hindi ko pa naman kasi napag-isipan 'yon. If I say it's Justin, baka maungkat pa ang past namin.

"Matik naman na 'yong MAHALIMA, pero may amo talaga tayong uuwian." Sabi niya sa'kin.

Napaisip ako.

"Siguro si Stell." Sagot ko na lang. Nagalingan naman talaga ako sa kaniya do'n sa random play dance. Ang dami niyang alam na Kpop songs and dance steps kahit sa girl groups.

"Ay bet, StellJun tayo."

Nagguest ulit ang SB19 sa ASAP the next Sunday. Kakatapos lang ng performance ko kaya nagkasalubong kami on my way to the dressing room.

"Hi, Ms. Sassy." Bati nila sa'kin. Well, except Justin.

"Hello, mga kuya!" Bati ko rin sa kanila. Normally hindi ko naman tinatawag na kuya ang mga artist kahit mas matatanda sa'kin. Pero feeling ko kasi ang saya maging little sister nila.

Hindi ko narinig ang binulong ni Ken kay Josh. Malamang bulong nga eh.

"Ang galing talaga ng performance mo, lodi." Sabi sa'kin ni Stell.

"Haha, thanks. Papanuorin ko rin kayo later." Sagot ko.

Kumaway kaway naman sila sa'kin bago kami maghiwalay.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now