WAKE UP, MIRACLE, GOODBYE

2 0 0
                                    

“Miracle, no!”

Sa isang iglap, naramdaman ko ang pagbagal ng takbo ng mga kamay ng orasan. Rinig na rinig ko ang pagtawag na iyon sa aking pangalan. Nagtangka pa akong lumingon sa pinanggalingan ng sigaw na iyon ngunit mas nangibabaw na ang umaalingawngaw na busina ng isang sasakyang nagbabadyang humarurot sa aking kinatatayuan.

I got steamed up. I was like stocked in a maze, getting in a sweat, trying to figure out where’s the way out of the distressful walls of anxiety. I was left with two choices, to run and escape my dead-end, or to accept that afterlife is now my next destination. As the clock ticks, I can hardly feel my heartbeat beating upon perturbation. I was out of sorts and impulsive at that moment. I was literally out of my mind. My soul was filled with nothing but daunt. I wasn’t thinking right. My feet were strangled tightly by agony that made me refuse to run.

In just a blink, I felt a strong force that hit my body. I was thrown in few meters, my head forcedly bumped on the concrete ground and I was laid on the road, bleeding hopelessly. My sight went whirling around till it was filled with white light. But before I could lose my consciousness, my ears captured a voice of a man. “No! Miracle, live! Please, wake up!” I heard his voice cracking. That was my last moment as a living person and I never got a chance to gaze at him.

Napamulat ako ng mata dahil sa tunog ng isang electrocardiogram. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at puting kisame’t mga pader ang bumungad sa akin. Dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko at naroon ang ECG na nagpapakita ng kondisyon ng aking puso at nasa kaliwa ko naman ang iba’t ibang klase ng ventilators. Sinubukan kong ibangon ang sarili ko mula sa pagkakahiga at isang malaking palaisipan sa akin kung paanong wala akong nararamdamang anumang kirot o sakit sa katawan ko. Pagkabangon ko sa kalahating parte ng katawan ko ay nasaksihan ko kung paano pumatak ang mga luha sa mga mata ng magulang ko habang tinititigan nila ako.

“Ma, Pa, huwag niyo naman akong iyakan nang ganiyan. Para naman akong patay nito.” Pabiro kong sabi sa kanila, ngunit hindi sila sumagot at nanatili lang silang umiiyak at nakatitig sa akin. Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito ang isang doctor. Napatingin kaming tatlo sa parating. Lumapit naman ang mga magulang ko sa doctor na patuloy pa rin sa pag-iyak.

“Hello, Doc. Maayos na po ako. Wala naman akong nararamdamang sakit.” Nakangiti kong sabi ngunit hindi niya ako pinansin, bagkus, huminga siya nang malalim bago nagsalita sa harap ng mga magulang ko.

“Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo, Mister at Misis, ngunit hindi ka kaya ng anak ninyo ang mabuhay. Kinakailangan na niya ng life supporting machine na tanging susuporta sa buhay niya. Masakit po ang katotohanan pero pasensiya na, hindi na mabubuhay ulit ang anak ninyo.”

Nanlaki ang mga mata ko at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig ko. Ano’ng ibig niyang sabihin? Buhay na buhay naman ako. Wala nga akong maramdamang kahit anong sakit. Paanong hindi na mabubuhay? Naguguluhan ako.

Napalingon ako sa aking likuran at mas lalong lumamig ang dugo ko nang makita ang sariling kong nakaratay sa hospital bed. May naka-kabit na electroencephalogram sa ulo ko, may endotracheal tube na naka-kabit sa ilong ko, at mas lalo akong nanlumo habang pinagmamasdan ang sarili kong walang malay. 

Ano’ng ibig sabihin nito?

Isang sandali pa ay may lalaking biglaan na lang sumulpot sa harapan ko. “Hello, Miracle. It’s nice to be with you.” Kunot noo ko siyang tinignan. Paanong nakikita at nakakausap niya ako gayong hindi ako nakikita at naririnig ng mga taong nasa paligid ko?

“Sino ka? Paano nangyari ang lahat ng ito? Bakit hindi ko nakikita ang sarili ko? Is this astral projection? Bakit hindi ako napapansin ng mga magulang ko?” Sunod-sunod kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wake Up, Miracle, Goodbye (Stand-alone Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon