24

12 2 1
                                    

Chapter 24

[Happy Birthday Kambal!!] Our dad video-called us. It's exactly 12 AM of October 1. Hawak ni Mama ang phone at nakatapat samin ni Charles na nasa sala, nanonood ng Harry Potter.

Annual Tradition na kasi namin ni Charles manood ng Harry Potter tuwing sasalubungin ang birthday namin... kahit may pasok o ano kinabukasan.. sinasakripisyo para sa tradition.


"Salamat Papa, kahit yung latest iPhone lang" hirit ni Charles. Tinawanan lang siya ni Papa.

"Hala kala niya nagj-joke ako" bulong ni Charles sakin. I smirked at him.

[Si Charlotte muna anak sa bagong phone. Tignan mo naman ang cellphone n'yan..pudpudin na] sabi ni Papa

"Hindi naman nagp-phone yan si Charlotte Papa walang kwenta bigyan" Charles replied

"Sige na Papa si Charles nalang" sabi ko. May point naman s'ya e. Hindi nga ako nagp-picture e. Hindi din ako nags-social media. Tanging pang text lang kay Cal at pang update sa school. I mostly use my laptop

Papa sighed [Sige parehas nalang kayo. Magpapadala ako mamaya]

"Mamaya na agad?" Tanong ni Mama.. hinarap sa kaniya ang camera "Aba andami mo atang pera Carlo"

[Pinag ipunan ko birthday nung mga panganay natin Hon. Hayaan mo na.. minsan nalang naman. Kita mo yang si Charlotte disinwebe na lumain ang mga gamit.. ipon ki ipon wala namang pagagastusan]


Hay ako na naman.


"Oo kaya nga hindi pera ang pa-birthday ko diyan matatambak lang" sagot ni Mama

"May regalo ka kay Charlotte ma?" Tanong ni Charles "Pano ako?"

"Wag kana Charles" sabi ko "Nakihati kana nga ng bahay-bata hihiling ka pa ng regalo mahiya ka naman"

Tumawa ang mga magulang ko at sumimangot si Charles. That was just a joke. None of us have ever felt unwanted. My parents makes it fair for both of us always. The only thing was that my father is a little old-school and traditional when it comes to household roles pero mas fun siya kesa kay mama. Bago ko pa siya mapapayag kay Kyler noon ay madami pang pinag daanan.


[Charlotte may manliligaw ka daw sabi ni Mama?] Ayan na nga ang sinasabi ko

"Anong manliligaw na naman Ma sinasabi mo pinapahamak moko" sinimangutsn ko si Mama "Kaibigan ko lang 'yun Pa"


[Ikaw sinabihan na kita tungkol diyan Charlotte. Konti nalang magb-bente kana alam mo na ang tama at mali]

"Kaibigan nga lang yun Pa ang kulit naman e"

[Anong pangalan ba nyan ma-search sa facebook?]

"Pa!!" Sabi ko "Yan si Charles pag sabihan nyo madami babae" imbento ko. Agad akong kinunotan ng noo ng kambal ko. Ang totoo, wala akong alam sa lovelife ni Charles o kung meron man.

[Lalaki naman yan Cha hayaan mo na] sabi niya.

Umirap ako "Edi dapat wag nyoko pakelaman sa lalaki"

He sighed [Hay nako malaki na ang baby girl namin ni Hon]

"Ano ba yan Pa"

Papa is old school. But he's very sweet and caring. He's the one who spoiled us more often because he's not around like Mama is. Kahit may pagkaganun si Papa, he's so respectful and patient towards Mama. Mama is a bit introverted and Papa is a bit fun loving. They are the best parents I could ever ask for.


Constantly Recurring (Perpetually Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon