SIMULA

0 0 0
                                    

"Tara na" sabi Chin sabay abot sakin ng lollipop na hawak nya. Hindi ko alam kung san kami pupunta pero sumunod nalang ako sa kanya kasi wala naman din akong gagawin.

Alas tres palang ng hapon pero nag kalat na ang mga estudyante sa labas ng classroom, meron ng nag lalaro sa field, mga nakaupo sa damuhan at nag kuwentuhan. Nag sisimula na ding tumugtog ang banda, maririnig mo ang ingay ng drums pati na rin ng mga xylophones na hindi mo maintindihan kung ano ang tinutogtog kasi lahat sila pumupukpok sa kanilang instrumento pero mag kakaiba ang sinasanay na musika. Nagkaroon kasi ng conference ang mga teacher kaya naman sobrang tuwa ng lahat ng estudyante

Sunod lang ako ng sunod kay Chin hanggang sa makarating kami sa likod ng school. Napatingin ako sa kanya kasi hindi ko alam kung bakit nya ako dinala doon. Tinaasan nya lang ako ng kilay at tumingin sa direksyon ng lumang classroom na hindi na nagagamit pa. Nag taka ako kaya pumunta nalang ako doon.
Pag bukas ko nung nakaawang na pinto tumambad sakin ang muka ni Roi. Nakatitig lang sya sakin at mukang nag mamakaawa. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang itsura nya. "Cath, di ko kayang wala ka. Sorry, nag sisisi na ako" napasapo nalang ako sa nuo ko kasi ito na naman. Ano pa ba naman tong si Chin, alam naman nyang ayaw ko sa ganto!
"Roi, pwede bang tumigil ka sa drama mo? Di nakakatuwa!" Sabay alis ko don sa maruming classroom na yon. Hihingi nalang ng sorry don pa sa maduming lugar? No way!
Asan na ba si Chin? Ang malditang yon!!!! Grrrrrrr....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love ScenarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon