Chapter 21

67 2 0
                                    

Trouble

"Ano bang ginagawa natin dito?" Kanina pa tinatanong ni Lian ang mga katagang yan pero hindi ko siya pinansin. Nakatanaw parin ako sa taong sinusundan namin.

"Sana pala hindi nalang ako sumama sayo" Inis niyang sambit.

"Wala naman akong sinabi na sumama ka" Akmang tatayo siya nang pinigilan ko. Hindi ba siya nag-iisip na baka' mahuli kami?

"Let me go woman!" Agad kung tinakpan ang bibig ng gunggong kung kasama. Pinanlakihan ko siya ng mata pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Bigla akong nanigas sa pwesto ko ng may malamig na bagay na nakatutok sa sentido ko, ganon rin ang reaksiyon ni Lian.

'Ito na nga ba ang sinasabi ko. Lintik talaga tong gunggung na to'

"Tayo!" Singhal ng kung sino kaya dali-dali akong tumayo ng tuwid at sumaludo sa lalaking may takip sa mukha. Tatlo silang nandito. Ang isa nakahawak sakin habang nakatutok sakin ang baril niya. Ang isa naman nakahawak kay Lian na ngayon ay nakatingin sakin ng masama.

"Ano ba! Luwagan mo nga ang pagkakahawak mo?!" Reklamo ng kasama ko.

"Sige balian mo yan ng buto kuyang itim" Nakangising sabi ko sa lalaking nakahawak kay Lian.

"Bakit niyo kami sinundan huh?!" Malamig nitong tanong. Napapikit ako ng diniinan ni kuyang itim ang baril niya sa sentido ko.

"Kuya kase po.."

"Ano?"

"Pwede po bang i'baba niyo muna yung baril niyo?"

"Ipuputok kamo?" Ay tanga. Hindi ipuputok, sabi ko i'baba.

"Huwag niyo po 'yan iputok sa ulo ko magagamit po ang utak ko" Kinabang wika ko.

Nako naman ano ba 'tong nasabi ko?

Halos tawagin ko lahat ng santo na wag lang niya iputok sakin ang hawak niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagugulohang ani niya kaya iminulat ko ang nakapikit kung mata. Hindi ko sila gaano maaninag dahil nandito kami sa madilim na eskinita.

"Ano?! Hindi ka sasagot?"

"Sayang po kase ang utak ko kung babarilin niyo lang. Ibinta niyo nalang sa mga walang utak" Taas noo kung sagot. Nagtataka pa akong tumingin sa taong nagpipigil ng tawa. Tika bakit dumami sila? Pagkakaalam ko tatlo lang ang taong itim na ito ah.

"Nababaliw kana ba Zayn?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Lian. Napangiwi ako ng bigla siyang sikmurahan.

Zayn mag-isip ka ng topic!

"Kuya, maganda ba ako?" Pagkuha ko sa attention niya. Alam kung sinusuri niya ang mukha ko kaya lalo akong ngumiti ng matamis. Seguro naman makikita niya ang magandang mukha ko dahil sa sinag ng buwan. Bigla silang natahimik na ipinagtaka ko.

"Oo" Maikli niyang sagot na ikinatuwa ko lalo.

"Tama ng satsat dalhin ang dala---" Hindi ko pinansin ang sumingit sa usapan namin.

"Maganda ba ang ngipin ko?" Tanong ko ulit.

"Oo, subrang puti"

"Ano pang maganda sakin?" Masayang tanong ko.

Parang gusto ko 'na siya. Ang honest niya promise.

Hindi ko pinansin ang mga kasama nilang nandito sa paligid.

"Lahat. Lahat maganda" Dahil sa sagot niya walang pasabing tumakbo ako kay kuyang itim at dinambahan ng yakap. Ramdam ko pa ang pagkabigla niya at pagkabato sa kinatatayuan niya. Hindi ko nalang yun binigyan ng pansin ang mahalaga maka-isip ako ng paraan kung paano kami makatakas sa mga lalaking ito.

She's A Temporary Teacher In Her Fathers SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon