Imelda POV
Nang natanggap ko iyong tawag ay biglang bumilis ang takbo ng aking puso
Bigla nalang akong natulala
"Mrs. Marcos? Are you still there?" tanong ng investigator
"Oh, sorry. It's late already. I think it would be best if we talk about this over at coffee. Say tomorrow after lunch?" anyaya ko
"Okay" sagot nito at binigyan ko siya ng address sa pagkikitaan naming lugar
Nang binaba ko na ang telepono ay bigla ding pumasok ng kwarto si Ferdinand
"Sino yan?" tanong nito
"Ah wala, Ang aga mo atang matulog sweetheart" sabi ko sa kanya
"Imelda, madaling araw na" oo nga pala, nalimutan ko
"Ang tagal na palang hindi kita nakikita sa tabi ko" sabi ko at nakita kong palarong sumimangot si Ferdinand
Kairita iyang mukhang yan kaya tinapunan ko siya ng unan at tumawa ito ng tawa
"Goodnight sweetheart. I love you" lambing ni Ferdinand
"Goodnight Macoy"
"Wala bang I love you too diyan?" biro nito
"I love you, Ferdinand"
"Wala bang kiss diyan?" tanong nito habang nilabas niya ang kaniyang nguso
Baliw talaga
Umusog ito sa kama papalapit sa akin. Hindi ako tinitigilan hanggat hindi ko siya hinahalikan
"Sweetheart, sige na..." lambing nito kaya hinalikan ko na rin ito
Lalayo na sana ako nang biglang hinila niya ako papalapit
"Kaya pa ba sweetheart?" bulong nito sa akin pero wala nako sa mood
"Sweetheart, it's late already. Itulog mo nalang iyan" lambot kong pagtawa
Nakita kong mukhang nadismaya siya sa pagtanggi ko pero hindi na ako mapakali sa kung ano man ang pag-uusapan namin bukas ng investigator kaya napagdesisyonan kong maliligo ako ulit para mawala wala ang kaba sa aking katawan
Ilang mga minuto matapos at pagkalabas ko, nakita kong nakatulog na si Ferdinand
Nagbihis na ako at tinabihan ko na ito
Tinutukan ko ang mukha niya
How can someone like Ferdinand who made me feel so loved and appreciated betray me like this?
Sana naman ay wala talaga kasi hindi ko alam anong gagawin ko o magagawa ko kung meron nga. Kung sila nga ni Dovie
Hinaplos haplos ko mukha ni Ferdinand hanggang sa nakatulog ako
-
Nagising akong wala na si Marcos sa aking tabi, baka nag morning exercise nanaman yun
Bumangon na ako at diretso nang naligo
Alas 7 pa ng umaga pero marami pa akong pupuntahan at aasikasuhin
Meron din akong kikitain ngayong importante
-
"Anong oras na ba?" tanong ko sa driver
"Malapit na pong mag alas 12 madam" sagot nito
"Ah ganon ba? Dun na tayo sa kapehan, doon kasi kami mag kikita" sabi ko at dumiretso na kami doon
Exclusive naman din ang lugar kaya malaya ako doon, amiga ko din kasi ang may-ari
Pagbaba ko ay nakita kong parang may naghihintay sa labas ng kainan. Mukhang ito ata siya. Hindi siguro pinapasok kaya paglapit ng sasakyan ay binukas ko ang bintana
"Mrs. Marcos? It's me, we talked over the phone? I'm sorry but it seems I can't get inside" banggit nito
Siya nga. Kaya pinapasok ko na ito sa sasakyan at pumasok sa loob
Bumaba at pumasok na kami. Pagkatapos na naming mag order pa kami simulang nag-usap
"Tell me everything" panimula ko
"Well Mrs. Marcos, we haven't really gotten a lot of information about this but it seems to appear that Mr. Marcos does go out a lot and we always locate him at random hotel spots around town. We don't know if it has something to do with business or-" hindi pa tapos nagkwento pero inudlot ko ito
"No. I don't seem to recall him telling me anything about hotels. So I guess he's doing funny business inside them, huh?" biro ko pero sa loob ko'y nasasaktan na ako. Meron nga
"Do you know who he's seeing someone inside those hotel rooms?" dagdag kong tanong
"Not yet ma'am. If you want we can make connections inside the palace so we can come clear to more evidences" suhestiyon nito at sumang-ayon na rin ako
Putang ina naman Ferdinand. Ba't naman pinaabot mo sa ganito
--
A/N: sorry late update :> mamaya ulit