Talulot ng Bulaklak

2 0 0
                                    

"He loves me not." Bigkas ko matapos kong pitasin ang natitirang talulot ng bulaklak na hawak ko. Bakit nga ba ako umaasa at nagpapaniwala dito? 

"Sinisira mo nanaman ang mga bulaklak. Tinanim mo ba sila para sirain?" Sambit ng lalaking kararating pa lamang.

"Sabi ko naman sayo diba-----"

"Kahit pitasin mo pa ang lahat ng talulot ng bulaklak sa buong mundo kung hindi ka talaga gusto ng taong mahal mo, hinding hindi ka niya mamahalin." Sabay naming sambit. Kabisadong kabisado ko na ang linya niya sa tuwing mahuhuli niya kong pinipitas ang ang mga talulot ng bulaklak at inaasa ang magiging kapalaran ko dito.

"Alam mo na naman pala eh." 

"Paanong hindi ko malalaman e lagi mong sinasabi yan."

"Kasi nga lagi mong sinisira ang mga bulaklak."

"Tsk epal." Nakangusong sabi ko na tila nagtatampo bago tuluyang umalis.

MAKALIPAS ANG LIMANG TAON

" She loves me, She loves me not." Malungkot na pinitas ko ang natitirang talulot sa bulaklak na hawak ko.  "Ano pa nga bang aasahan ko? Tulad nga ng sinabi ko dati hinding hindi ako magugustuhan ng taong mahal ko kahit pitasin ko pa lahat ng talulot ng bulaklak sa buong mundo."

"Ikaw naman ngayon ang sumisira sa mga bulaklak." Gulat akong napatingin sa babaeng nagsalita sa likod ko.

"K-kanina ka pa dyan?" KInakabahang tanong ko.

"Medyo." Ngiting sabi niya. Kay ganda niya talagang pagmasdan sa tuwing nakangiti siya. 

"Sino yan ah? Limang taon akong nawala hindi ka man lang ba magkukwento sa akin?

Tama limang taon na nga ang lumipas, ano kayang mangyayari kung hindi siya umalis?

"Teka naalala ko nga pala, bago ako umalis ang sabi mo may sasabihin ka, ano ba yon? Pasensya na kung di ako nakasipot sa usapan natin ah." 

Ngayon na nga ba talaga ang tamang oras? Sasabihin ko na ba talaga sakanya ang nararamdaman ko?

Huminga ako ng malalim bago ko ibinuka ang aking bibig.

"Gusto kasi----" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang may umakbay sa kaniya.

"Love siya ba yung kababata na kinukwento mo?" Ngiting tanong ng lalaki na umakbay sa kaniya.

"Oo siya nga. By the way gusto mo ang alin?" biglang baling niya sakin.

"Ah gusto ko sanang sabihin sayo na mag-iingat ka." Pilit na ngiting sabi ko " Sige una na ko." Dagdag ko pa bago tuluyang umalis sa harap nila. 

Tama nga, kung hindi ka talaga gusto ng taong mahal mo hinding hindi ka niya magugustuhan kahit pa pitasin mo ang lahat ng bulaklak sa mundo. Pero.... Paano nga kaya kung nasabi ko? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon