Ang sarap sa pakiramdam knowing na marunong na ko magbyahe mag-isa. Wala akong ibang bitbit kundi ang sarili ko at isang bag na kasya ang mga damit kong pang isang linggo sa Marinduque. Kay bilis talaga ng panahon oh. Babalik na naman ako sa realidad ng buhay. Babalik na naman sa pag mememorize ng mga articles ng civil code. Pero bago ko ito balikan lahat, gusto ko muna ienjoy ang byahe. Ang malamig na hangin. Ang pagbabasa sa ebook. Ang PAG-IISA dito sa barko. Mabuti na lang at nakahanap ako ng mauupuan. Nararamdaman ko parin ag simoy ng pasko. Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Ano kaya ang mangyayari sa bida sa binabasa kong kwento sa ebook. Hindi talaga ko nagsasawa pakinggan ang kantang to (Just A Kiss). Pero nagsasawa ako sa ginagawa ko ngayon. Itinigil ko na ang pagbabasa ko at sinubukang umidlip baka sakaling bumilis ang oras ... Kay lamig! Hindi talaga ako makatulog. Iminulat ko na naman ang mata ko. Patingin-tingin lang sa dagat habang nakikinig ng kanta sa aking cellphone. Sinubukan ko ulit magbasa para antukin. May nagtanong bigla sa akin kung may nakaupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at simpleng "wala po" ang sinagot ko. Dalawa pala sila. Mabuti nalang at dalawa ang bakanteng upuan. Ibang lalaki ang nakatabi ko kasi yellow ang damit niya. Kasama siguro siya nitong nagtanong sakin kanina. HIndi ko makita ang itsura niya dahil naka side view siya. Nakatingin sa dagat habang kinakausap ang katabi niya. Masarap ang hangin pero nanginginig ako sa lamig. Medyo gumagagalaw na ung tuhod ko pero di ko pinapahalata sa katabi ko kasi nakakahiya. Mabuti pa itong babaeng katabi ko sa kanan at hindi na nararamdaman ang lamig sa himbing ng tulog niya. Tumayo ang dalawang estrangherong katabi ko sa kaliwa. Nangalay siguro sa pag-upo. Nakaramdam ako ng cr. (Naiihi) Gusto ko sanang ipabantay sa katabi kong babae pero tulog nga pala siya. Naisip kong doon nalang sa lalaking nagtanong sakin kanina. Tinanong ko din kung saan ang way nung cr. Ang hirap talaga maglakad habang umaandar ang barko tapos sinabayan pa ng lamig ng hangin. Nakaupo na ang estrangherong naka dilaw ng bumalik ako. Simpleng "salamat kuya" ang sinabi ko. Kung hind ako nagkakamali, tumango lang siya bilang sagot. Nakakakita na ko ng mga ilaw sa dagat. Siguro malapit na kami pero di parin ako sigurado kaya't tinanong ko ang katabi kong estrangherong naka dilaw kung malapit na ba. Nakakatuwa ang sagot niya kasi di niya din alam. Pero di natapos doon ang paguusap namin. Nag-umpisa na siyang magtanong simula sa malaking detalye ng pagbbyahe ko mag-isa bilang menor de edad hanggang sa course na kinukuha ko at ganoon din ako sa kanya. Sa totoo lang nag-eenjoy ako kausap ang isang estranghero. Pakiramdam ko safe and secured ang mga sinasabi ko sa kanya. Nang tanungin niya kung ano ang pangalan ko, minabuti kong di na lang sabihin. Mas ok narin kasing di niya malaman kung sino ako at di ko rin alam kung bakit.(Haha) Sabi niya na may alam daw siyang movie na ganoon din ang ngyari. Napaisip tuloy ako kung anong movie yon. Medyo mahaba din ang paguusap namin. Pero kasama sa paguusap na yon ang paulit-ulit kong pagtatanong kung malapit na kami. At ang sinasagot niya "Matuto kang maghintay" (Di ko sure kung ito yung exact words pero close enough). Itinapat niya rin sa akin ang cellphone niya na may naka view na number (A***** 09*********). Siguro kasi alam niyang hindi ko ibibigay ang number ko kaya number niya na lang ang binigay niya. A***** pala pangalan niya. Rare. Ngayon ko lang napakinggan ang pangalan na ganon. Sa wakas! Malapit na talaga kami. Nagsabi siya na magccr muna at tumayo naman ako para makasiguradong malapit na nga. Malamig parin ang hangin buti nalang at di ko kinalimutang mag pang lamig. Bumalik na siya at tumayo malapit sa pwesto ko. Ilang minuto ay nakalayag din ang barko. Nagpaalam na siya at di maintindihan ang sasabihin kaya ito nalang ang huli kong narinig sa kanya "BYE MISS PINK SWEATER".
Naiisip ko parin hanggang ngayon kung kailan ulit kami magkikita at magkaroon muli ng mas mahaba pang pag-uusap. Until next time "ESTRANGHERO"
BINABASA MO ANG
Estranghero :)
Short StoryThis is my first time to write a short story on wattpad. Isa itong memorable na pangyayari sa isang teen ager na may nakilalang stranger na hindi niya inakalang magiging magaan ang loob niya dito :) Hanggang ngayon ay may nararamdaman siya sa stran...