Chap. 6.2:Takas Mode Again..

136 3 2
                                    

NOTE: Try niyo pong makinig ng CLUMSY by FERGIE habang binabasa ang chapter na 'to....

Pero bago ko inupdate to eh..nanood muna ako ng nakakaiyak na video...

Kaya di ko alam kung makakaapekto ba yun sa chapter na 'to.... 

May malapit na plaza sa lugar namin na ginawa ng tirahan ng mga pulubi...  Gumawa ako ng maliit na barong-barong para masabi talagang pulubi ako...  Parang naging secret hide-out ko na 'to...  At sa tuwing lumalabas ako ay nakapang-disguise ako with matching shades at dungis sa mukha...

2 WEEKS LATER...

Naubos na ang ipon ko...  5 pesos nalang ang natitira sa'kin *super-duper poor si ako* kaya lang ayoko namang mangutang kay Pamela dahil masyadong nakakahiya...

(7:00 AM) Lumabas na ako sa maliit kong secret hide-out...  Nakita kong nagsisilabasn na rin ang mga kapit-bahay kong pulubi...  Naghahanda na para sa panibagong hamon ng buhay...

Nasa labas ang kusina ko kaya nagkalkal ako sa kaldero...  Uy ayos..!!! May panis at nangangamoy pang lugaw pero keri lang, kasama talaga sa isang malas na taong katulad ko yun...

"Ah..Nene!!  Diba noong nakaraang linggo pa yang lugaw na yan???  Hindi pa ba ubos???" si Nanay Martha yun, isa siya sa mga kapit-bahay kong pulubi...  Mag-isa na lang siya sa buhay.

"Napakarami ko po kasing kinuha nung nagfeeding program kaya aabot pa po ito hanggang bukas.."

Sa tantya ko eh..baka naka15 times na akong nagpabalik-balik sa feeding program para sa mga pulubi...  Ang sama na nga ng tingin sakin nung nagbibigay ng lugaw...  At isa, marami namang magagawa sa lugaw eh..  Kapag nilagyan mo siya ng toyo at suka magiging adobong lugaw na...  Kapag hinaluan o siya ng kalabas at sitaw, makakagawa ka na ng pinakbet na lugaw...o!! di naman, mantika lang eh makakabuo ka na ng fried lugaw...  Diba, napakaraming magagawa sa simple, panis at nangangamoy na lugaw...  OHA..! Natuto kayo ng mga bagong recipe pero syempre DON'T TRY THIS AT HOME, mga professional lang na katulad ko ang nakakagawa nun kung ayaw niyong magwelga at makabuo ng rebolusyon ang mga large at small intestine niyo...

BACK TO THE STORY: Hindi na umimik ang matanda...  Hindi rin naman kasi masyadong nagsasalita at tanging ako lang ang kinakausap niya...

BACK TO MYSELF: Ang baho ko na pala...  Isang linggo na rin kasi akong hindi naliligo...  At ang mga kuko ko , parang hinid kuko na tao...  Maliligo ba ako o hindi???  Siguro kailangan ko ng maligo.

Habang naglalakad ako sa may kalsada. "Magandang araw, Ijah" 

"Magandang araw din po..." si Lolo Carlos yun, isa rin sa mga kapitbahay kong pulubi.. " Kumusta po ang raket natin, Lo..?"

"Eto, nagpapractice ulit"

Ngumiti lang ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad...  Mabait din sa'kin si Lolo Carlos pero mag-iingat kayo sa kanya dahil napakagaling niyang mang-uto...  Bihasa kasi siya umarte pagdating sa pamamalimos...  Yung tipong umaga palang eh..nakaka 1,000 pesos na agad siya..

NOTE:HINDI KAYO MAKAKALIGTAS SA KANYA.

Bakit nga ba ako hindi namamalimos kahit pulubi na ako???  Ah..kasi nga baka mahalata parin ko nung mga lalaki kaya tiis-tiis munang hindi lumabas..  Dumeretso ako sa Net Hauz...  May shower room dun...  Sabihin na nating umaasenso na ang Net Hauz ni Kuya Jonathan...  Air Conditioned ito at may 100 computers sa loob na may 10 ding nagbabantay dito..  Oh diba, BONGGA.

Editing: Dont Read...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon