STEAL 5 : (continuation)

932 26 8
                                    

*flashback*

Summer vacation nun 12years ago. Di ko naman sinasadyang maiwan ang kandilang iyon sa kusina ng aming resthouse ee. Gusto ko lang ipagluto si daddy at isurprise sya dahil birthday nya kinabukasan. 6yrs old lang ako nun and I remembered everything.

Tulog sila nun and I just sneaked out para pumunta sa kusina gagawa sana ko ng salad. Dahil di ko abot ang switch ng ilaw at ayoko ding magising sila mommy ay ginamit ko ung kandila. Nilapag ko un sa may mesa at sinimulan ko ng gawin ung salad nang di ko sinasadyang natabig ko ang kandila at mabilis na nasunog ung mantel ng mesa. Nagsimula na akong umiyak nun dahil di ko alam ang gagawin. Nagising si daddy at dali-dali nya akong kinuha at dinala sa labas, malaki na ung apoy nun, bumalik sya para kunin si mommy at si ate mandy pero natrap sila daddy at ate kaya di sila nakalabas agad. Dumating ung mga bumbero pero di na nila nailigtas si ate at daddy. Galit na galit sakin si mommy nun at halos gusto na nya ko ipamigay dahil dun kaya kasama namin si auntie ngaun.*END OF FLASHBACK*

Sumakay na ko ng aking kotse at dun umiyak.

"Di ko naman sinasadyang mamatay si daddy at ate e.. I-- I love them both pero alam kong kasalanan ko ang lahat.. sana maintindihan naman ako ni mommy."

*beep*

1 new message received

fr: Bes Alexa

Bes? san ka na? kanina pa ko dito..

to: Bes Alexa

Sorry Bes, I can't go there now, lets meet tom.

-------------------- sent !

*beep*

fr: Bes Alexa

ok! uwi na ko..

"hayy.. I want to be alone, makapaghanap nga ng magandang place."

I start the engine of my car and drive going to somewhere I don't know.. "bahala na si batman."

I found a mini bar na medyo tahimik kaya nagpark ako dun at pumasok. Konti lang ang tao siguro bago lang kaya ganun. Maganda naman ang place at mukhang pang mayaman, dumerecho ako at nagorder ng isang cold beer.

Nakakatatlong order na din siguro ako nun ng may isang lalake ang tumabi sakin.

"Hi? are you alone?" tinaasan ko lang sya ng kilay at uminom ulit ng beer.

"Is it ok if I join you?" for the second time ay tinaasan ko lang ulit sya ng kilay at nagsmirk.

"1 cold beer please.." order ni mr. I DON'T KNOW.

Di ko sya pinapansin at tumalikod sakanya. Medyo nahihilo at masakit na din ang ulo ko dahil hindi naman talaga ko marunong uminom ng ganto, hanggang wine lang ako ee pero dahil may problema ako and by the way thanks for my monster mom. My happy and great day has just ruined by her!

"Miss? are you ok?"

Di ko namalayang may tumutulong luha nanaman sa aking magandang mata. Napatingin ako sakanya at dali ko namang pinunasan ang aking luha.

"Of course I'm ok!" sagot ko, ngumiti sya at uminom ulit ng beer.

"You can talk naman pala ee."

Nginitian ko lang sya at kinuha ang baso. "uh? ubos na..

waiter another 1 please." agad naman akong inabutan ng beer ng waiter.

"You don't drink I guess.."

"Huh?"

"It's obvious, ur just trying to be one."

"Aa.. and so what?" sagot ko.

"Do you dance?" tanong ulit nya.

Stealing my Ex- Boyfriend Back ! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon