Graduate na ako, pero hindi ko pa alam ang tutunguhin ko pagkatapos nito.
Nagising ako sa pagkakatulala ng marinig na umingay ang cellphone ko.
"Hello"
It's mom.
"Mom, ano na naman ba?"
"Pack your things anak, pupunta tayong New York bukas. Wag mong kakalimutan."
"Mom, how many times do i have to tell you na hindi po ako sasama?"
Ilang beses ng pinipilit ako ni mama na sumama sa kanila sa New York pagkagraduate ko. Eto nga at kakatapos ng graduation ay tumawag sila para sabihin yun. They want us to stay there for good.
Pero ayoko.
"Anak, walang mangyayari sa buhay mo dito. Sa New York, maraming opportunity doon, doon mo i-apply ang napag aralan mo. Kung mananatili ka dito, hindi ka uusad."
"I'm sorry, mom. Pero maiiwan ako dito. I'm planning to take a vacation somewhere, somewhere i can relax. Sa probinsya. Malinis ang hangin at nakakarelax ang tanawin."
"Then what? Sasama--"
I know it's rude, pero agad kong pinutol ang tawag at hindi na narinig pa ang sasabihin niya.
I sighed.
Binasa ko pa ang huling text ni mama bago humiga sa kama.
"I will tell you this, sooner or later ikaw mismo ang lalapit at susunod sa amin. Kapag nangyari yun tawagan mo lang kami."
"That's not gonna happen," I whispered bago ako hinila ng antok.
Wearing my rayban sunglass, i'm enjoying the wind coming from the window of my car while maneuvering the steering wheel.
Malakas ang tugtog ng stereo.
This vacation should be worth it. Narinig ko ay maganda raw sa probinsyang iyon. At sakto, we have a vacation house there na pinatayo ni papa para sa ganito.
"Aahhh ang sarap ng hangin. The city really sucks."
Sinabayan ko ang kanta sa stereo at muling pinaharurot ang sasakyan. Hanggang sa makarating ako sa destinasyon ko.
"Ma'am ikaw pala yan! Sana po nagsabi kayo na pupunta ka para napaghandaan namin!"
Sinalubong ako ng mga caretaker ng bahay at tinulungan sa mga dala ko.
"Kamusta naman po ang buhay dito?"
"Maayos naman ma'am ang buhay dito. Masaya lalo na at kasama ko ang buong pamilya ko." Saad ni nanay Maria.
"Ah! Ipapakilala kita sa susunod sa mga anak ko. Wala pa kasi sila at nasa mga kaibigan nila. Baka mamayang gabi uuwi sila dito."
Nginitian ko lang siya at pumasok na ng bahay.
Sinalubong ako ng ilang maid at inasikaso.
"Kung gusto mong mamasyal, sabihan mo lang ako hija. Ipapasama kita sa isa sa mga anak ko. Alam niya lahat ng pasikot-sikot dito."
Saad ni nanay Maria na nakasunod sa likod ko.
Inalalayan ako ng isa na umupo sa upuan para kumain.
"Kaya ko naman po mag-isa nanay, diyan lang naman ako sa dagat mamamasyal at hindi na sa malayo. Hindi naman po siguro ako maliligaw doon."
Pabirong saad ko, natawa din siya at mga kasama namin dito.
"Sabayan niyo na lang po akong kumain."
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso ako sa kwartong binigay nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Never Again [One Shot]
Short StoryThis is a one shot story. Never again. The words that a man who really love his girl only can utter. What will you do if your love ones died in just a snap? Will you read this story and give an ending plot twist with your own idea.