Prologue

3 0 0
                                    

"This world is a cage I can never escape."

Malamyos na paghampas ng hangin ay sinabayan ng malakas na sigawan at tawanan ng mga batang kakalabas lang sa kanilang mga silid-aralan.

"Hoy tabachoy!!"

Agad na napalingon ang isang matabang bata na may singkit na mga mata sa mga lalaking papalapit sa kaniya habang tinatawag ito sa kung ano-anong pangalan. Pinagtatawanan ng ibang bata ang mga pinagsasabi nito. Halata sa mukha ng bata ang pagkapahiya at namumuo sa mata nito ang mumunting mga luha.

"Amin na lunch mo! Taba-taba mo na kumakain ka pa rin." saad ng isang payatot na kasing edad lang din ng batang babae.

"Papayat ka paglaki mo kung ayaw mong walang magka-crush sa'yo." saad nito at tumawa.

Akmang kukunin nila ang pack lunch ng batang babae nang biglang may humablot nito. Isang babaeng may katangkaran, maputi at makinis na balat ang umawat sa mga lalaki. Nanlilisik ang mata nito at sa hindi maipaliwanag na takot ay tumakbo ang mga batang lalaki.

"Oh" inabot nito ang lunch pack. "Madalas ka ba inaaway ng mga yun?" tanong nito at ngumuso.

Tumango ang kaniyang kausap ngunit ang mata nito'y halatang nagulat pa rin sa nangyari.

"Anyare diyan?" tanong ng isang batang babae na kakarating lang. Inaayos nito ang napakagulong buhok na parang pinagpugaran ng mga ibon.

"Inaway nung mga kakampi ng kaaway mo." sagot ng babaeng maputi. Ang batang singkit naman ay hindi nakapagsalita. Hindi niya kilala ang mga ito kaya naninibago siya.

Dumating ang isa pang batang babae na may astig na postura. Ngumunguya ito ng bubble gum habang pinagmamasdan ang matambok na batang babae. Sumingkit ang mata nito na parang sinusuri at tsaka biglang tumango-tango. Tumingin naman ito sa babaeng magulo ang buhok at pinagtaasan ito ng kilay.

"Anyare sa'yo?" hasik nito na para bang nanay na handang pagalitan ang kaniyang anak.

"Nakigbugno ako dun sa kumuha ng lapis ko." sagot nito at umirap.

"Buti 'di mo sinaksak sa kaniya yung lapis."

"Muntik na nga! Kung hindi lang dumating si Ma'am." tumawa ito nang malakas na para bang nababaliw ito.

"Uh, thank you." mahinang sambit ng matabang bata sa babaeng nagsalba sa kaniya.

Ngumiti nang malawak ang pinasalamatan nito at bigla siyang inakbayan. "Mula ngayon, friends na tayo!" masayang sigaw nito.

Lumakad siya at nahatak ako. Nilingon ko ang dalawang babae at nakitang sumunod ang mga ito nang walang reklamo o pagaalinlangan. Lumakad sila hanggang sa makarating sa labas ng school. Doon sa tambayan na nakasanayan ng tatlo, dinala nila ang kanilang bagong kaibigan.

Barred Refuge ( Showbiz Series #1 )Where stories live. Discover now