Bloody Lovestory

59 3 1
                                    

PROLOGUE

"Nobody's perfect", 'yan ang sabi ng karamihan. Di 'yan totoo! Dahil alam kong perpekto ako, perpekto kami ng pamilya ko at lahat ng ka-uri namin. Kitang-kita naman. Kahit hindi man kami mag-ayos o tumingin sa salamin, perpekto parin ang mukha namin, anomang anggulo. Sa kagandahan kong 'to, lahat ay nahuhumaling at nagkakagusto. Hindi lang ako pinagpala ng kagandahan, matalino pa. At lahat ng magagandang katangian ay nasa akin na. Kinaiinggitan ako ng mga babae at pusong babae dahil taglay ko lahat ng mga pipangarap nila.

"Little Ms. Perfect" ang tawag sa'kin ng mga inggitera. "Dreamgirl" naman ng mga kalalakihan. Pero lahat nang 'yan ay isang lamang maskara, parte ng isang sumpa. I'm one of the world's most dangerous predators. Hindi ko na kinakailangang manghunting pa ng mga biktima kasi sila na mismo ang kusang lumalapit at naghahabol sa'kin. Habang pinagsisiksikan nila ang mga sarili nila sa'kin, wala silang kaalam-alam na nilalapit din nila ang mag sarili nila kay Kamatayan.

Kung matalino ka at gumagana pa ang utak mo, malamang alam mo na kung ano ako.

Isa akong Bampira. Oo, bampira as in vampire na nangangagat. *Raawrrr*. Galing ako sa isang angkan ng mga bampira. Lahat kami ay mga bloodsuckers. Ang isang anak ng bampira ay binibigyan ng karapatan na pumili kung maging isang ganap na halimaw o maging isang kaawaawang mortal pagtungtong sa edad na labindalawa ngunit kadalasan ay mga magulang rin namin ang may huling salita. Dinadamay nila ang kanilang mga anak sa sumpang taglay, para lang makasama ng panghabambuhay.

Namumuhay kami  bilang mga normal na tao. Nakikipaghalubilo sa mga mortal. That's all part of the camouflage. Kailangan naming makibagay sa mga tao at umarte na parang normal para hindi nila mahalata ang panganib na aming dala.

Sa pisikal na anyo, katulad rin kami ng mga tao. May dugo na lumalatay sa katawan namin. Meron din kaming puso na pumipintig. Lahat nang mga ito'y props lang para maging makatotohanan ang pagpapanggap. Pero di gaya ng mga tao, hindi kami tumatanda, hindi nagkakasakit, hindi basta-bastang nasasaktan, pagnasugatan ay agad namang naghihlom. In other words, imortal kami.

Sangdaan at labinwalong taong gulang na ko pero dahil hindi nga ako tumatanda, mukha parin akong teenager. Forever 18. At dahil sa kondisyong ito, palipatlipat kami sa iba't-ibang lugar. Halos nalibot na namin ang lahat ng sulok ng mundo. Nagkalat in saanmang lupalop ng mundo ang mga kasamahan namin, lahat nagtutulungan para patuloy na itago ang aming madugong sekreto.

Pangalawang beses na namin to na pananatili dito sa Pilipinas. Akala ko walang pinagkaiba ang lugar na 'to sa iba pang napuntahan namin. Pero nagkamali pala ako dahil dito ko nakilala ang lalaking nagbigay sa akin ng dahilan para patuloy na mabuhay kahit wala na akong buhay. He is the reason why I choose to suffer with this curse and continue my existence. But, he is also the one who's destined to destroy me and my kind.

I am Selene... And this is my bloody lovestory...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloody LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon