"Cheers para sa kaibigan nating pinaliguan ni Lord ng karupukan!" sigaw ni KC. All of us clinked our glasses. Parehong whiskey ang laman ng mga baso namin ni KC samantalang pineapple juice ang nasa baso ni Marg.
Narito kami ngayon sa Hilton para sa Bridal party ko kunu. Actually, nagkaroon na ako ng bridal party kasama ang mga pinsan kong babae. Tita Tessa organized it with the help of lola Antonia and mamita. Sa bahay iyon ginanap. Very intimate lang.
Hindi nakadalo sina KC at Marg dahil ewan ko ba sa dalawang 'to, hindi raw feel ang mga pinsan kong babae. Kaya naman may bridal shower version 2.0 kami ngayon sa isang club.
"Excited na talaga akong makasal kay Kael! At excited na rin akong mapalitan ang apelyido ko!" sigaw ko matapos kong lagukin iyong inumin ko. Gumuhit ang init no'n sa lalamunan ko pababa sa sikmura pero hindi ko iyon ininda. My excitement of my upcoming wedding exudes power in my entire system.
"Tangina! Naalala ko 'yong ex ko noong second year tayo. Nagpropose ang pota. Buong akala ko apelyido ko na ang papalitan niya tas biglang ako pala," sabi ni Marg. Pareho kaming napahagalpak ng tawa ni KC dahil naalala namin ang sira-ulong 'yon. He cheated with an education student behind our friend's back.
"Naalala ko 'yong ginawa mo no'n, putcha ka! Sinugod mo 'yong lalaki sa klase niya sa Engineering department tas tinadyakan mo sa betlog niyang tangina ka!" paalala ni KC. Natatawa na lang ako sa alaalang 'yon but I was really nervous that time kasi naroon pa iyong professor sa harap at nasa kalagitnaan ng pagdi-discuss no'ng gawin ni Marg iyon. Mabuti na lang at hindi na kami na-report.
"Deserve niya 'yon, bakz! Putcha! Nabubwisit ako kapag naalala ko," depensa ni Margaux,
"Eh 'yong recent ex mo? Anong deserve niya? Bakit hindi mo sinipa ang betlog niya no'ng malaman mong hindi pala talaga hiwalay sa asawa?" tanong ni KC.
Pareho kaming galit na galit ni KC nang malaman naming sinabi pala no'ng doctor na nakabuntis kay Marg sa hiwalay na raw siya sa asawa kaya naman hinayaan ni Marg ang sariling mahulog sa gagong 'yon. Marg offered him her all because for some reason, the asshole was supporting Marg financially and even helping her for advanced nursing review.
Tas nabigla na lang din siya nang malaman niyang hindi pala tunay na hiwalay iyon sa asawa niya. In fact, they're still living with each other with their kids. Nag-aaway daw ang dalawa pero hindi hiwalay. At nalaman lang din iyon lahat ni Marg sa club noong sinasaktan ako no'ng ginang.
"Ibang usapan 'yon, bakz! At saka hindi ko ex 'yon. Kabit 'yon! Kabit!" sabi ni Marg sa napaka-kaswal na paraan. Napailing na lang ako dahil sobrang blatant ng kaibigan kong i-admit na naging kabit siya at parang wala siyang pakialam doon.
"E anong deserve no'n?" ulit ni KC, ayaw bitawan ang topic na 'yon.
"Deserve niyang masunog sa impyernong tangina siya! Karma is real. Alam kong kakarmahin 'yong gunggong na 'yon! Puta talaga! Alam niyo mga bakz, nagtaka na talaga ako sa kanya no'ng ayaw niyang i-My Day ko siya at ayaw din niyang ilagay ako sa IG stories niya e. Ang sabi niya we are keeping everything between us in private daw para walang makialam. Iyon pala may iniiwasan makakita no'n!"
"May asawa palang pinoprotektahan! Tangina!" ani KC at humagalpak na naman sa tawa. Hindi ko alam kung lasing na baa gad ang baklang 'to. Napailing na lang ako dahil after aminin at ikwento sa amin ni Marg ang patungkol sa doctor na iyon na apparently ay ginawa siyang kabit ng hindi niya alam, ay naging sobrang casual na lang kung pag-usapan namin ang topic na 'to.
"Sinabi ko pa nga sa kanya no'n sa inis ko na hindi niya man lang ako magawang i-flex na sa lapida ko na lang siya ilalagay para 'til death do us part talaga kaso tinawanan lang ako ng pota!"
BINABASA MO ANG
Even If It Hurts (Completed)
RomantikGianna Saroza Salazar receives all the love she needs from the people around her, most especially from her mamita. She feels that she already has everything that she needs. That is why she made it her personal vow to love the people around her, espe...