CHAPTER 13
Okey din naman kausap si Jazer, bagamat alam ko na may talino syang itinatago, di sya katulad ng ibang matatalino na suplado, at least kinakausap nya ako diba, pwede ko rin kaya syang hingian ng adviced tungkol sa supernatural kong ability na makabasa ng isip, o baka pagtawanan lang nya ako haha
"nasan yung gf mo, ba't di mo kasama," biglang tanong ni Jazer at mukhang tinutukoy nya si Fhane
"tss.. yung babaeng kasama ko lage, sya ba tinutukoy mo? di ko girlfriend yun," sabi ko
"weh hindi nga, eh halata kaya," sabi nya
"hindi talaga kami magsyota, taga samin lang sya kaya magkakilala kame,"
"eh bakit parang closed kayo sa isa't isa,"
"yun nga eh, baka kasi may gusto sa akin yun," sabi ko
"oh anong problema, di mo ba sya type,"
"Hinde," mabilis kong sagot
"baket, maganda naman yun ah,"
"basta, nakukulitan na ako sa kanya, gusto mo sayo na sya eh," sabi ko pero naging seryoso ulit si Jazer
"tol, anung pinagsasabi mo dyan, hindi naman gamit yung tao na pwedeng ipamigay," sabi ni Jazer
"eh anong gagawin ko, para layuan ako nun," sabi ko
"okey ganito, do something na pwedeng ika-turn off nya sayo, gaya ng mangulangot ka sa harap nya,"
"ngi.. gagawin ko ba talaga yun,"
"Oo, bahala ka, nasa sayo yun kung deserving ka na talaga eh," sabi nya
"wala na bang ibang paraan,"
"Meron pa naman, yun yung diretso mong sasabihin na ayaw mo talaga sa kanya,"
"Masyado naman atang masakit yun,"
"O kaya naman, humanap ka ng iba, hanggang marealized nya na hindi talaga kayo para sa isa't isa," sabi ni Jazer
"haha, hahanap ng iba,"
"Oo,"
"Pero di naman madali yun," sabi ko pero di pa man tapos ang pag-uusap namin ay napilitan na akong tumayo sa inuupuan ko dahil bumalik na yung totoong nakaupo dun
"sige Jazer balik na ako," sabi ko at kinuha ko ulit yung I.D. ni Diane
Natapos na lang yung breaktime ng hindi man lang ako nakakain, nakabalik na rin si Fhane sa upuan nya dito sa tabi ko
"ang boring sa labas, dapat kasi sumama ka," sabi nya
"Oh nakabili ka ba ng pagkain mo," tanong ko
"Hinde, ayaw mo naman kasi sumama eh," sabi nya pero iba yung takbo ng isip nya
( weh pero kumain talaga ako ng burger, kinokonsensya lang kita haha )
Don't lie to me Fhane haha, ako pa lokohin mo ah, pero grabe na talaga yung tama ng babaeng ito sa akin, kaylangan gumawa na ako ng paraan para hindi na sya umasa sa akin
"uy, pero mamaya sabay na tayong umuwi ah," biglang sabi ni Fhane
Nanaman, sasabay pa rin si Fhane sa akin, teka kelan ba kami maghihiwalay ng babaeng to, sa anong bagay ba kami pwedeng magkahiwalay
"Okey class, kumpleto na ba ang lahat?" si sir Jhayde na tumayo na sa harap ng klase
"Magkakaroon tayo ng groupings, igugrupo ko kayo sa apat na grupo, now count one to four simula sayo," sabay turo ni Jhayde sa kaklase naming nasa harap
"1"
"2"
"3"
"4"
"1"
"2"
Dahil magkatabi kami ni Fhane, number three ako at number four naman sya, so ito lang ang ibig sabihin nyan, magkahiwalay kami ng grupo ni Fhane haha
"okey, lahat ng number one dito sa sulok, number two dun sa kabila, yung three dun sa other side at yung four sa kabila, game galaw na," sabi ni Jhayde
Group number three ako at tyempong number three din ang numerong natapat kay Jazer kaya magkagrupo kami, di lang yun, kagrupo ko rin yung crush ko, at sa wakas nalaman ko na yung name nya, sya pala si Charlotte, nabasa ko lang sa suot nyang I.D. haha, bale lahat ng apat na grupo ay may pitong myembro, so hindi ko pa kilala yung apat na ka member namin
"so ayan na yung magiging grupo nyo, pipili na lang kayo ng group leader nyo, pag nakapili na, magbigay kayo ng 1/4 yellow paper na nakalagay yung group number, group leader at yung mga members," pahabol ni sir Jhayde
Group leader, unang pumasok sa isip ko si Jazer, dito masusubukan yung talino nya haha, tinuro ko pa sya ng hintuturo ko para i-suggest na maging group leader
"ikaw na lang maging leader Jazer," sabi ko
"bakit ako?" sabi nya
"eh matalino ka diba," sabi ko
"sinong nagsabi," painosenteng tanong nya
"ako na nagsasabi," sabi ko
Di nagtagal napilitan na rin si Jazer na magvolunteer as a group leader, wala naman na kasi tumutol at isa pa ayaw din ng iba magvolunteer
Nakita ko naman si Fhane sa kabilang grupo, group four sya at medyo masama ang loob nun kasi di kami magkagrupo haha
Maya maya ay lumingon din sya sa akin pero nakasimangot sya that time at kinabahan ako sa mga sumunod na nangyari, dahil nag-isip sya ng hindi maganda
( wait mo ko Dark, lilipat ako sa grupo nyo )
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...