Days passed like a blur at finally, Friday na ngayon! I must admit na ang daming nangyari for the whole school week.
Well kasi, madami ding pinagawa ang mga teachers. We were busy as hell. Pero ngayong Friday, walang gaanong pinapagawa so chill chill lang kami.
Nanonood lang kami ng movie sa first subject since it's about literature. Hindi ako masyadong makapagfocus dahil gusto ko lang matulog. Kulang na kulang ako sa tulog these days dahil sabay sabay ang mga homeworks at activities na iniiwan ng mga teacher. Akala mo naman ay matatapos na agad ang school year eh hindi pa nga kami nakakapagexam for third quarter.
Sa totoo lang, for the whole week, I felt like something is missing. Hindi ko din alam kung bakit nararamdaman ko iyon. Nakakapagpasa pa din naman ako ng mga activities at homework kahit tinatambakan kami kaya imposibleng may kulang ako or may nakalimutan ako.
Ah ewan! I think it's my overthinking side lang. Wala lang siguro 'yun.
Anyways, nung Tuesday ay nakauwi na sila Tita, Charles and Mia! Charles looks weaker than before pero hindi ko na iyon pinuna. He looks so happy eh. I asked Tita if Charles knew about his situation and... oo daw. Alam niya.
Sinabi din ni Tita na kung ano daw ang gustong gawin ni Charles, if he wants to undergo chemotherapy or not, sabihin lang daw ni Charles. Gagawa nalang daw ng paraan si Tita.
Syempre tutulong ako, though hindi ko na sinabi kay Tita yun. Basta makatulong lang ako para hindi masyadong mabigatan sa pasanin si Tita.
The day went by a little slower than the last few days dahil wala kaming masyadong ginagawa. Madalas ay lumalabas kami ng classroom ni Sean at Ni-ki at pumupunta kami sa rooftop ng school o kaya sa may gym ng school o kaya tatambay lang kami sa classroom at mahihiga sa may mattress na nakalagay sa may bandang likod. Hindi ko din alam paano nagkaroon ng mattress doon pero oh well.
Last subject na and PE siya. We're now on our way to the gym and wala naman kaming gagawin. Tatambay lang daw kami sa gym. Naiwan si Nathan and some of his groupmates dahil sila ang cleaners every Friday. Dinala na din kasi namin ang mga bag namin habang papuntang gym para diretso uwi na din.
Malamig sa gym since closed gym siya at may aircon. Sayang nga lang at nakalimutan kong magdala ng jacket. Okay lang, 50 minutes lang naman kami na nandito. Hindi kasi kami allowed lumabas ng gym unless mag ccr kami since kasama din namin ang teacher namin.
Nakakachikahan namin si Sir eh, ka-vibes namin siya pero syempre bilang respeto na din, hindi nalang siguro kami lalabas ng gym. Sandali lang naman at maguuwian na.
Maya-maya lang ay isa-isang nagsisidatingan na ang mga Friday cleaners sa amin hanggang sa matanaw ko na si Nathan sa may pintuan ng gym. Nagtama ang mata namin and I smiled at him. He just gave me a small smile.
He looks serious. Napano kaya siya?
For the whole week kasi hindi ko siya nakakausap dahil nga tinambakan kami ng teachers namin. Hindi kaya... nagtampo siya nung di ko siya sinipot nung Lunes? Shet, nagsorry na ako sa kaniya through chat that day, sabi niya ayos lang daw...
Ugh ang tanga ko din. Naniwala naman ako na ayos lang siya. Eh kung ako 'yun talagang magtatampo ako. Mahalaga pa naman yata ang sasabihin niya sa'kin... tapos hindi pa ako nakaamin! Argh.
Sa ngayon ay iniisip ko kung paano ba i-aapproach si Nathan nang biglang nagulat nalang ako at nandito na siya sa tabi ko. Wala na si Sean at Ni-ki.
"Hey." He greeted.
Agad ko namang naramdaman ang pagtibok ng puso ko. Rupok.
"Hi." I smiled at him pero he didn't smile back.
YOU ARE READING
Beyond the Border (COMPLETED)
Фанфикwritten in taglish. unedited. Do you believe in parallel universe? What about in vampires? Alliyah Park does. She believes in every magical creatures, even though most sounds so... unrealistic. But a necklace changes her world. A necklace, which tur...