Kabanata 4

793 15 2
                                    

Occtavia's POV:

Kasalukuyan akong nakikinig sa itinuturo ni miss buenaventura tungkol sa history ng kung anong bagay noong unang panahon, wala akong magawa dahil hindi naman ako interesado sa itinuturo niya ngayon. Kaya't ang aking isip ay naglalakbay.

"Ms. Mendez! Why are you not listening to me, kanina ka'pa kinakalabit ni Mr. Corey hindi ka 'man lang nakakaramdam!" bulyaw nya sa'kin kaya't nabalik ako sa reyalidad.

"M-ma'am, I'm sorry, may iniisip lang po!" hinging paumanhin ko.

"Next time na mahuli kitang hindi nakikinig sa'kin...drop out!" sabi niya sa'kin habang salubong ang kilay.

Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan na drop out ka'agad kapag hindi lang nakinig sa kanya. wewwss!
Kaya't wala na akong magawa kung hindi ang mapayuko. Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na ngayon ay nagpipigil ng tawa habang si ally naman ay nag-aalalang napatingin sa'kin, binigyan ko naman siya ng isang ngiti para hindi siya mag-alala.

-

Nang matapos ang klase namin sa history. Napagdesisyunan naming bumaba at kumain sa canteen na malapit sa building II.

"Besty, bat ang lalim ng iniisip mo kanina. Ayan tuloy napagalitan ka'pa ni ms. buenaventura."tanong ni sanny habang nagpipigil ng tawa.


"Is that about what the triplets told to you earlier?" malumanay na tanong ni ally.

Tinanguan ko naman sya dahil tila palaisipan parin sa'kin ang sinabi ng triplets at pagyayaya ng mga itong kumain sa labas. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila naguguluhan pa'din ako kung bakit ganun sila umakto kanina.

"Ally, wag ka nga mag english alam mo namang mahina kami sa ganyan?" sagot naman nitong si taylor.


"What!? pati ba naman pagsasalita ko pupunahin mo, buti nga hindi nagalit si jewelle sa inyo dahil pinagtatawanan nyo siya." sagot naman ni ally habang hindi maipinta ang mukha.


"Hey babaita, baka nakakalimutan mong kayong dalawa lang nitong si jewelle ang mayaman dito kaya't wag mo'kong maingles-ingles dyan." sagot naman ni taylor sa kanya.


Sa'min kasing pito kaming dalawa lang ni ally ang laki sa yaman habang itong limang ito scholars sila ng school. Nagkakilala kami dahil sa taekwondo. Nung una nga ayaw pa nilang makipag-kaibigan sa amin. Dahil hindi daw bagay ang estados namin sa buhay dahil mahirap lang sila samantalang mayaman naman kami. Sagot lang kasi ng mga kamag-anak nila kaya't sila nakapasok sa taekwondo. Ngunit hindi namin sila tinantanan ni ally kaya't naging kaibigan namin sila tsaka sinabi ko din sa kanila na. "Hindi importante ang estados sa buhay upang maging magkaibigan tayo, dahil ang importante ay ang pagmamahal at pamilyang mabubuo natin sa pagkakaibigan natin."

"Tumigil na nga kayong dalawa, bahala kayo baka kayo pa ang magkatuluyan." nakangising sabi ko sa kanilang dalawa.

"Yuck!"

"Yuck!"

Sabay nilang sabi habang nakahawak sa kanilang mga lalamunan na akala mo'y nasusuka.

Natawa nalang kaming lima habang tinitignan ang dalawa habang nagbabangayan.

Sa mga hindi nakaka-alam matagal nang may gusto si ally kay taylor. Hindi naman maitatanging malakas at gwapo ang kanyang itsura dahil na din sa half spanish blood nito, kayumanggi ang balat at medyo kulot ang buhok hindi din matatago ang pagiging maskulado nito kahit pusong babae pati na din ang mata nitong kulay brown. Ayaw umamin ni ally dahil baka masira ang pagiging magkaibigan nilang dalawa. At baka hindi din siya magustuhan ni taylor dahil na'din sa pusong babae din nito.

My Passion Love (ON-GOING) (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon