CHAPTER 7

2.5K 48 3
                                    

Halos mag-iisang linggo na ako sa pagiging sekretarya ni Sir Altis. Hindi niya ako masyadong kinikibo. Papasok lang at magkukulong sa opisina niya, lalabas kapag may ka-meeting o may conference siya. Tatawagan lang ako sa telepono kapag may kailangan pero mas lamang pa ang nakatunganga ako at walang ginagawa.

Upang hindi ako mainip sa trabaho ay binabasa basa ko ang mga reports ng nakaraang buwan upang makakuha ako ng mga ideya sa pagpapalakad ng kumpanya.

Natatandaan ko pa na sinabi ni Joyce na hindi madalas pumasok sa opisina si Sir Altis. Bakit kaya halos wala naman absent si sir ngayon? Palagi pa naman siyang maaga kung dumating kaya naman pinipilit kong pumasok sa trabaho na hindi nale-late. Ayoko naman pag-isipan ako na batugan ni sir. Sa mansyon nga sa probinsya ay todo sipag ako upang makita ni sir na maaasahan ako pagdating sa mga gawaing nakaatang sa akin.

Nasasanay na ako na nasa malapit si Altis. Sinasanay ko na rin ang puso at isipan ko na labanan ang malalim na nararamdaman ko sa kaniya. Naghahanap ako ng mga bagay na makakapag turn off sa akin na ugali niya pero wala eh. Ultimo ata ang pagpasok niya ng hindi nakaligo ay matatanggap ko pa rin. Kahit siguro ang madapa siya sa harapan ko ay hinding hindi ko ikakaturn-off.

Hay buhay, hirap nga naman kapag napagtibay na ng panahon ang pagtibok ng puso ko sa nag-iisang lalaking pinangarap ko. Mabuti na lang at napag aralan ko nang bonggang bongga ang pag poker face at hindi pagpapahalata na gustong gusto ko si sir Altis.

" Conference meeting with the department heads at ten o'clock. Lunch meeting with Sir Oliveros and Sir Braganza. The finance team will be discussing some things with you sir at 3, then Maam Cardone called to remind you to have dinner with her tonight." Hinihingal kong dictate sa mga schedule niya sa araw na ito. Hindi naman masyadong busy si Sir Altis.

"Bakit dito tumawag sa opisina si Luna?" nakakunot ang noo niya sa pagtataka.

"Hindi po daw niya kayo macontact sa cellphone ninyo kaya dito po sa office siya tumawag."

Mabilis niyang sinulyapan ang cellphone niya. Nakita kong napabuntong hininga siya. Iniabot niya ang kaniyang cellphone. Napapamaang kong tinanggap ito.

"May charger sa drawer ni Joyce." Agad akong tumango tango.

"263732"

"Po?" I was quite dumbfounded

"That's my password." He lazily eyed on me.

Aba malay ko ba! At saka bakit kailangan pang malaman ko ang password ng cellphone niya?

"Check my emails and immediately report if there are new messages." Dagdag pa niya sa akin.

"Yes po sir."

"Ikaw na muna ang hahawak sa cp ko, kung may magmemessage at alam mo naman ang dapat isagot, ikaw na ang mag reply. Kapag hindi mo alam agad mong sabihin sa akin. Kapag may tumatawag, answer it."

"Pero sir, personal na gamit ninyo po ang cellphone."

"Gawain din ni Joyce yan so it means you must also do that."

Hindi na ako umimik. Ayoko naman kasing mangealam o humawak ng bagay na hindi sa akin lalo't personal na gamit ito. Alam na alam ko kasi ang sarili ko. Matetempt ako na iopen ang messenger nya, ang messages sa cp niya o pati ang mga photos niya.

Hindi ko mapipigilan ang sarili ko na mangealam! Hay magkaroon po sana ako ng isang drum nang pagtitimpi. Bigyan po ninyo ako ng lakas! Lakas ng loob na masipa ang aking sarili kapag binulungan na ako ng guardian devil ko na gawin ang kalokohang nasa isipan ko.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon