Chapter 10-F's wrath..

459 11 3
                                    

Walang ingay akong pumasok sa loob ng E.R. Agad kong itinakip ang panyo na bigay sa akin ni Uzzy sa nurse na nasa loob. Walang malay itong bumagsak sa sahig.

Nasa labas si U. Hihintayin na lamang daw niya ako doon. Tinawagan ko kasi siya at sinabi na puntahan ako dito sa ospital kung nasaan si Benedict. Nakasuot pa nga siya ng pink pair jammies at pink na slippers.

Bumungad sa akin iyong pinto na kurtina lang ang harang.

I sighed.

Nakaramdam ako ng takot..takot na harapin si Bernard. I never thought I would feel this fear..I was raised as tough as an elepant but now..this is new to me.

I sighed again.

Pumunta na ako sa kinaroroonan ni Benedict. Nakita ko kaagad si Bernard. Nakatalikod siya at nakaharap sa kapatid niya na may mga nakakabit na tubo at dextrose para patuloy na mabuhay.

"Bernard.."

Marahas siyang bumaling ng tingin sa akin. Madilim ang mukha niya at parehas nakakuyom ang kamao. He looks murderous.

"You shot my brother! Of all people putang ina Yvanna ikaw pa! Ikaw na...na..Damn!"kumirot ang dibdib ko na hindi na niya magawang sabihin na gusto niya ako."Anong ginawa sa iyo ni Benedict at ginawa mo ito sa kanya?!"

"Hindi ako ang bumaril sa kanya though iyon talaga ang balak ko noong una.."

"Nakita mo na! At anong hindi ikaw?! Nakita mismo ng dalawa kong mata na ikaw ang bumaril kay Benedict!"

I looked at him intently.

"I was ordered to kill your brother. One day I wake up changing my mind. I decided to spare Benedict's life...and that's because I met you.."

"Anong gusto kong sabihin ko thank you?! Fuck you Yvanna! Nagkamali ako ng pagkakakilala sa'yo! You're a killer! I loathe you!"

Pakiramdam ko ay dinakot ang puso ko sa pagkamuhi na nakikita ko sa mata niya pero hindi ko ipapakita sa kanya na nanghihina ako. My pride won't let me.

"Nandito ako para sabihin lang ang totoo. Kung hindi ka maniwala sa akin ay nasa iyo na iyon."tumalikod na ako para itago ang sakit na aking nararamdaman.

"You can't get away with this motherfucker! You will rot in jail!"

Nilingon ko siya. Nakuha ko pang ngumisi sa nararamdaman kong sakit.

He will put me in jail? I wanted to laugh. We are the rule and we never make it behind the bar.

"Suit yourself Cuyote. I'll wait for you and your company to arrest me. I have to go. Ciao."

Napahawak ako sa dibdib ko noong makalabas ako ng pinto. My heart broke into tiny little pieces.

Pero kailangan kong isantabi muna ang nararamdaman ko. May kailangan pa akong gawin.

"Broken much ba keps?"nag-aalalang tanong sa akin ni Uzzy.

Nagkibit na lang ako ng balikat. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong ulit.

"Where to?"

Sakay na si Uzzy ng pink na Ducati niya. Iyon na lang ang gagamitin namin dahil sumabay lang ako kay Bernard kanina.

Inilabas ko mula sa damit ko ang hightech tracker na nakakwintas sa leeg ko.

Napangisi ako.

Kung sa akala ni Yvonne ay makakaligtas siya sa akin ay akala niya lang iyon. Putang ina niya. Ibabaon ko siya ng buhay. Literal.

"North..Peninsula Hotel."

"Hop in."

Umangkas na ako kay Uzzy. Hindi ko na alintana kung halos kita na ang panty ko pagbukaka sa bike,maglaway na lang sila.

Marine:Red-Head(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon