YAY! second story ko na na ipapublish toh! (sheyr) Hope you guyxz would like it :)
____________________________________________________________________
One day, isang araw
I saw, nakakita
Crush ko naglalakad
Doon sa kalsada
Ooohlala! Bat ganun? Parang sinusundan niya ko….Sinusundan ako ni CHAD!!! Diyos ko ang gwapo niya talaga mula…
Paa, tuhod, balikat, ulo
Tumakbo ako kunyari para malaman kung sinusundan niya talaga ako. And yes! Oo. It’s true, not a lie, sinusundan niya ko. And since siya naman ang humahabol, binagalan ko na yung lakad ko. Pagkarating ko sa tapat ng bahay…
“Miss…?Miss…?Mary ann!?”
“Why?”
“uhmmm….kasi po”
(eto na toh! Moment ko na toh. Gora!)
“bakit?”
“uhmmm…nakakahiya po kasi pero-“
“bat ka nahihiya?”
(sabi ko na nga ba mahal mo rin ako…” I LOVE YOU “ siguro yung sasabihin mo kaya ka nahihiya)
“may tagos po kayo”
(WHAT!!!!!!!!!!!!!!!!May gadenning!)
“aah…I’m sorry….sorry talaga, nakakahiya naman”
“uhmmm…eto po may panyo po ako. Ipantakip niyo nalang po para hindi halata.”
“sige thank you…”
Kinuha ko nalang para hindi naman nakakahiya sa kanya.
Pagkapasok ko ng bahay… tinanong ako ng ate ko
“Huy bat ka umiiyak?”
“sinusundan ako ng crush ko…. Tapos-“
“tapos?”
“Nakita niya na may TAGOS ako!”
“Weh?!!”
“yes its true, not a lie. Kala ko panaman kaya siya nahihiya magsalita kasi sasabihin niya sakin ‘ I LOVE YOU ‘ yun pala ‘ MAY TAGOS PO KAYO ’ Ang fail diba?”
“gaga ka talaga…patingin nga”
Umikot ako…
“wala naman ha?...”
“Weh?”
Nilabas ko yung panyong binigay niya para punasan yung tears ko. Tapos nakita ko na may nakaipit na papel sa gitna. Binuksan ko…nakasulat…
“ Hi mary ann,
Alam ko na sa mga oras na ‘to, malamang hiyang hiya ka na. Pero wag kang mahiya dahil sa totoo lang, wala ka talagang tagos. Di na kasi ako makaisip ng paraan para masabi sayo na crush na kita 1st year palang tayo… anyways…I LOVE YOU
Chad”