01 - Knights in Not so Shiny Armors

84 2 10
                                    


NEVE GWYN

"Magandang araw po sa inyo, delivery po from A2C Enterprise."

"Ay, oo nga pala. Ngayon nga pala ang dating ng supplies namin. Sige kuya, susunod na po ako sa labas. Neve!"

Napalingon ako kay Boss Math dahil sa pagtawag niya sa akin. "Bakit po boss?" tanong ko kaya sinenyasan naman niya ako na lumapit sa kaniya.

Kasalukuyan kasi akong naglilinis ng mga mesa dito sa loob ng coffee shop habang siya naman ang nasa counter. Nilapag ko muna ang basahan na hawak ko bago ako lumapit sa kaniya. "Ano po 'yon, boss?" tanong ko uli sa kaniya.

"Take charge dito sa counter. Hayaan mo na muna si Sel na maglinis ng mga table. Ire-receive ko lang 'yung mga supplies na in-order ko," saad niya kaya natigilan naman ako. What? Bakit ako?

"Uh, pwede po bang si Sel na lang ang pumwesto sa counter at manatili na lang ako sa paglilinis ng mga mesa?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ako magaling sa pakikipaghalubilo sa tao at alam naman niya 'yun. Kaya bakit ako pa ang naisip niyang ilagay sa danger zone na 'yan?

Nakita ko naman ang pagpakawala niya ng hangin. "Hindi ko pwedeng ipagkatiwala ang pwesto na 'to kay Sel dahil may pagkalampa ang batang 'yun. Kaya mo 'yan, isa pa, mabilis lang naman ako. Hindi ako aabot ng sampung minuto sa labas. Kaya mo 'yan, okey?" cheer niya pa kaya wala na akong nagawa kung 'di ang sundin siya.

Hinubad na niya ang apron na suot niya bago siya lumabas sa backdoor ng coffee shop kaya ako ito, naiwang mag-isa sa harap ng counter. Hays.

Wooh! I can do this! Neve, you can do this but I really doubt that. Ahh! Bakit ba kasi masyado akong nerbyoso sa harap ng mga tao? Ugh!

Maya maya pa ay may isang lalaki ang lumapit sa counter. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya nginitian.

"Good day our dear customer, can I know what's your order?" saad ko kaya napatingin naman siya sa menu board na nasa likuran ko.

"Hmm, available ba ang Strawberry Tart niyo?" tanong niya kaya tumango naman ako. "Yes, sir. Available po ang Strawberry Tart namin."

"Okey, isang whole piece ng Strawberry Tart tapos pitong milk tea," saad niya kaya tumango lang uli ako.

"Ano pong mga flavors ng milk tea?" tanong ko uli tapos napatingin naman siya sa phone niya.

"Uh, 'yung sa akin, Strawberry flavor, tapos 'yung natitirang anim ay Cookie Matcha, Thai, Cheesecake, Honeydew, Yakult, at Black milk tea," saad niya na kaagad ko namang in-enter sa screen.

"Uh, okey. That's a total of P530, sir."

Nakita kong kinuha niya ang wallet niya tapos inabutan niya ako ng one thousand pesos bill na agad ko namang sinuklian.

"Can I have your name sir?" saad ko dahil gano'n ang sistema namin dito sa loob ng coffee shop. Hindi number ang tatawagin namin, kung 'di ang name ng customer namin.

"Huh? What for? Did you fall in love at first sight? Grabe ka miss," natatawa niyang saad kaya napangiwi ako.

"I'm sorry pero hindi ko po kayo gusto, sir. Hinihingi ko po ang name niyo para sa customer's name po, sir," madiin kong saad kaya natigilan naman siya.

"Oh, is that so? Sorry, my bad. Ang assuming ko noh?" natatawa niyang saad kaya nginitian ko na lang siya. "Anyway, my name is Guila," nakangiti niyang saad kaya tinanguan ko naman siya.

"Please wait a moment, Sir Guila. I'll prepare your order immediately," saad ko kaya siya naman ang tumango at naupo muna sa isa sa mga bakanteng upuan.

7 DEADLY SINSWhere stories live. Discover now