HONORWe're currently here inside our hideout. I don't know why they called it a hideout when everyone knows this place. Tch. Mga inutil talaga, lalo na si Blaze.
"Hey, Livy, can you move aside? You already occupied the whole seat. Magpaupo ka naman," saad ko sabay tapik sa paa niya kaya umusog naman siya.
Umupo ako sa tabi niya at nakinood sa pelikulang pinapanood niya. Nang mabagot ako sa pinapanood niya ay sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa. Tinanggal ko ang suot kong salamin at hinilot ang mata ko dahil sumasakit na naman ito, bago ako pumikit at ipinahinga ito.
Napamulat ako nang may kung sino ang nagbukas ng pinto na para bang balak niya na itong wasakin. "The hell, Blaze? Mahal magpagawa ng pinto kung hindi mo lang alam," saad ni Eros kaya napaikot naman ako ng mata ko. It's Blaze the destroyer again. Tch.
"Hey, Eros," tawag pansin ni Blaze sa kaniya kaya natigilan naman 'yung isa. Masa-sample-an na naman yata siya ng batok ni Blaze. Tsk, tsk.
"Oh ano? Mananakit ka na naman ba? Grabe, magkakaroon na yata ako ng sakit sa utak kakabatok mo eh," depensa ni Eros sa sarili niya kaya napangiwi naman si Blaze.
"Tanga. Kahit hindi kita batukan ay may sakit ka na talaga sa utak. Huwag mo sa akin isisi 'yun. Anyway, kaya kita tinawag dahil may itatanong ako sa'yo," saad nito kaya mukhang kumalma naman si Eros.
"Okey, akala ko kung ano na eh. Ano ba ang itatanong mo?" saad nito kaya bigla siyang hinawakan ni Blaze sa magkabilang balikat na siyang ikinagulat niya.
"Bro! What is wrong with you? Bakit bigla bigla kang nanghahawak diyan? Nababakla ka na ba? Excuse me pero kahit malandi akong tao, straight pa rin naman ako. Kung gusto mo ng boy's love, ayain mo itong si Honor tutal pareho naman kayong mukhang bakla. Huwag ako please," saad niya na nagpatigil sa akin.
Why the hell did I get involved with these two idiots? And me? A homosexual? Walang bakla sa Hubris Family! This stupid Eros.
"Pinagsasasabi mo? Hindi ako bakla noh. Si Honor, oo, pwede pa pero hindi ako. Mandiri ka nga sa sinasabi mo Eros!"
"Am I not here huh? Kung makapagsalita kayo tungkol sa akin, parang wala ako rito ah? Do the two of you want to die?" saad ko kaya napangiwi naman sila bago sila nagpatuloy sa usapan nila. Aba't, mga walang hiya 'tong mga 'to ah.
"Anyway, hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil diyan sa bwiset mong bunganga. Pwede bang kalmahan mo lang at makinig ka na lang muna? Mamaya ka na magsalita kapag tapos na ako," saad ni Blaze kaya tumango naman si Eros.
"Ano ba kasi ang itatanong mo at parang hindi ka mapakali riyan?" saad na naman ni Eros kaya sinamaan siya ng tingin ni Blaze. "Sabi ko nga, tatahimik na."
Napabuntong hininga naman si Blaze bago siya nagsalita. "Do I look like a serial killer to you?" tanong niya na naging dahilan upang matigilan kami ni Eros tapos 'yung apat naman ay napalingon sa kaniya.
Wait, what did he ask? Jeez, he totally lost it. Baliw na nga talaga ang isang 'to. Sabi na eh, nakakabaliw talaga ang stress.
"Pfft! HAHAHAHAHAHAHAHA! Anong tanong 'yan? HAHAHAHAHAHA! S-Saglit, pfft. Hindi ko mapigilang tumawa. HAHAHAHAHAHAHAHA!" tawang tawa na saad ni Eros. Sa sobrang tawa niya ay napapahawak na siya sa tiyan niya.
Nakita kong napailing si Lazio sa gilid bago niya pinagpatuloy ang paglalaro sa psp niya. Itong si Livius naman ay binalik na ang paningin niya sa tv. Si Avarice naman ay napahinto sa pagwo-work-out niya at si Guila ay hindi na sila pinansin dahil siguradong iniisip niyang wala namang kwenta ang usapan ng dalawa.
YOU ARE READING
7 DEADLY SINS
RandomMeet Neve Gwyn, a girl with an uncanny resemblance to Snow White-her skin as pure as snow and lips as red as plums. But unlike the fairy tale, Neve's life takes a thrilling turn when she encounters not seven dwarfs, but the enigmatic and seductive f...