BLAZE"Huy! Kumakain ka na naman ah! Kakakain mo lang mga about 1 hour ago, kain na naman?" panggugulat ni Livius kay Guila na ngayon ay katapat kong nakaupo dito sa dining area.
Dahil sa pagkagulat ay nabuga ni Guila ang kinakain niya sa akin. Great. Natigilan naman si Livius dahil sa nangyari. Tatakas na sana siya kaso mabilis akong dumampot ng isang bagay na unang matagpuan ng mata ko sabay bato nito sa kaniya.
"Ah! Shit! Tangina, ang sakit! Why the hell did you throw a tumbler at me? Pwede namang 'yung tissue. Mabuti na lang at malaman ang braso ko at hindi ako nabalian ng buto sa lakas ng bato mo. Grabe ka talaga, ang sadista mo," reklamo niya pa pero sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako tumayo para pagpagan ang sarili ko. Tch. Bwiset, ang dugyot.
"Magpasalamat ka at hindi si Honor ang nasa pwesto ko ngayon dahil siguradong hindi lang 'yan ang aabutin mo sa neat freak na 'yun. Baka hindi mo na gustuhing mabuhay kapag nangyari 'yun dahil saksakan sa kaartehan ang gagong 'yun eh," saad ko habang nagpapagpag at mukhang natakot naman siya sa sinabi ko.
Let me guess, siguradong iniisip niya ngayon na tama ako at nagpapasalamat siyang ako ang nandito kaysa sa Honor na 'yun.
"Fine, I'm sorry, okey? Hindi ko naman sinasadyang gulatin si Guila eh," saad niya kaya tinignan ko lang siya. "Ugh! Okey, sinadya ko na pero hindi ko naman inasahang gano'n ang gagawin niya. Malay ko bang dragon 'yang si Guila at bigla biglang nambubuga. Hindi nga lang apoy, kung 'di kadugyutan ang binuga. Jeez," dagdag niya pa kaya napangiwi naman si Guila.
"Maiba tayo, anong ginagawa mo rito sa bahay ko? Itong si Guila ay maiintindihan ko pa kung bakit nandito dahil ang tingin nito sa akin ay giant refrigerator na kung saan pwede siyang pumunta para kumain pero ikaw? Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" tanong ko kaya kumunot naman ang noo niya.
"Duh! Did you already forget? We have a meeting today and it's your turn to host the meeting," saad niya kaya ngayon ko lang naintindihan.
"Is that so? Eh kung gano'n, nasaan na 'yung iba pa?" tanong ko kaya nagkibit balikat naman siya. Kay Guila na lang tuloy ako bumaling dahil walang kwenta 'tong si Livius. Hindi siya pwedeng maging private detective o 'di kaya naman ay informant. Tch.
"I checked our group chat and they said otw na raw sila," saad niya kaya napatango naman ako.
"Sige, sige. Habang wala pa sila ay maliligo na muna ako. Sabihan niyo na lang ako kapag nandiyan na sila, ha?" wika ko kaya napatango naman si Guila habang nag-thumbs up naman si Livius.
Papasok na sana ako ng kwarto ng may bigla akong maalala. "And oh, by the way Livius," saad ko kaya lumingon siya sa akin.
"What?" patay malisya niyang saad. "Don't try to touch any of my stuff or I'll break you into two pieces, understand?" bilin ko so he rolled his eyes. Tch. "Yeah, yeah sure. What do you think of me, thinking of you?" Ano raw? Nababaliw na naman ang gago.
Napailing na lang ako bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto para makaligo. Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako kaya lumabas na ako ng kwarto. Hindi na muna ako nagsuot ng pangtaas na damit dahil medyo mainit ang panahon ngayong araw. 3PM pa lang kasi ng hapon.
Paglabas ko ay naabutan ko na ang iba na nakatambay sa sala. "Sino pang wala?" tanong ko kaya saglit silang lumingon sa akin.
"Uh, si Lazio, wala pa rito. Si Eros naman ay lumabas uli dahil may bibilhin daw siya sa tindahan diyan sa may tapat," saad ni Guila kaya napatango naman ako. Napasulyap naman ako kay Honor na tahimik lang na nakaupo sa single sofa sa may gilid. Parang ang lalim naman yata ng iniisip ng lalaking 'to. Ayoko nang malaman kung ano 'yun dahil siguradong nakakadugo ng utak ang mga iniisip niya. Well, what can you expect from a genius yet arrogant like him, 'di ba?
YOU ARE READING
7 DEADLY SINS
RandomMeet Neve Gwyn, a girl with an uncanny resemblance to Snow White-her skin as pure as snow and lips as red as plums. But unlike the fairy tale, Neve's life takes a thrilling turn when she encounters not seven dwarfs, but the enigmatic and seductive f...