05 - NGine Vs. ZioNara

24 0 0
                                    


NEVE GWYN

Beep. Beep. Beep. Beep.

Napabalikwas ako sa higaan ko ng biglang tumunog ang alarm clock ko. Anong oras na? Napatingin ako sa orasan ko at nanlaki ang mata ko ng makitang 10 minuto na lang ay magsisimula na ang klase ko. Gosh! Anong klaseng alarm clock ba 'to? Jeez. Kaya nga nag-set ng alarm para magising ng maaga, wala rin palang kwenta dahil male-late na ako.

Mas mabilis pa kay flash ang naging kilos ko sa loob ng sampung minutong palugit na mayroon ako. Matapos kong makapag-ayos ay kumaripas na ako ng takbo pababa para kuhain ang bisekleta ko. Mabuti na lang at tapos nang ayusin 'to dahil paniguradong late ako kung wala 'to. Pinaayos ko kasi ito last last week kaya hindi ko siya nagamit ng isang linggo. Noong monday lang kasi ito bumalik sa akin.

Nakita kong papasara na ang gate ng school kaya mas binilisan ko ang pagpadyak ko para makalusot ako. Sa sobrang bilis no'n ay pakiramdam ko ako na talaga si flash. Iba pala talaga ang nagagawa ng isang taong malapit ng ma-late.

Yes! Nakalagpas ako! Dahil kung hindi ay isang oras akong maghihintay dito sa labas bago nila ako papapasukin. Gano'n ang ginagawa nila kapag late ka. Hays.

Pagpasok ko ng gate ay hindi ko namalayang may lalaking papatawid sa daanan ko kaya hindi agad ako nakapagpreno.

"KUYA! TABI!!" sigaw ko kaya napalingon naman ito sa akin.

Teka, si Lazio 'to ah. Biglang nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. Shit. Mababangga ko siya!

Napapikit ko at napakapit ng mahigpit sa hawakan ng bike dahil sure akong magsasalpukan kami kaso biglang huminto ang bike ko. Napamulat ako at nakita ko si Lazio sa harap ko na gulat na gulat sa nangyari. Nakaupo na siya sa sahig at mukhang takot na takot siya dahil kaunti na lamang ay matatamaan ko na siya. Siguro isang ruler na lang ang pagitan ng bike ko mula sa kaniya.

Teka, paano pala huminto ang bike ko?

"Are you alright, Master Lazio?" Napalingon ako sa matandang lalaki na nasa gilid ko. Napansin kong nakahawak ang kamay niya sa upuan na nasa likod ko. Pinigilan niya ba ang bike ko?

Hindi pa rin umiimik si Lazio kaya kaagad akong umalis sa pagkakasakay sa bike ko at nilapitan siya.

"S-Sorry! Hindi ko sinasadya! A-Ayos ka lang ba?" kinakabahan kong tanong dahil gulat na gulat talaga ang mukha niya.

Tinulungan namin siya nung matanda na tumayo. "I-I think so? Mukhang buhay pa naman yata ako," saad niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa pagka-guilty sa nangyari.

"Sorry talaga. Hindi ko kasi inasahan na bigla kang tatawid pero kasalanan ko pa rin dahil ang bilis ng takbo ng bike ko. Sorry talaga, sorry," paghingi ko pa ng tawad kaya kumunot naman ang noo niya.

"No one needs to take the blame. Accidents happen. One sorry is enough," saad niya habang pinapagpagan niya ang sarili niya.

"Pero," saad ko pero hinarap niya sa akin ang palad niya.

"Stop it. Ayos na 'yun, okey? Medyo nagmamadali rin kasi ako eh. Baka mapatay na ako ng mga ugok na 'yun kapag late na naman ako sa meeting namin eh," wika niya kaya natahimik naman ako.

"Oh yeah, before I forgot. What happened last week in Blaze's house, kaming lahat ba ang tinutukoy mo ro'n?" biglang tanong niya na medyo ikinabigla ko.

"Well, not really. Actually si Blaze and Honor lang talaga ang gumugulo sa akin pero palagi kasi kayong magkakasama kaya parang gano'n na rin 'yun," saad ko kaya napatango naman siya habang nakahawak pa siya sa baba niya.

"I see. Sige, mauna na ako." 'Yun lang ang sinabi niya at naglakad na siya palayo kasama 'yung matanda. 'Yun ba 'yung butler niya na sinasabi nina Kennie? Siguro, dahil tinawag siya nitong master kanina eh.

7 DEADLY SINSWhere stories live. Discover now