06 - A Day Full of Crap

20 0 0
                                    


NEVE GWYN

Pabagsak akong humiga sa kama ko dahil sa pagod. Hays! Sa wakas natapos na rin! Gusto ko nang matulog.

Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na talaga ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising na lang ako nang may biglang kumatok sa pinto ng unit ko. Sino naman 'yun? Si Kennie kaya? May nakalimutan ba siyang sabihin sa akin?

Teka, teka, paano makakapunta rito si Kennie eh hindi naman niya alam ang bahay ko? What the?

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga ko. Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina upang kumuha ng kawali. Mabuti na ang palaging handa dahil wala namang nakakaalam kung saan ako nakatira, maliban na nga lang kay Boss Math pero imposibleng si Boss Math ang kumakatok dahil tumatawag muna siya bago siya pumupunta rito.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kawali bago ko tinungo ang pintuan ng unit ko. Hinawakan ko ang doorknob at mabilis itong pinihit para mabuksan tsaka ko tinaas ang kawali para hampasin sana ang kumakatok nang makilala ko ang mukha niya.

"Lazio?!" gulat kong saad pero mas mukhang gulat ang mukha niya. Anong ginagawa niya rito? Tsaka paano niya nalamang dito ako nakatira?

"I-Ikaw si NGine?" Nanlaki naman ang mata ko ng sabihin niya 'yun. Don't tell me na sinundan niya ako hanggang dito?! The hell? Bakit ang tigas ng ulo nilang magkakaibigan? Jeez!

"Do you know that I can sue you for stalking and invading my privacy?" inis kong saad pero hindi pa rin siya maka-move-on sa pagiging NGine ko dahil hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin siya. 

"H-How come na ikaw si NGine? Are you really NGine? Wala ka bang kasama riyan sa loob?" hindi pa rin makapaniwalang saad niya kaya binaba ko ang hawak kong kawali at napasapo ako sa noo ko.

"I'm NGine. So what? I'll still sue you," blangkong saad ko kaya napamaang naman siya.

"What? I did nothing wrong! I just followed you, that's all."

"You also knock on my door and scare the shit out of me. Akala ko ay may mga masasamang loob ang gustong pasukin ang unit ko." Kumunot naman ang noo niya dahil doon.

"Masasamang loob agad? Malay mo kaibigan mo lang." Napailing ako sa sinabi niya.

"My friends don't know where I live. No one knows so I don't expect someone who'll knock on my door out of nowhere," inis na saad ko kaya mukha na naman siyang nagulat.

"Why is that? Taong kweba ka ba?" tanong niya kaya napangiwi naman ako. That's what my so called friends called me. Taong kweba raw ako. Tch.

"So bakit mo ba kasi ako sinundan dito? Wow, para sa isang tamad na katulad mo, ang effort mo sa pagpunta rito ah," saad ko kaya siya naman ang napangiwi ngayon.

"I followed you so I can see the face of the one who defeated me."

"Dahil lang doon? Makukulong ka ng dahil lang sa maliit na rason na 'yan?" saad ko kaya nanlaki naman ang mata niya.

"Anong makukulong? Bakit ako makukulong? It's just a minor thing."

"No, it's not Lazio. Every crime starts on nothing, on small things until it gets bigger and bigger and then became something that no one can stop so don't you ever use that excuse, kesyo maliit na bagay. That's not the point here. The fact that you invaded my privacy is already called a crime, makulong ka man o hindi, you can't erase that fact. Never," saad ko na siyang ikinatigil niya.

Bigla siyang yumuko at maya maya pa ay nakarinig ako ng paghikbi. Kumunot ang noo ko dahil doon. Now, he's crying? Seriously?

"I-I'm sorry. I know what I did was wrong and that it's punishable by law but please NGine, I don't want to get imprisoned. I'm really sorry for invading your privacy. I'm really sorry, I will not do it again," saad niya pa kaya napabuntong hininga naman ako.

7 DEADLY SINSWhere stories live. Discover now