07 - A Teammate and A Taste Buddy

23 0 0
                                    


GUILA

"What chu doin'?" Napatingin ako kay Livius na nakatanghod dito sa kusina habang gumagawa ako ng subway sandwich.

"Isabella, is that you?" saad ko pa kaya natawa naman siya. "Kuha ko ba?" tanong niya pa pero nginisian ko lang siya.

Naglakad siya papuntang fridge at walang habas na kumuha doon ng canned juice. "Ano palang ginagawa mo rito sa pamamahay ko? Feel at home ka ah," suway ko pa sa kaniya kaya napangiwi naman siya.

"Nag-test drive ako ng bagong bili kong motor. Sakto namang malapit lang ako rito sa inyo kaya dumeretso na ako para makiinom, kaysa bumili pa ako, 'di ba?" dahilan niya pa kaya ako naman ang napangiwi ngayon.

"Wow, hindi ka nagdalawang isip bumili ng motor pero napakakuripot bumili ng inumin. Nasaan utak mo, boy?" kutya ko pa sa kaniya pero hindi niya iyon ininda.

"Wala namang libreng motor dito sa inyo eh. Mayroon ba? Kasi kung mayro'n, sana sinabi mo, edi hindi na sana ako bumili." Anak ng!

"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo na riyan tapos umalis ka na. Busy ako, ayoko ng asungot," saad ko pa kaya napanguso naman siya.

"Pagawa muna rin ako niyang sandwich na ginagawa mo tapos aalis na ako. Ginutom ako sa pagmamaneho eh," saad pa niya kaya tinitigan ko siya.

"Aba, kasalanan ko 'yun? Bahala ka riyan sa buhay mo. Galit galit tayo kapag dating sa pagkain. Kung gusto mo ng pagkain, labas ka tapos bumili ka. O 'di kaya naman ay umuwi ka na sa inyo at magpagawa ka sa nanay mo. Bakit dito ka ba nakikikain? Wala ka na bang pamilya ha?" Napanganga naman siya sa mga pinagsasasabi ko.

"Grabe ka. Ang dami mo nang sinabi. Parang nanghihingi lang eh. Napakadamot mo, syet ka. Makaalis na nga," saad pa nito sabay lapag ng basong hawak niya. "Ayaw mo talaga, Guila?" saad pa niya kaya pinakyu ko siya.

"Tch. Edi don't." Binelatan pa ako ng hinayupak bago siya naglakad palabas ng pintuan. Abnormal ah.

Napailing na lang ako sa inasal ni Livius. Bahala siya riyan. Tinapos ko na lang ang ginagawa kong sandwich at nagtimpla ng paborito kong juice bago ako tumungo sa sala upang manood ng pelikula. Ganito lang ang routine ko kapag weekends. Minsan naman ay tumatambay kami sa arcade kapag sinisipag pero madalas talaga ay may kaniya-kaniya kaming buhay kapag weekends.

Habang busy akong nanonood ay biglang tumunog ang telepono na nasa gilid ko. Sino naman kaya 'tong tumatawag?

Inabot ko iyon at nilagay iyon sa pagitan ng balikat at tenga ko. "Hello? Sino po sila?" tanong ko habang nasa palabas pa rin ang paningin ko.

[Hey, Guila. It's me, Blaze]

"Seriously, Blaze? Bakit sa telepono ka tumawag? Wala ka bang phone?"

[Wala eh. Naiwan ko sa bahay kaya payphone na lang ang ginamit ko]

"Oh, okey. Ba't ka naman napatawag?"

[Nakasalubong ko si coach kanina. Sabi niya may practice raw tayo ngayon]

"Huh? Akala ko ba bukas pa ang practice?"

[Oo nga, bukas talaga ang scheduled practice kaso may biglaang meeting na nangyari. Imbis na bukas ay ngayon na lang daw ang practice dahil may event silang pupuntahan bukas kaya tinawagan na kita. Babalik pa ako ng bahay para mag-ayos. Nasabihan ko na rin 'yung lima at sabi nila ay mag-aayos na rin daw sila]

"Gano'n ba? Sige, sige. Mag-aayos na rin ako. Hays, nanonood pa naman ako ng pelikula. Kaasar din 'tong si coach eh. Biglaan kung magdesisyon. Oh siya sige na, kahit mauna na kayo. Susunod na lang ako. Bibilisan ko na lang ang kilos ko."

7 DEADLY SINSWhere stories live. Discover now