KABANATA 24

36 5 0
                                    

"Kuya Neil!I want horror!" Sigaw ni Cassy kay Chester,Hindi muna umuwi si Cassy dahil tinatamad pa daw itong umuwi.Dito narin daw sya mag papagabi saktong dumating din kaninang hapon si Chester kaya mas lalong umingay ang condo ko.

Nasasayahan nga ako sa dalawang magkapatid na toh dahil sa kulit nila tuwing magkasama,Hindi rin magkasundo ang dalawang toh para akong nanay nila dahil agad silang mag susumbong pag hindi pumayag ang isa.Napapakibit balikat nalang ako dahil ayokong may kampihan sa kanilang dalawa.

Kagaya lang ngayon nag aaway sila dahil gusto ni Chester ang NBA si Cassy naman Horror,Hindi ko rin mapigilan ang tumawa dahil ang saya nilang kasama lalo na kung andito sina Jasmine at Astrid.

"Chester tikman mo toh.." Tawag ko kay Chester para hindi na nya magulo ang kapatid nya,Gusto ko lang ipatikim sakanya ang niluto kong chicken curry.

"Baby girl naman e!" Reklamo agad nya,Dahil makukuha nani Cassy ang remote.

"Thank you Ate Vien!" Masayang sambit ni Cassy.

Bago paman pumunta si Chester dito ay hinila muna nya ang hanggang balikat na buhok ni Cassy,At parang bata kung mag tago sa likod ko.

"Gago ka!Chester Neil!" Pikon na sambit ni Cassy.

"Ambad mo.." Sabay hampas ko kay Chester.

"Sorry na.." Sabay halik nya sa noo ko.

"Tikman mo nalang toh para kumain na tayo.." Agad naman syang humarap saakin at humigop ng sabaw.

Nakatingin lang ako sakanya habang tinitikman nya ang Chicken Curry ko iniintay ang sagot nya.

"Ano?" Tanong ko.

"Ang sarap Bham-Bham!Pwede kanang mag asawa.." Agad naman akong natawa dahil nagbiro pa.

"Oh sya mag handa kana ng pinggan,Ako na tatawag kay Cassy baka bago pa kayo makapunta dito may bungi na ang isa sainyo."

"Dapat dina yan pumunta dito.." Bulong nya,Agad ko naman syang tiningnan ng masama.

"Joke lang.." Bawi nya agad sa sinabi nya.

"Cassy..Tara na kain muna tayo bago kayo umalis ng Kuya mo." Agad naman syang tumayo at ipinulupot ang braso nya saakin.

"Iwan nalang si Kuya dito Ate Vien,Nakakasuka yung muka nyan e." Bulong na saad ni Cassy,Kaya agad akong natawa ng mahina.

"Oy anong binubulong-bulong mo jan Cassy?" Tanong ni Chester.

Hindi nalang sya pinansin ni Cassy at umupo nalang sa mesa nang makitang nakahanda na ang lahat ay agad na kaming kumain.

"Ang sarap Ate Vien!" Puri ni Cassy sa niluto ko.

Si Papa kase ang nagturo sakin kung pano magluto noong nabubuhay pa sya,Lagi akong nasa tabi nya pag magluluto sya kaya yung galaw at kilos nya ay nagagaya ko din.

"Baka girlfriend ko yan." Sabat ni Chester.

"Ate Vien,Bakit yan pa naging Boyfriend mo?Eh ang dami namang gwapo jan." Pataray na saad ni Cassy,Eto na naman sila.

"Tumahimik ka jan,Ikaw nga..yung Snatcher boy eh.." Ramdam ko ang pagsipa ni Cassy sa paa ni Chester kaya agad napaatras si Chester sa sakit.

"Subukan mong magsalita..Itong lamesa ang sunod kong ihahampas sayo." Banta ni Cassy,Pagkatapos nun ay agad tumahimik ang buong kusina mukang natakot si Chester.

Pa simple kong tiningnan si Chester na ngayon nakatingin din pala saakin,Kaya napailing nalang ako.At dapat masanay sa dalawang toh.

"Kailan mo balak ipakilala si Ate Vien kina Mom and Dad?" Basag ni Cassy sa katahimikan,Agad naman akong napatigil sa sinabi ni Cassy.

"Napag usapan na namin yan ni Vi..Gusto ko kompleto tayo..Sa boracay ang family reunion natin diba?At yung araw na yun ang uwi ni Pinsan kaya mas mabuting andun lahat..Para alam nila na may pumatol sa makulit nilang anak at pamangkin." Tumango-tango naman si Cassy.Mukang sang-ayon sa sinabi ni Chester.

Actually matagal nang gustong umamin ni Chester kaso hindi pa ako handa,Lalo na't natatakot ako na baka hindi nila ako magustuhan para sa anak nila..At baka malait ako na adik ang Nanay ko.Iba ang tingin ko sa mga tao dahil kay Mama feeling ko pag titingnan nila ako nandidiri sila saakin dahil may adik akong ina..Hindi mo alam na ang mga tao ngayon ay mapanghusga na.

Alam kong mabait ang pamilya ni Chester,Pero hindi koparin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito..Isa lang pumapasok sa isip ko at ito ay dahil kay Mama.

Nagising ako nang maaga para umalis,Hating gabi na nang umalis sina Cassy at Chester dahil nanood pa kami ng movie at nag kwentuhan narin.Bago pa sila umalis ay ang daming bilin ni Chester kaya pati si Cassy ay natawa narin dahil ang corny daw ng Kuya nya.

Matapos kong maligo at magbihis ay aalis na sana ako pero agad akong bumalik para kumain dahil ayokong magkasakit,Hindi na ako nagluto at inulam nalang yung tirang pagkain kagabi.

Matapos ang ilang minuto ko sa pagkain ay umalis na ako,Agad naman akong sinalubong ni Jasmine ng yakap.

"Kumain kana?" Tanong kaagad nya.

"Oum,At muntik ko nang makalimutan yun." Natatawa naman syang umiling,Pero agad ding naging seryoso ang muka nito nang bumaling saakin.

"Sigurado kana ba?" Nag aalalang tanong nya.

"Oum,Hindi naman ako magpapakita gusto ko lang tingnan kung okay lang sya sa loob.Kaso baka madala ako pagnakita ko sya gusto kong isisi sakanya lahat ng nangyayari saakin.Lahat ng ginawa nya,Gusto ko syang saktan pero may parte parin saakin na masakit.." Agad naman akong napatingala dahil sa nag babadya kong luha.

"Sshh it's okay..I'm here always."

Dahan-dahan akong tumingala at tiningnan ang nasa unahan namin ni Jasmine,Nasa tapat na kami ngayon ng Manila City Jail kung saan naroroon si Mama.Habang humahakbang kami palapit ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko,Kinakabahan akong makita si Mama baka sigawan nya ulit ako kung sakaling makita nya ako.

Agad hinawakan ni Jasmine ang kamay ko at malambot nyang pinisil yun nang tumigil ako dahil ang daming mga nakakulong,Ang iba ay nakangisi,Malungkot,Galit.Ibat-iba ang ekpresyon sa mga muka nila hanggang sa makita ko sya.

Agad kumirot ang puso ko dahil nakikita ko sya ng ganyan,Gusto ko syang lapitan at sabihin lahat ng ginawa nya..Yung pagpapahirap na ginawa nya saakin.Akmang haharap na sana  sya sa akin ay agad akong hinila ni Jasmine upang makapag tago dahil napako ako sa kinakatayuan ko ang bigat ng pakiramdam ko.

"C-czereena!A-anak ikaw ba yan?!" Sigaw ni Mama sa pangalan ko,Agad akong napatakip ng bibig dahil sa hikbi ko..

Ang Mama ko..Parang bumalik na ulit ang dati nyang katawan hindi na sya yung dating mapayat dahil sa mga bisyo nya,Bumabalik yung ganda ng Mama ko.Unti-unti ko nang nakikita ang dati kong Mama pero galit parin ako sakanya..

"C-czereena anak!P-patawarin mo si Mama." Agad akong tumayo para umalis na dahil umiiyak na ngayon si Mama,Gusto ko syang balikan pero alam kong hindi pa pwede.Ayoko pa at hindi pa tamang panahon para harapin ko sya.

"Vien.." Pagtawag saakin ni Jasmine,Agad akong humarap sakanya at niyakap sya ng mahigpit at hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol.

"M-miss kona si Mama..Mahal na mahal koparin sya kahit..kahit galit ako sakanya!Mimina..Ayokong makita syang andun ang sakit parin saakin..Ayoko paring makitang nahihirapan si Mama kahit ang daming beses nya akong pinahirapan." Umiiyak kong sambit.

"V-vien..H-hindi galit ang nararamdaman mo para sakanya kundi..Pagmamahal ng isang ina ang kailangan mo.Oo galit ka sakanya pero yang puso mo..hindi mo matuturuang magalit."

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon