09 - The Greedy Bastard

17 1 0
                                    


NEVE GWYN

Napatingin ako sa suot kong relo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Lazio. What's taking him so long?

"Neve! Nauna ka na pala, akala ko ako ang mauuna rito," bungad ni Lazio na naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Good day, Miss Neve," bati naman ng butler niya sa akin kaya nag-casual bow lang ako sa kaniya. Alam niyo 'yung bow ng mga korean? Parang gano'n pero hindi mababang bow. Bali, ulo ko lang ang nag-bow. Gets niyo ba? Basta gano'n.

"Hello rin po sa inyo, uhm," tinignan ko si Lazio kaya mukhang na-gets naman niya iyun.

"Just call him Butler Fin," saad niya kaya tumango ako.

"Hello po, Butler Fin," bati ko kaya nag-bow din siya sa akin. Hinarap ko ulit si Lazio na inosenteng nakatingin sa akin.

"You're 5 minutes late, Lazio. I don't tolerate tardiness even if we're just playing here in the arcade," sermon ko sa kaniya kaya nagulat naman siya.

"What? I'm just five minutes late? Ito na ang pinakamaagang dating ko sa buong buhay ko dahil ayokong paghintayin ka," dahilan pa niya pero tinignan ko lang siya.

"Ayoko ng late, Lazio. Kapag sinabi kong 3PM sharp, dapat nandito ka na ng 3PM. Not 3:01 at mas lalong hindi 3:05PM. Kung ang mga kaibigan mo ay ayos lang sa ginagawa mo, pwes hindi ako, naiintindihan mo ba ako? Ikaw ang may gusto nito at hindi ako kaya sana naman maging responsable tayo kahit kaunti, kasi kung hindi, kalimutan na natin 'to," saad ko ba kaya natigilan naman siya.

"What? No! Ayoko! Neve naman!" reklamo niya pa pero sa huli ay siya rin ang sumuko.

"Fine. This will be the last time na male-late ako. From the bottom of my heart, I promise that I will never be late. Cross my heart. Ayan ah, nag-promise na ako." Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Good. Tara na sa loob," aya ko kaya mukhang na-excite naman siya.

Pagpasok namin sa loob ay dumeretso agad ako ng counter para magpa-load sa arcade card ko. Hindi na uso ang tokens kaya puro card na lang ang ginagamit ko. De-swipe na kasi ang mga laro rito. Nagpa-load din si Lazio sa sarili niyang card bago siya excited na tumakbo papunta sa mga game machines. Napailing na lang ako sa inasal niya. Jeez.

Pagkatapos kong makuha ang card ko ay sumunod na ako sa kanila kaso natigilan ako nang may mapansin ako sa 'di kalayuan. Is that Avarice?

Nakaupo ito sa harap ng crane machine at busy-ing busy siya sa pagkuha ng stuff toy sa loob. Nagkibit balikat na lang ako at pinabayaan na lang siya. Dumeretso na lang ako sa pwesto nila Lazio.

Mukhang enjoy na enjoy naman siya at hindi na niya ako nagawang paghintayin. Hay naku, 'tong batang 'to.

Naupo na lang ako sa katabi niyang game machine at doon ko ini-swipe ang card ko. Pabayaan na natin siyang mag-enjoy dahil mage-enjoy din ako sa sarili ko. Hehe.

After a few hours spending our time in this arcade, napagpasyahan na naming magpahinga. "We should eat at a fast food chain before heading out the mall. Bigla akong ginutom eh. Is that okey with you, Neve?" saad ni Lazio kaya tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Palabas na kami ng arcade nang mahagip uli ng paningin ko ang pwesto ni Avarice kanina at napakunot ng bahagya ang noo ko nang makitang nandoon pa rin siya hanggang ngayon. Halos maga-apat na oras na siyang nakaupo riyan. Hindi pa siya nawawalan ng pag-asa? Gano'n niya siguro kagusto 'yung stuff toy para ubusin niya ang apat na oras sa iisang machine lang. Ang tibay ng pasensya niya ah. In fairness.

"Hey, Neve, what are looking at?" biglang tanong ni Lazio kaya napalingon ako sa kaniya samantalang siya naman ay napatingin sa tinitignan ko kanina.

"Wait, is that Rhys? Yo, Rhys! What are you doing here?" malakas na saad ni Lazio na naging dahilan upang matigilan 'yung isang naglalaro at mapalingon sa gawi namin.

7 DEADLY SINSWhere stories live. Discover now