PROLOGUE

284 11 0
                                    

***

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains, trigger warnings, sensitive content, mature themes, and strong languages that are not suitable for young audiences.

***

Nagising ako sa init ng araw na pilit kumakawala sa harang na kurtina ng aking bintana sa condo. Mainit sa balat ngunit masarap sa pakiramdam.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at itinali ang buhok ko. May pasok pa nga pala ako ngayon sa trabaho.

Ang layo ng binabyahe ko kaya naman nagmadali na akong maligo at magbihis ng uniform ko sa airlines na pinapasukan ko. Hindi na ako nakapag breakfast kaya naman gumawa na lang ako ng iced coffee.

Nang matapos ako magtimpla ng iced coffee ay naglagay lang ako ng make up at sinuot na ang neckties ko. Kinuha ko na ang maleta ko and my iced coffee with my car keys at lumabas na ng condo ko. Habang naglalakad sa hallway iniisip ko pa kung may naiwan ba ako. Pero tingin ko naman wala.

Nang makababa na ay sumakay na ako kaagad sa kotse ko at pinaandar yun hanggang makarating ng airport. Naghanap ako ng maayos na parking space at bumaba na rin kaagad. Naglakad na ako papasok ng airport at nakisabay sa mga katrabaho ko papunta sa safety briefing area.

"Good morning. Are we complete?" panimula ng piloto namin.

"Yes sir." sagot naman namin. Nagsimula na magsafety briefing at ilang minuto lang ang hinintay namin ay sumakay na kami sa bus na maghahatid sa amin sa eroplano na sasakyan namin.

"We are bound to Cebu. Sana may artista tayong makita. Right Xena?" sabi ng kasamahan kong si Dianne.

"Sana mabait, kung meron man. Hehe" sagot ko naman at nag isip nanaman kami ng makakasakay naming well known person. Para after work makapag papicture kami.

Pumasok na ang Senior namin at tumingin sa gawi namin sa galley.
"Who can announce? Xena you want to try?" tanong ng Senior namin at tumingin pa sa mata ko. Abot langit ang kaba ko dahil ngayon ko lang 'to maeexperience sa buong pagttrabaho ko sa airlines na' to.

"Sure mam. I want to." agad na sagot ko. Aba pangarap ko 'to. Alangan namang diko pa igrab hindi ba? Hahahaha. Tumango ang Senior namin at tinapik naman ng mga katrabaho ko ang balikat ko with their big and proud smile towards me.

Naglakad na ako papunta sa announcement telephone at huminga muna ng malalim.
"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 4A5 with service from Manila to Cebu. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your
seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Luxxe Airlines. Enjoy your flight."

Naghintay lang ako ng ilang minuto at nagsalita na ang piloto namin.
"Cabin crew, please take your seats for take-off."
Umupo muna ako at inayos ko ang seatbelt ko.

TORN AFFECTION: Sandro Marcos (ONGOING)Where stories live. Discover now