01: The Day You Said Goodnight

275 3 0
                                    

Someone told me, don't judge the book by it's cover. Maybe you already did expect a tragic story based on it's title, but would this really be?

"Bili lang ako sigarilyo sa labas" napatingin ako sa likod ng asawa ko na palabas ng bahay namin. Naghintay ako ng ilang sandali at agad ding lumabas para sundan siya

Papunta siya sa direksyon ng pinakamalapit na tindahan sa amin na agad kong ikinangiti. Baka mantsa nga lang ang nakita ko sa damit niya kagabi, hindi niya naman ako lolokohin diba?

Tahimik akong naglakad sa direksyon niya para sana sorpresahin siya at yakapin ng mahigpit dahil hindi niya ako binigo, hindi niya sinira ang tiwala ko. Hindi naman diba?

Malayo palang ay agad akong napatigil nang may lumabas na babae sa tindahan at yakapin siya habang hinahatak siya papasok sa loob ng tindahan. Mariin akong napatitig sa mga yapos niya sa asawa ko habang isinisiksik ang sarili

Hindi naman diba? Mahal niya ako, diba? Hindi niya ako magagawang lokohin. Hindi.

Napatitig ako sa nakasarang pinto ng tindahan habang pinakikinggan ang mahihinang ungol nilang dalawa, maging ang pinto ay kumakalampag.

Hindi naba siya makapaghintay at sa pinto pa mismo nila 'yan ginawa? Sabik na sabik ba silang dalawa sa isa't isa?

This wouldn't gonna be a tragic story, I'm not gonna let this to have a sad ending.

Napalunok ako at nanghihinang pumunta sa harap ng tindahan at kumatok, pilit kong pinipigilan ang mga luha ko sa pagtulo habang iniisip ang kababuyang ginagawa nilang dalawa "Carla? Pabili"

Agad ay tumigil ang mahihinang ungol na nadidinig ko maging ang kalampag ng pintuan na pinasukan ng aking asawa kanina lang "Odette? Ano iyon?"

Ngumiti siya sa akin habang inaayos ang damit na sigurado akong dapat nang nakahubad ngayon kung hindi ako kumatok "Pabili sigarilyo"

Ngumiti siya sa akin at agad na inabot ang sigarilyo sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at agad bumalik sa bahay namin ng asawa ko

Hindi naman nagtagal ay agad din siyang sumunod. Ano, naputol ba ang masarap niyong eksena kanina at bumalik ka agad?

Napailing nalang ako sa sarili ko at agad lumapit sakanya para siilin siya ng agresibo kong mga halik. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero agad ding tumugon dahil siguro sa naputol niyang sarap kanina sa kabit niya.

Mas lalo kong idiniin ang pagkakahalik sa naalala at itinulak siya sa pintuan habang unti-unti naming hinuhubaran ang isa't isa

Lumapit ako sa leeg niya para doon siya siilin habang tinitignan ang labas ng bahay namin. Tama nga ako, andoon siya at nakatulala sa kumakalampag naming pintuan dahil sa ginagawa naming kababalaghan

Anong pakiramdam?

Unti-unti nga ay nakita niya din ang mukha kong nakasilip sakanya na agad niyang ikinagulat, nginitian kolang siya at tinugunan ng kindat kasabay ng pagsara ko sa bintana namin

"Odette.." yapos sa akin ng asawa ko habang nakahiga kami sa kama ng kwarto namin. Binigyan kolang siya ng halik bilang sagot sa pagtawag niya na ikinangiti niya naman at mas yinapos ang katawan ko "I love you."

Hindi ko siya sinagot at ipinikit ang mga mata, unti-unti nanamang pumasok sa isip ko ang mga kahalayang nasaksihan ko sakanilang dalawa

"Goodnight-I love you ulit"

"Odette, 'yung tungkol sa amin ng asawa mo-"

Hindi pa siya nakakatapos sa pagsasalita ay agad ko siyang hinagisan ng kutsilyo na sumakto naman sa noo niya, dahilan ng pagkamatay niya.

Agad kong kinuha ang katawan niya at dinala sa bahay ko, bahay namin ng asawa ko. Pagdating ko nga sa bakuran namin ay agad ko siyang isinako at inihulog sa tapos nang hukay para sa balon na dapat naming ipapatayo doon

Kasunod kong kinuha ang katawan ng asawa kong mahimbing na natutulog, binigyan ko siya ng gamot pampatulog at sigurado akong hindi pa siya nagigising ay naubusan na siya ng hininga

Isinako ko din siya at kasamang inihulog sa hukay tsaka ko tinapalan nang lupa na sobrang taas, sa tingin ko sa ibang parte nalang ako ng bakuran magpapatayo ng balon dahil magiging habambuhay niyo nang higaan ang parteng ito.

Sabay kayong matulog pang-habambuhay, ngayon magkasama na kayo at walang pipigil sa kataksilan niyong dalawa.

[ this story is posted on my previous writer account on facebook, nakalimutan ko password non kaya i-pupublish ko nalang here. ]

One Shots Collection.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon