sa bawat hakbang ko, malamig na hangin ang sumasalubong sa aking katawan. kawalang walang katapusan, hanggang kailan ko kailangan maglakbay?
mundo kung saan walang araw at gabi, nasa pagitan ng orasan at nakalimutan na ng mundo
bakit nga ba ako nandito? para saan ang paglalakbay na ito? mararating ko kaya ang dulo ng bawat panahon at makakabalik sa dati kong buhay?
gusto ko ulit siyang makita..
napatingin nalang ako sa kalangitan kung saan wala ding hangganan ang kawalan, wala akong makita kundi puro kadiliman
napaluhod nalang ako at naisip ang mga panahong magkasama pa kaming dalawa, ang ngiti niyang lagi akong napapasaya tila ba panaginip na hindi kona mababalikan kailan pa
unti-unting pumatak ang mga luha sa aking pisnge ng maalala ang maputla at nanlalamig niyang katawan, ang dugong dumadaloy sa espadang hawak hawak ko na nakatarak sa dibdib niya.. pinatay ko siya.
eto ang kabayaran, sa kasalanan ginawa ko sakanya, ang buhay na ninakaw ko para sa pansariling kapakanan
binigo ko siya, sinira ko na ang buhay niya.
"mahal na mahal kita.." muling sumagi sa utak ko ang mga salitang binitiwan niya sa huling pagkakataon, ang hinagpis sa boses niya habang nakatingin sa mga mata ko
nagpaulit ulit sa akin ang mga ala-ala ng kanyang bawat litanya
"handa akong mamatay para sa iyo"
"kahit anong mangyari, mananatili ako sa tabi mo"
"alam kong hindi ka gagawa ng maling desisyon"
"may tiwala ako sayo, mahal"tuluyan na nga akong nanghina at unti-unting pinikit ang mga mata. siguro nga ito ang kabayaran..
sa unti-unti kong pagmulat ng mata, nakakasilaw na kadiliman ang bumungad sa aking paningin. matitinis na sigawan ang aking naririnig, ang mga boses na puno ng pagsisisi
maya-maya ay pulang mga apoy ang bumungad sa akin sa pinakatuktok ng bangin, narinig ko ang pamilyar na boses na aking kay tagal hinihintay
"magkasama na tayo, mahal"
[ this story is posted on my previous writer account on facebook, nakalimutan ko password non kaya i-pupublish ko nalang here. one of my favorites din! ]
BINABASA MO ANG
One Shots Collection.
Historia Cortacaution: twisted and contorted stories that might distort your mental well-being will be encountered. visit @PJhadeeeeeee_ for more interesting works!