Seis

1 0 0
                                    

Protect

"I never expect that you will go this far for Tita, Viene." Seryosong saad ni Veronica kay Viviene na kasalukuyang inaayusan dahil ngayong araw din ang kasal niya.

"You know that I can go far from this, I can even kill myself for her." Seryoso ding sagot ni Viviene.

"Well, Goodluck to you. Me and kuya are just one call away." Nag-aalala man at kinakabahan si Veronica para sa pinsan ay sinuportahan nalang niya ito, dahil alam naman niyang walang makakapigil kay Viviene at alam din niyang deserve nito ang kung ano mang pinaglalaban niya.

"I know. Thanks to the both of you." Sinsirong sagot ni Viviene at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kanyang pinsan na ngumiti naman sa kanya.

"Always welcome. By the way, really Viene? Pati ba naman ang theme ng kasal mo color black? Mukha kang palaging naglalamay, though your gown is so maganda. I really love it." Napangiti lang si Viviene sa sinabi ng pinsan at matapos siyang make up-an ay tumayo siya at pinag masdan ang kabuuang itsura niya. Napaka ganda nga ng gown na napili niya, nahahati ito sa itim at puting kulay sobrang haba ng gown na suot niya. Meron din siyang silver na korona at silver na heels na five inches at naka messy bun ang kanyang buhok.

Nang ayos na ayos na siya ay pumunta na sila ni Veronica sa simbahan na pagkakasalan sa kanya, marami ng bisita at sa loob-loob ni Viviene ay tuwang-tuwa siya dahil nasunod lahat ng gusto niya para sa kasal niya.

Pagkatapos ng kasal ni Viviene at Damian ay dumiretso na ang mga bisita sa resort kung saan  gaganapin ang kanilang reception. Nakaalis na ang lahat ng bisita at si Viviene at Damian nalang ang naiwan kasama ang mga guard nila, ng makalabas sila sa simbahan ay inaalalayan ni Damian si Viviene pababa hanggang makalapit sila sa limousin na pag-aari ni Damian.

"Ang sakit na ng mga paa ko." Reklamo ni Viviene.

"Sino ba kasing nag sabi na magsuot ka ng five inches na heels? Do you want to take it off?" Iniluhod ni Damian ang isang tuhod niya at inilagay niya ang isang kamay ni Viviene sa balikta niya tyaka niya inumpisahan na tanggalin ang heels ng asawa niya. Kitang-kita na ang pamumula ng mga paa nito kaya napa iling-iling nalang siya.

Matapos niyang tanggalin ang dalawang heels nito at patayo na sana siya ng biglang may nagpaulan ng bala sa kanila at napansin niyang lahat iyon ay patungo lang kay Viviene. Hinila niya agad ang kamay ng asawa upang mapaupo din ito, niyakap niya ito ng mahigpit na parang hinaharangan, ang mga gwardya niya ay nagsi harang sa magkabila nilang gilid dahil doon nang gagaling ang mga taong nagpapaputok.

Alam niyang magagaling ang tauhan niya kaya ng may nakalusot na isang bala at muntik ng tamaan si Viviene ay biglang nag-alab ang galit sa kanya.

"Protect my Wife properly idiots!" Sigaw ni Damian at tyaka tumayo at inilabas ang sarili niyang baril at pinatamaan ang isang lalaki na dapat ay babaril ulit sa direksyon nila. Tinamaan ito sa ulo at humandusay sa sahig.

Sa kabilang banda naman ay nakatulala lang si Viviene habang nakaupo sa sahig at naririnig ang mga putok ng baril.

"It... It happens to me before, yeah this... This is something like that." Bulong-bulong niya habang nanginginig na inaalala ang nangyari sa kanyang nakaraan matapos niyang mapatay ang kabit ng ama.

"Viene, hindi ka ba sasabay saamin umuwi?" Tanong ni Veronica sa pinsan na si Viviene na umiling sa kanya bago sumagot.

"May practice ako sa judo, mauna na kayong magkapatid."

"Okay, ingat ka ah." Tumango lang si Viviene at tyaka dumiretso sa locker niya at nagpalit na ng uniporme nila sa judo.

Dalawang oras ang practice nila kaya ng pauwi na siya ay alasais na ng gabi. Naglakad siya palabas ng school at balak pa sanang kumain sa karenderya na nasa likod ng eskwelahan nila nang maramdaman na parang may sumusunod sa kanya kaya lumiko nalang siya sa ibang eskinita at mas binilisan ang paglalakad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Queen series 2: Dangerous RevengeWhere stories live. Discover now