Hes back

54 1 2
                                    

Hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi yun tawag. Tinitigan ko lang yun screen hanggang maging missed call ito. Nag ring ulit. 4 beses naging missed call yun tawag niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko mapaliwanag pero lahat ng feelings ko kay Macky bumalik. Pero kasabay nun bumalik din lahat ng pain. What took him so long to contact me? 5 months? Anong nangyari? Nakatulala lang ako nung biglang nagsalita si CeeBee sa likod ko.

CeeBee : San ka galing? Bakit di ka pa tulog?

Nagulat ako. I hid my phone behind my back tapos dali dali akong lumapit sa kanya.

KeyCee : W-wala. Uminom lang ako ng hot choco. Sinikmura kasi ako. Tara na tulog na tayo. Antok na ako e.

Tapos nauna na ako pumasok sa kuwarto. Nag tulog tulugan ako. Pinikit ko yun mata ko. Pero I made sure na naka silent na yun phone ko. Tinago ko din to sa ilalim ng unan ko. Maya maya naramdaman ko yun pag galaw ng kama. Humiga na ulit sa tabi ko si CeeBee. Tapos yumakap siya sa akin. Hindi na ako kumilos. Maya maya pa tinalo na din ako ng antok. Hapon na nung magising ako. Wala si CeeBee sa tabi ko. Kinapa ko yun cellphone ko sa ilalim ng kama. Andun pa din. Kinuha ko yun at lumabas ng kuwarto. Wala si CeeBee. Lumapit ako sa pintuan ng fridge para uminom ng tubig. I saw a note.

"Hey baby. Di na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo. Mag gym lang kami nila Kross at Cholo. Nag pa deliver ako ng chinese food. Initin mo na lang. Be back by 8pm. I love you."

Para naman akong nakahinga ng maluwag. Nag toothbrush at nag hilamos ako. Nag pony ako ng buhok then chineck ko kung ano yun food. Fried rice with dumplings tsaka noodles. Ininit ko sa microwave yun food. Kumuha din ako ng juice sa fridge. Sa sala na ako kumain. I checked my phone again. 100 missed calls. 50 text messages. Halos ma lowbat na yun phone ko. Wow. Lahat galing kay Macky. Inisa isa ko yun messages niya. Gusto daw niyang magusap kami. Lahat ng texts niya nagmamakaawa. Pinakiramdaman ko yun sarili ko. Gusto ko ba siyang makita? Bigla ulit nag ring yun phone ko. Si Macky ulit. I decided to answer the call.

Macky : Asan ka?

KeyCee : Bakit ka napatawag?

Pina cold ko yun boses ko.

Macky : I missed you. Can we meet?

KeyCee : Nagpapatawa ka ba Macky? Its been what? 5 months? Tapos ngayon ka makikipag kita?

Macky : I know antagal before ako nagparamdam. But let me explain. Nagkasakit ako Boss. Hanggang ngayon may sakit ako. I need you.

Bigla akong nag alala. May history kasi ng sakit sa baga si Macky. Pero matigas ang ulo at nag yoyosi pa din. Pero hindi ako pwedeng lumambot. Hindi na tama to. May boyfriend na ako.

KeyCee : Well youre 5 months too late Macky. Sorry pero ayoko makipag kita sayo.

Macky : Alam ko naman na may bago ka na. I saw it in the needs. I read it in the papers. Pero isa lang hinihingi ko Boss. For old times sake. Lets meet. Gusto ko lang magpaliwanag.

He sounded so desperate. At hindi ko man gusto lumambot ang puso ko.

KeyCee : May pasok ako sa work ng Tuesday. Magkita tayo sa Starbucks sa likod ng office ng 3am. Yun lang kaya kong i-spare na oras sa iyo. Take it or leave it.

Macky : Thank you Boss. See you on Tuesday. I cant wait to see you again.

KeyCee : Well dont get your hopes up. Makikipag kita lang ako para marinig yun explanation mo. After nun tapos na.

Macky : Ang cold mo naman sa akin.

Tapos lumungkot na yun boses niya.

KeyCee : I-i got to go. Bye.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Ex- Boyfriend kong Artista (A short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon