MAHIGIT thirty minutes na hinintay ni Darlene ang nobyong si Blake sa airport. Papunta na raw kasi ito.
Nang mabasa niya ang mensahe nito na nasa labas na ito ay nakaramdam siya nang tuwa. Tumayo siya kapagkuwan, at hinila ang maleta. Sasalubungin na lang niya ito.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang matanaw na nga niya ito. Hindi na siya nakatiis at niyakap niya ito nang mahigpit pagkuwa'y hinalikan sa labi.
Hindi niya maiwasang mapakunot-noo nang bigla nitong tinapos kaagad ang halik niya.
Dati-rati naman, hindi. Marahil, pagod si Blake. Galing pa kasi ito ng opisina nito.
Mayamaya ay iginiya siya nito papunta sa sasakyan nito.
"Sa bahay tayo magdi-dinner, hon. Nagluto si Mama." Ipinagbukas siya nito ng pintuan ng sasakyan nito.
"Talaga? Gusto ko 'yan! Nakaka-miss din ang mga luto ni Tita, hon," malambing na sabi niya sa nobyo.
"Yeah. Me too. Ang tagal ko ba naman sa Italy." Ngumiti ito sa kan'ya bago isinara ang dahon ng pintuan ng sasakyan nito.
Sinundan niya ng tingin nobyo. Pakiramdam niya may nagbago sa dito.
Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ni Blake. Isang tanong at isang sagot lang ito sa kan'ya habang nagmamaneho pauwi ng bahay ng mga ito. Napangiti siya nang mapakla. Itinuon na lang din niya ang paningin sa labas.
Nakaka-miss din pala ang Pilipinas kahit na papaano.
Tutal hindi naman gaano nagsasalita ang nobyo. Ipinikit niya ang mga mata at nagkunwari'y siyang tulog.
Napakuyom siya ng ngipin nang bumalik sa balintataw niya ang nangyari sa kan'ya sa Italya. 'Yon ang pinaka-rason niya kung bakit umuwi siya ng Pilipinas at tinanggihan na lang offer sa kan'ya sa US.
Gusto na niyang i-advance ang isip. Ang laki ng posibilidad na mabubuntis siya. Ayaw niyang mapahiya sa gitna ng training kaya hindi na niya itinuloy.
Paano kung sinadya pala iyon para hindi na siya matuloy sa US? Ang daming nai-inggit sa naabot niya. Iniisip niya din ang posibilidad na may kinalaman ang ibang kasamahan niya sa agency. Pero wala siyang matibay na ebidensya.
Kung hindi lang siya palaban, baka matagal na siyang wala sa agency. Pero nanghihina siya kapag naiisip na sinamantala siya ng mga ito. Hinanapan talaga siya ng butas para hindi matuloy sa US.
Hindi niya namalayan na hinayon siya ng sarili na makatulog. Nagising na lang siya sa sunod-sunod na tapik. Si Blake iyon.
Inilinga niya ang paningin, nasa mansion na sila ng mga Hernandez. Napangiti siya nang makita ang ama at ina ng nobyo na papalabas. Wala pa rin talagang pinagbago ang mag-asawa. Ramdam pa rin niyang welcome siya sa bahay ng mga ito.
Nakaramdam siya nang tawag ng kalikasan kaya pinapasok siya kaagad ni Blake Kent sa k'warto nito. Doon siya umihi. Pero hindi niya maiwasang matigilan nang makarinig nang may tumutugtog. Hanggang sa paglabas niya ng banyo ng silid ng nobyo ay dinig niya ang tunog ng piano.
Napakunot siya ng noo nang mapansin si Blake sa pintuan ng silid na iyon, kung saan naroon ang tumutugtog.
Dala nang kuryosidad, nakisilip siya. Naroon rin pala ang mag-asawa. Binalikan niya ang mukha ni Blake na titig na titig sa babaeng nasa harap ng instrumento. Hindi nito napansin na nasa tabi na siya nito.
Mayamaya ay huminto ang babae sa pagtipa ng piano, at hinarap ang mag-asawa. Doon lang siya napansin ng nobyo. Nagulat pa ito nang tumingin sa kan'ya. Sumandal pa ito sa pader at ngumiti sa kan'ya kapagkuwan. Nginitian na lang din niya ito pero mapakla.
BINABASA MO ANG
Dark Secret Series: Multibillionaire Obsession
Romantizm--WARNING! Not suitable for young readers(R-18)--- Blurb: Love at first. 'Yon ang unang naramdaman ni Jaylord Del Franco sa batang babae na siyam na taong gulang. Daisy-siyete lang siya ng una niyang makilala si Darlene Dixon. Kahit siya hindi niya...