"I love you, Rano. "
I never thought na ganito ang nararamdaman niya. Ng bestfriend ko.
Danie is my childhood girl
bestfriend. Tatlo kaming magkakaibigan. Me, Danie and Ruxel.Lagi kaming magkakasama mula no'ng mga bata pa.
Sila ang lagi kong kasama sa kalokohan. Especially, Danie.
She's like a sister to me.
And I'm like the evil yet protective brother.
Lagi kaming nag-aasaran. Inaaway ko siya at laging inaasar na pikunin noon pa man, well, totoo naman.
Danie is the kind of girl na hindi papatalo.
Lagi siyang may pang-balik-asar sa'kin noon.
It's either, words or a slap, punch or pinch. Lagi akong bugbog sarado sakanya pag napipikon siya.
Pero hindi ako gumaganti ng pisikalan sakanya. I don't want to hurt her. Ayokong may nananakit sakanya.
I remember back then when we we're in 7th grade.
May nang harass sakanya no'n.
I'm in the middle of the basketball league that time when I saw the bunch of guys crowding the corner.
She's just a small girl that can't protect herself from those guys.
Noong una ay hindi ko alam na siya 'yun.
Pero noong nakita ko 'yung headband na binigay ko sakanya ay tumakbo agad ako para puntahan siya.
I immediately wiped away the guys.
Nung mawala na sila ay 'tsaka ko nilapitan si Danie.
Umiiyak na siya that time. She's trembling in fear. I embraced her and caressed her hair.
"sshhhh.. I'm here. You're safe now."
I don't want anyone hurt her. Kaya noong nalaman ko kung sino ang mga lalaking 'yun ay pina-expel ko sila.
My wish granted dahil lolo ko ang may-ari ng school.
Simula no'n ay hindi na ako umalis sa tabi ni Danie. I always walk with her.
Hatid sundo ang ginagawa ko sakanya. Ayaw kong maulit 'yun.
Years had pass no'ng may nagtangkang manligaw sakanya.
Inalam ko agad ang pagkakakilanlan ng lalaking 'yun. Dahil gusto kong mapunta siya sa tamang tao.
Pero may nalaman akong hindi maganda. That guy and his friends are just playing a bet over Danie.
Noong nalaman ko 'yun ay sinugod kong mag-isa yung grupo nila.
Pinabantay ko muna si Danie kay Ruxel dahil siya lang mapagkakatiwalaan ko dito.
Nang makarating ako sa likod ng school ay sinuntok ko agad 'yung manliligaw kuno niya.
Nagulat sila sa biglaang pagsulpot ko pero naka-atake agad ang mga bata niya.
Lima lang sila kaya napatumba ko agad. Iniwan ko sila doon na mga sugatan at duguan.
Dumeretso ako sa office ng lolo ko para ipa-expel sila. Again, It was granted.
Walang kaalam-alam si Danie kung anong nangyari sa manliligaw niya at biglang nawala.
Sinabi ko na lang na hindi nya Deserve 'yun.
Danie is a good girl. She's a mess, yet kind. She doesn't hurt anybody, except me. She's a giving person.
Lagi niyang inuuna ang iba bago ang sarili niya. Hanggang sa naubos na siya.
YOU ARE READING
I Love You, Too. But, It's Too Late
Short StoryA one shot. About loving a friend. and Admiting it late.