9 (Open forum)

225 15 0
                                    


JEROME:

Minsan kailangan mong magpakatotoo para mas madaling malaman ng taong mahal mo kung gaano mo siya kamahal at kung gaano siya kahalaga sayo.

Napatahimik siya sa tinanong ni Ma'am, actually lahat kami hinihintay ang sagot niya. Kung ano man ang sagot, gusto kong maging handa. Okay na saakin yung alam kong masaya siya.

"Ayokong mag salita ng patapos, dahil po na naniniwala akong kapag kayo, kahit ano pabg hadlang at kahit ano pang dumating kayo pa din ang pagtatagpuin." sagot habang nakangiti. "As of now I want to be with someone I love." dagdag pa niya.

PAgkatapos ng asarang iyon ay nabalot na kami ng katahimikan dahil narin sa pagod kaya naman nakatulog na sila. Pero ako, nakatitig nanaman sakanya, sana akin ka nalang ulit. Hindi ko masasabing hindi kana iiyak pero, ipinapangako kong sa oras ng pag iyak mo ay naroon ako. Bakit ba kailangang maging magkaaway pa ang pamilya natin bakit kailangang maging komplikado ang pagmamahalan natin.

After 3hours:

Kakarating lang naman at 9 o'clock in the evening na, napadesisyonan naming mag bonfire para sa open forum naming mga mag kaklase, hindi kasama ang mga faculty teachers. Kaya ito kami ngayon kapabilog, sayang nga lang at hindi ko siya katabi pero kaharap ko naman siya kaya AYOS pa din.

Nagsimula na ang open forum, sa furom na ito ay sasabihin namin o ikukuwento namin kong ano ang pinakamasakit na naranasan o napagdaanan namin. At ano ang naging dahilan para malagpasan namin ito.

"Ikaw na Jerome" paliwanag ni Lester na kakatapos lang mag kwento.

"Isa sa pinakamasakit na naranasan ko sa buong buhay ko ay ang isuko ang isang babaeng sobra sobra kong mahal" hindi ko maiwasang hindi mapatingin sakanya habang nag kwekwento. "Siguro nung mga panahong yun ay handa akong ipaglaban siya, pero hindi ko magawa dahil ayoko siyang saktan. Pero at the same time nasaktan ko pa din siya. Siya kasi yung tipo ng babaeng karapatdapat ipaglaban, isang babaeng malakas. Isang desisyon ang nakasakit sakanya, isang desisyong naging dahilan para magbago ang lahat. Maling hindi ko nasabi sakanya ang tunay na dahilan, pero mali ring saakin na mismo mang galing. Kong alam niya lang kong gaano ko siya kamahal at kung gaano ako kawilling na ipaglaban na siya ulit. I really love her."

Madami pa akong gustong sabihin pero ayoko sa harapan ng madaming tao. Gusto kong sabihin ang mga yun sa tamang panahon at pagkakatong kasama ko siya.

Madami pang nagkwento hanggang sa siya na ang sumunod. Napaisip ako, kung anong ikukuwento niya.

"Ang pinakamasakit na naranasan ko sa buhay ko ay ang maiwan at magbago." paguumpisa anong ibig niyang sabihin. "First, lumaki akong palaging wala si Mommy at Daddy at kung nandyan man sila ay madalang lang. Lagi nila akong iniiwan sa Yaya ko, pero I dont blame them kasi I know, na kaya nila ginagawa yun para saakin din naman. When I was in Elementary I met this guy, his name is Alexander Zayn, he become my bestfriend. Until one day nawala nalang siya agad. On that moment mag isa naman ako buti nga nandiyan si Ella eh. When I graduated in Elementary ipinangako ko na hinding hindi na ako maiiwan ulit, but someone came into may life and he was the reason why I believed in Fairy tale. Naniwala akong hindi niya ako iiwan, pero mali ako. Dahil iniwan niya din ako without any reasons." napatingin naman siya saakin, dama ko ang guilt na nararamdaman. "Sa lahat ng pang iiwan saakin yun ang pinaka masakit, dahil dun ko naramdaman ang tunay na pain. Yung parang sa sobrang sakit parang gusto mo nalang mamatay. Pero sabi nga nila kailangan mo paring ipagpatuloy ang buhay mo, kong may nawala man may darating naman daw. Nagbago ako, pero hindi ko inisip ang pagbabagong yun ay dahilan para maramdaman ko ulit yung sakit. Nagbago ako pero hindi ko inakalang, dadalhin din ako ng pagbabahong yun sa isang sitwasyong kailangan kong marealize na maling magbago ako lalo na't alam mong hindi pa dapat. Oo, masakit maiwan at magbago at yun ang pinakamasakit sa lahat ang iwan ka at magbago ka."

Pagkatapos niyang sabihin yun at bigla nalang siya tumakbo, agad din naman siyang sinundan nila Franz at Ella. Alam kong ako ang dahilan, hindi ko inakalang sobra sobra ko parin pala siya nasasaktan.

Kung pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na pinaramdam ko sakanya. Para sana hindi ko siya nakikitang nasasaktan.

Jane:

Pagkatapos ikwento doon kong gaano ako nasaktan ay bigla nalang akong tumakbo. Hindi ko alam pero, akala ko madali lang maging okay pero ang hirap pala lalo na kung sobra sakit parin hanggang ngayon.

Alam kong sinundan ako nila Ella, at sa may dalampasigan nalang ako napatigil.

"Okay ka lang ba Couz" tanong ni Ella pagkalapit niya saakin.

"Alam mo Jane dapat hindi muna lang ikinuwento doon." dagdag pa ni Franz.

Sa isang sandali ay pinilit kong ipikit ang aking mga mata at humanga ng malalim.

"May mga bagay pala na akala mo okay na, pero hindi pa rin pala. Akala ko okay lang na madalian, akala ko okay lang magpanggap. Pero nakakasakit pa rin pala."

"Alam mo Couz, hindi mo naman kailangang madaliin ang lahat, kung alam mong hindi mo pa kaya sabihin mo. Hindi maling ayawan ang isang bagay at mas lalong hindi mali ang masaktan." paliwanag ni Ella saka niyakap ako ng napakahigpit.

"Oo nga! Hindi porket mahal mo siya kailangang, ipakita mo sakanya na okay ka na. Sinaktan ka pa rin niya at hindi naman ganun kadali lahat ng bagay. " paliwanag din ni Franz.

Pagkatapos ng aming pag uusap ay bumalik na rin kami sa assign tent namin, buti nalang at kasama ko ang dalawang ito.

Habang nakahiga ako hindi maiwasang hindi mapaisip, tama bang minadali ko ang lahat? Tama bang pinakakita ko kaagad sakanya na ganun kadali? Oo, pwede, siguro dahil kahit sobra niya akong nasasaktan, sobra sobra ko pa rin siyang mahal.

Ganun nga siguro ang totoong depinasyon ng Love, wala kang hinihingi dahil ikaw dapat ang magpagay at yun ay ang lahat.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit tanggalin sa puso ko ang galit.

Kinaumagahan:

Kung tutuusina wala akong tulog, dahil sa bawat pag pikit ko ng aking mata siya ang nakikita ko. Ang mukha niya, tama sila ang hirap tanggalin sa puso at isipan ang taong may malaking parte dito.

Tulog pa si Ella at Franz, at I'm sure na tulog pa din ang iba. Napagdesisyonan kong lumabas nalang muna at tumungo sa may dalampasigan 6 o'clock na ng umaga, ang lamig ng simoy ng hangin, rinig na rinig ang pagaspas ng hangin pati na din ang daluyong at pag hampas ng dagat. Uupo na sana ako sa may silong ng mangga, akin ikinabigla ng makita ko siyang nakaupo roon.

Nagdalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi.

"Ang aga mo namang nagising" sabi neto saakin. "Tara dito ka oh." alok niya, wala naman akong nagawa kundi ang tumabi sakanya.

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko sakanya habang nakatanaw sa malayo. Hindi ko matingnan sa mata dahil alam kong pag ginawa ko yun makakaramdam nanaman ako ng sakit.

"Hindi naman. Hindi kasi ako sanay na hindi natutulog sa bahay." paliwanag niya. "Eh ikaw bakit ang aga mo naman atang nagising?"

"Wala lang, ganitong time naman talaga kasi ako nagigising eh." pagsisinungaling ko.

"Jane sorry." sunod niyang sagot. Ano bang dapar kong isagot sakanya? Na oo napatawad ko na siya kahit hindi pa talaga masyado? Hindi ko alam nalilito ako.

Ito na ba yung right time at right place for forgiveness?

Once upon a love story (Janerome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon